Shaina Magdayao is happy that boyfriend John Lloyd Cruz takes pride in her

"Masarap naman talaga siyang kasama, e. Masarap siyang kausap. Hindi talaga namin in-expect na yung friendship mauuwi sa relationship," says Shaina Magdayao about boyfriend John Lloyd Cruz.


Sinagot ni Shaina Magdayao ang iba't ibang intriga na matagal nang ikinakabit sa kanya na may kinalaman sa pagkatao niya, gayundin sa pakikipagrelasyon niya kay John Lloyd Cruz. Ito ay nangyari sa taped interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon, September 5,

Unang inungkat kay Shaina ang tungkol sa akusasyon ng pagiging "lasenggera" daw niya.

"Ang sakit naman nun," sambit ni Shaina. "Such a harsh word naman yung lasenggera. Yes, I do go out. But I go out with my trusted friends, my sisters, my cousins and I don't think papayagan naman ako ng pamilya ko na lumabas kung alam nila na hindi ko alam ang limitations ko at responsibilities ko."

Gimikera raw si Shaina?

"Sinungaling naman po ako kung sasabihin kong hindi ako nasaktan. Pero siguro ang nagpakampante lang sa akin is alam ko ang totoo," sagot ng 20-year-old actress.

Pasaway daw si Shaina?

"I think it's for other people to say that. Kahit naman po sabihin yun kahit saang parte, kahit saang aspeto, hindi totoo," sabi niya.

Dahil daw sa mga paninirang ito sa kanyang pagkatao, dumating na rin daw sa puntong naisip niyang iwan na ang showbiz. Ang tanging nagpapatatag lang sa kanya ay ang mga taong sumusuporta sa kanya.

"Ipinagdadasal ko na lang po [ang mga paninira]. Hindi ganun kadali, pero I'm very lucky and thankful sa mga tao around me na solid talaga yung support system ko and yung mga tao na hindi ko akalain na mahal pala ako. Sobra ko pong naa-appreciate 'yon."

LOVING JOHN LLOYD. Bukod sa mga intriga, naging usap-usapan din ang pag-amin ni John Lloyd Cruz sa The Buzz tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon. Nakahinga raw siya ng maluwag nang sabihin ni Lloydie na sila na nga. (CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Shaina, "Hindi ko ho kasi talaga alam na sasabihin na niya. Masaya kasi ang laking luwag sa aming dalawa. Kaya I'm very thankful na mayroong isang tao na proud sa akin at puwedeng ipagsigawan sa mundo na I'm someone important sa buhay niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan nangyari yung attraction at paano manligaw si Lloydie?

"Hindi siya ma-best foot forward, e. Kasi magkaibigan naman na kami bago pa [naging kami]. Dumating siya sa buhay ko nung marami akong pinagdadaanan. Siya yung naging mabuting kaibigan siya sa akin."

Paano niya naramdaman na, "Ay, iba na ito, a!"?

"Kahit sino naman yatang babae kapag may ibang klaseng atensiyon, you would know," sagot ni Shaina.

Kinilig daw talaga si Shaina nung finally ay manligaw na si John Lloyd.

"Kasi, masarap naman talaga siyang kasama, e. Masarap siyang kausap. Hindi talaga namin in-expect na yung friendship mauuwi sa relationship," sabi niya.

NOT A JINX. Sa lahat daw ng mga ibinabatong intriga sa kanya na may kaugnayan kay John Lloyd, pinakamasakit kay Shaina ang akusasyong siya raw ang "jinx" o makakasira sa magandang career ng boyfriend.

"Yun talaga ang pinakaayaw kong masabi sa akin dito. I've been in the business for so long. Never ho akong nanggamit ng tao and never ko hong gagawin 'yon," paliwanag ni Shaina.

Kaya naman napagdesisyunan daw nila ni John Lloyd na huwag na munang magsama sa isang proyekto.

"Siguro to protect also our relationship, our private lives. 'Tsaka masarap yung ganun, e, pagkatapos ng trabaho, meron kang reality...meron kang totoo na mauuwian," makahulugang sabi ni Shaina.

Pagdating sa career, hindi naman daw isyu kay John Lloyd kung magkaroon man ng kissing scene o love scene si Shaina sa ibang aktor. Gaya na lang ng naging love scene nila ni Coco Martin sa pelikulang Sa 'Yo Lamang.

"Actually, kinuwento ko pa ho sa kanya, e. Yung pinaka-nangyari. Kung ano ang napi-feel ko, kung gaano ako kanerbiyos. Naiintindihan niya kasi nakailang love scene na yun, e."

Naiintindihan daw nila ang isa't isa at suportado nila ang career ng bawat isa.

"Sabi ko nga sa kanya, 'Ako na lang yun number-one fan mo," sambit ni Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Happy nga si Shaina dahil suportado siya ni John Lloyd lalo na sa pagdating ng big break niya sa pagbibidahan niyang Precious Hearts Romances Presents Alyna, na mapapanood na sa September 20 sa ABS-CBN Hapontastic.

Sa huli, mala-Miss Universe namang tinanong si Shaina kung ano ang biggest mistake na nagawa niya in her 20 years of existence.

"My major-major mistake!" natatawang sagot ni Shaina. "Bata pa ako, I'm bound to make my biggest mistake. Siguro in ten years kung nandito pa ako, baka masasagot ko 'yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN