Jon Avila still gets to work with TV5 despite being with Star Magic

"Star Magic pa rin ako. Kaka-sign ko lang ulit. Grateful ako sa Star Magic kasi pinapayagan pa rin nila akong mag-work dito sa TV5. Kasi bago pa nagkaroon ng ruling about the stars, nagwo-work na ako sa TV5," says hunky actor Jon Avila.


Kahapon, September 1, ang mismong kaarawan ni Jon Avila kaya naman isang birthday cake ang ibinigay sa kanya ng TV5 sa presscon ng bagong sitcom ng Kapatid network na Hapi Together na ginanap sa Max's Restaurant, Roces Ave.,Quezon City. Si Jon ay kasama sa cast.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jon pagkatapos ng presscon proper at ayon sa kanya, wala siyang plano na magpa-party. Bukod sa birthday celebration niya sa P.O.5, ang tanging ginawa ni Jon para sa kanyang birthday ay ang food program para sa mga streetchildren sa Bulacan, kung saan nakatira ang kanyang Mommy Teresita at mga kamag-anak nila, noong August 30.

"One-hundred fifty sila tapos nakatira sila sa tabi-tabi lang, mga batang kalye," banggit ng half-Irish, half-Pinoy.

First time daw gawin ni Jon ang ganitong food program at gusto niyang ituloy ito taun-taon.

Ano ang birthday wish niya?

"Wala naman. Siguro good health lang and more projects," sabi niya.

GETTING MORE PROJECTS. Masaya si John dahil ang wish niya raw na more projects ay tila nagkatotoo na sa pagpasok niya sa TV5. Regular siya sa P.O.5 at kasama rin siya sa Hapi Together.

"Masarap yung feeling na napaka-blessed ako dahil busy ako sa trabaho. Tapos yung mga kasama ko sa trabaho, masaya din. So, masayang-masaya ako. Nothing more, nothing less."

Isa raw sa ipinagpapasalamat ni John sa pagkakasali niya sa Hapi Together ay ang makasama ang magagaling at beteranong komedyante. Pinangungunahan ito ng mga bidang sina John Estrada at Long Mejia kasama sina Leo Martinez, Nova Villa, Soxie Topacio, Keanna Reeves, Carla Humphries, Princess Ryan, at Kean Cipriano.

"Marami akong natututunan sa mga comedians, sa mga co-actors ko."

Ayon kay Jon, may pagkamisteryoso raw ang role niya sa Hapi Together bilang si Winston, na boarder sa mansyon ng mga Cayugyog (Soxie at Keanna).

Nananatiling under management ng ABS-CBN Star Magic si Jon kahit nagtatrabaho na siya sa TV5. Thankful nga siya dahil hindi siya naapektuhan ng paghihigpit sa mga Kapamilya stars sa paglabas sa Kapatid network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Star Magic pa rin ako. Kaka-sign ko lang ulit. Grateful ako sa Star Magic kasi pinapayagan pa rin nila akong mag-work dito sa TV5. Kasi bago pa nagkaroon ng ruling about the stars, nagwo-work na ako sa TV5. May contract na ako sa P.O.5 and sa Shall We Dance dati, bago pa ipinagbawal 'yan. Tapos Everybody Hapi, mainstay ako doon for more than one year. And now, itong Hapi Together na pumalit sa Everybody Hapi."

MAJOR-MAJOR MISTAKE. During the presscon, naitanong sa cast kung ano ang "major-major mistake" na nagawa nila sa kanilang buhay. Ang isinagot nga ni Jon ay hindi siya natuto ng Tagalog simula noong bata pa lang siya sa London.

"Yun ang regret ko kasi hindi kami nag-Tagalog sa bahay namin, e. Hindi naman sa nahihirapan ako ngayon. Pero mas marami akong alam sana kung nag-Tagalog ako nung bata ako," sabi niya.

Mas marami raw sana siyang roles na puwedeng gawin kung maayos ang pagta-Tagalog niya.

"Gusto ko kasing mag-drama. Yun ang gusto kong gawin. Sana makagawa ako ng episode sa 5-Star Drama Specials ng TV5."

Kaya naman tuluy-tuloy daw ang pag-aaral niya ng Tagalog ngayon.

PRINCESS RYAN. Natatawa naman si Jon kapag tinutukso siya ng mga press kay Princess Ryan dahil sa isang romantic production number nila sa P.O.5, kung saan parang naging Superman siya at Louis Lane naman si Princess. Nagkaroon pa ng kissing scene pagtapos ng sayaw nila.

"Princess is a good friend. Kasama ko rin siya rito sa Hapi Together. Hindi ko lang alam kung magiging magka-love team kami dito. Wala namang problema if we're being paired off kasi magkaibigan naman kami ni Princess," sabi niya.

Ano ang naramdaman niya sa kissing scene nila sa P.O.5?

"Kinilig ako."

Ano ang lasa ng lips ni Princess?

"Matamis!" natatawang sabi ni Jon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang qualities na nagugustuhan niya kay Princess?

"Actually, kaming dalawa, we're both Irish...pareho kaming may Irish blood. Mabait siya, masarap kasama."

Posible bang ma-develop siya kay Princess dahil pareho naman silang single ngayon?

"Puwede. Pero friends muna kami. Tingnan natin kasi we'll be spending more time sa taping sa Hapi Together. Let's see what happens."

Mapapanood ang Hapi Together simula Martes, September 7, 8 p.m., sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN