Ryan Agoncillo reveals meaning of forthcoming son's name

Actor-host Ryan Agoncillo and wife, award-winning actress Judy Ann Santos, are both taking classes related to parenthood in preparation for the coming of their firstborn son, Juan Luis.


Sa October ay magiging ganap nang ama ang TV host-actor na si Ryan Agoncillo. Next month kasi ay manganganak na si Judy Ann Santos sa kanilang firstborn baby boy.

Kagabi, September 1, sa press conference ng Enervon Multivitamins na ginanap sa 55 Events Place sa Tomas Morato, Quezon City, hindi maitago ni Ryan ang kanyang excitement sa nalalapit na pagdating ng kanyang anak na lalaki.

Todo paghahanda ang ginagawa ng mag-asawa at nag-enroll din sila sa ilang special classes para sa nalalapit na panganganak ni Juday.

"Meron kaming mga birthing classes in the next few weeks and then si Juday, nagbe-breastfeeding classes, nagyo-yoga, tapos nagpe-prenatal massage," kuwento ni Ryan nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment reporters.

During the presscon proper ay tinanong si Ryan kung sasamahan ba niya si Judy Ann sa loob ng delivery room sa mismong oras ng panganganak nito.

"I don't think I have a choice," pabirong sagot ni Ryan.

Seriously speaking, sinabi ni Ryan na nakakita na siya dati ng aktuwal na panganganak via caesarean section. Supposedly kasi ay may gagawin sanang project ang Talentadong Pinoy host at kinailangan niyang pag-aralan firsthand ang nabanggit na birthing procedure sa loob ng ospital kaya siya nakapanood.

"Kinaya naman!" natatawang pagmamalaki ni Ryan. "Na-testing ko na, e... Hindi naman ako hinimatay."

HOPING FOR A NORMAL DELIVERY. Umaasa rin si Ryan na magiging normal ang panganganak ni Juday. Sa initial findings kasi ng doktor ay nakitang suhi ang posisyon ng baby. Ibig sabihin, ang paa ng sanggol ang mauunang lumabas sa halip na ang ulo. Sa ganitong sitwasyon, caesarean ang magiging birthing method of choice na gagawin ng mga doktor.

Puwede naman itong mabago, ayon sa mga eksperto. Noong huling check-up nga raw ni Juday ay nakita na may pagbabago sa posisyon ng bata kaya may pag-asa pa na maging normal delivery ang panganganak ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

All in all, sinabi ni Ryan na natutuwa siya at maayos ang naging pagbubuntis ni Juday. Hindi naman niya naranasan ang mga karaniwang kuwento ng mga mister, katulad ng sinasabing nagiging sobrang sumpungin ang asawang babae during her nine-month pregnancy.

"She's doing very well. Labas pa rin nang labas, kain nang kain sa labas. And every time she's home ng mga bandang hapon, nagwu-walking around the village siya."

Bagamat marami siyang trabaho ay nagagawa naman ni Ryan na balansehin ang kanyang oras para sa career at pamilya. Sa kasalukuyan ay napapanood ang 31-year-old actor-host sa mga programang Eat Bulaga! ng GMA-7 at Talentadong Pinoy ng TV5. Magsisimula na rin ang miniseries niya sa TV5 na Lady Dada. Bukod pa siyempre dito ang ilang endorsements at commitments ni Ryan bilang isang artista.

Paliwanag ni Ryan, "'Yong trabaho ko hectic, pero hindi ngarag. Pag wala rin naman akong taping sa gabi or shooting, ang daily ko Eat Bulaga!, I wake up pretty normal, I wake up around mga 8 or 9 [in the morning], tapos gym, tapos punta sa Eat Bulaga! Pag wala nang trabaho after that, nauunahan ko pa minsan umuwi 'yong anak [Johanna Lois, Ryan and Juday's adopted daughter] ko from school, kasi mga 4 p.m. nasa bahay na ako.

"So, 'yon lang, pag may Lady Dada and may taping, 'yon siguro, mga once a week kailangang magpuyat or pag nagsu-shoot ng commercial. Ang Talentadong Pinoy is very regular, so I get to go home by midnight. So, normal pa rin siya, para lang akong nag-overtime sa opisina pag may taping."

LITTLE FIGHTER. Nauna nang sinabi ni Juday na wala siyang balak kumuha ng yaya, para lubos na maalagaan ang isisilang na sanggol.

Ano naman kaya ang comment ni Ryan dito?

"'Yon ang balak niya. Pero sabi ko naman sa kanya, 'Sweetheart, basta kung ano 'yong gusto mo, gawin natin. Pero pag nahirapan ka, we can always ask for help.' 'Tsaka nandiyan pareho 'yong mga lola."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy pa ni Ryan, "Si Mommy Carol [Juday's mother] visits us every weekend and my mom, since mas malapit sa amin nakatira, almost every other day dumadalaw at nagdadala ng pagkain."

Inulit ni Ryan na desisyon ni Juday kung nais nitong bumalik sa pag-arte pagkatapos manganak. Ayaw raw niyang pangunahan kung anuman ang plano ng asawa, although nakahanda rin naman si Ryan kung sakaling tuluyan nang talikuran ni Juday ang showbiz kapalit ng tahimik na buhay pamilya.

"It's her choice... Ngayon lang na medyo pukpok sa trabaho kasi tatay mode. It's a fulfillment lang naman of my promise a couple of years back. Sinabi ko naman kay Juday na I want to afford her the choice to stop if she wants to stop or take a rest if she wants to.

"Sa awa ng Diyos, napapanatili namang normal ang buhay na si daddy lang ang nagtatrabaho. Pero choice niya ulit 'yon. Let's say two years from now or a year from now, she wants to go back to work or she decides not to go back to work, I wanna be able to afford to give her that choice," seryosong paliwanag ni Ryan.

During the presscon ay inanunsiyo na rin ni Ryan ang napagkasunduan nilang ipangalan sa magiging anak na lalake: Juan Luis.

"My daughter's name is Johanna Lois [Yohan] and my dad's name is Luis Vicente. My name is Christopher Lou, so nag-decide kami na we want an old name na madali lang para sa bata and gusto namin na isunod sa Johanna Lois. So the most logical was Juan Luis. Ang palayaw niya is Lucho, which loosely translated pag sa Spanish, luchodor kasi means wrestler or fighter. So, Lucho means little fighter."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN