Keempee de Leon says playing gay roles is just one acting niche for him

"Ako, hindi ko ikinahihiya na mag-gay roles kasi from that, no'ng nag-start ako, na-nominate ako for Asian TV Awards. So, malaking bagay para sa akin. Kumbaga, kung saan ka effective, doon ka muna," says Keempee de Leon.


Sa ikalawang pagkakataon, tumuntong muli si Keempee de Leon sa TV5, na naging bahay niya nong nasa ere pa ang gag show na Tropang Trumpo na kinabilangan din nina Michael V at Ogie Alcasid bago sila lumipat ng GMA-7.

Tampok si Keempee sa bagong miniseries ng TV5, ang Lady Dada, na pinagbibidahan ni Ryan Agoncillo. Papel ng isang gay impersonator na kaibigan ni Ryan ang role ni Keempee dito. Siya ang kumumbinsi kay Ryan na maging impersonator para kumita at matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang anak.

Excited si Keempee sa bago niyang acting project dahil first time daw niyang makakasama si Ryan at ang iba pang cast ng Lady Dada na sina Mylene Dizon at Roderick Paulate. May lover din sa kuwento si Keempee at 'yon ay si Edgar Allan Guzman.

"Masaya, kasi hindi lang siya gay role. Kasi ang trabaho ko rin dito ay head ng mga drag queen. So, medyo kakaiba at medyo nag-research tayo. Kinausap ko yung isa sa members ng Raging Divas na si Eva Papaya. Siya ang nag-makeup sa amin ni Ryan.

"Plus, kinausap ko rin si Tita Edlyn [Tallada-Abuel, TV5 executive] kung kailangan ko bang mag-shave like yung mga ginagawa ng mga nagda-drag na nagsi-shave ng legs, ng armpit. So, nangyari naman. Masakit siya, huh! Pina-wax ko siya. One month siya bago tumubo uli. So, medyo tumutubo na kaya kailangang ipa-wax uli. Hairy ako kaya medyo masakit.

"So, tinanong ko talaga kung kailangan kong gawin, Sabi oo, kasi mag-i-stockings ka. Ang pina-wax ko lang, sa legs, sa chest, at sa armpit. Hindi na yung sa arms ko. Kahit si Ryan, ginawa niya, e. Yung sa kanya, sa actual na eksena ginawa," kuwento ni Keempee sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Lady Dada.

GAY ROLES. Hindi na mabilang ang gay roles na ginawa ni Keempee, samantalang noong kabataan niya ay hindi lang siya matinee idol, kundi drama actor at action star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, bawat actor naman makikita mo kung saan sila nilalagay sila ng management," sabi niya. "E, kami, aktor lang e. Umaarte lang kami. Kumbaga, ang nagde-decide niyan ay ang management.

"Ako naman, when it comes to work, work. Yun nga lang, nagkataon na maraming gay roles na ibinigay. I guess, nagkataon lang na effective, sabi nila. Natutuwa rin ang mga tao dahil after yung sa kabila [GMA]-7], sa Bahay mo Ba To?, doon nag-boom, e.

"Ako, hindi ko ikinahihiya na mag-gay roles kasi from that, no'ng nag-start ako, na-nominate ako for Asian TV Awards. So, malaking bagay para sa akin. Kumbaga, kung saan ka effective, doon ka muna. Pero darating din naman yung point na magda-drama uli ako."

Ilan sa mga mahuhusay na artista ang nadadala nila sa likod ng kamera ang kanilang roles. May ganito bang pagkakataon kay Keempee na nadadala niya ang pagiging bading niya?

"You have to shake it off. Kumbaga, parang damit 'yan na isinusuot mo sa set. Kaya nga kami ni Ryan....," sabay sigaw niya nang matigas. "Ganunan kami ni Ryan. Sini-shake off namin. Kasi minsan, madadala mo pa rin yung character mo, malambot ka pa rin. Si Ryan nga, nadadala pa rin niya. Pag kakain, dadampot siya, nakatikwas yung daliri. So, sabi ko kay Ryan, 'Hoy, gising!'"

Gaya ng dati, suportado pa rin si Keempee ng kanyang amang si Joey de Leon.

"In-inform ko siya. Sabi niya, 'grab the opportunity.' Kumbaga, sa panahon ngayon, bihira yung nabibigyan ng opportunity, e. Kailangan mong i-grab. Trabaho na ang lumalapit sa iyo, tanggapin mo na," sabi niya.

Dahil sa gay roles, natatanong na raw si Keempee kung tunay na lalake pa rin siya.

"Tanong sa akin ng mga reporters, every gay role, 'Ano ba? Meron ka na bang bahid? Bading ka na ba?' In-example nila yung iba raw na ayaw tanggapin ang gay role baka bumigay lalo. Ako naman, trabaho 'yan. Kasi ang dami rin namang nagge-gay role, like my dad, Vic Sotto, Dolphy... Babae pa rin ang gusto ko!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw ikinakatakot ni Keempee ang ma-typecast sa ganitong papel.

"Hindi naman masasabing nata-typecast kasi I'm doing hosting also. A, hindi naman yung, kumbaga, lagi-lagi. May daily show [Eat Bulaga!] naman ako. Hindi naman yung ginagawa ko sa kabila, ganito rin yung dito sa TV5 na bading ako. Nagkakataon lang na kapag may sitcom o series na gaya nito, ako yung naaalukan.

"Kailangan din kasing may comic relief... 'Eto na lang, ha... Natutuwa ako kasi, hindi naman sa pagmamayabang or anything, napansin ang mga gays na ilagay sa isang show, sitcom o series na may major-major role. Dati, nasa gilid lang na parang pinandidirihan. Ngayon, nagkaroon ng lugar. Kita mo, bawat series ngayon, meron silang puwesto."

Bukas si Keempee sa pagtanggap ng marami pang gay roles, pero may limitasyon siya sa mga gagawin niyang mga eksena.

"Nagawa ko na yung kissing scene before sa ABS-CBN, before sa MMK [Maalaala Mo Kaya] with Gerald Madrid. Yung bed scene...hindi, e. Hindi ko nakikita yung sarili ko doon. Kumbaga, I guess meron ka ring dapat boundaries kung hanggang saan lang," sabi niya.

LOVELIFE & KEEMPEE'S DAUGHTER. Pagdating naman sa lovelife, dalawang taon na raw bakante ang puso ni Keempee. Pero may mga dini-date daw siyang non-showbiz girls ngayon.

Tanggap na raw ni Keempee ang realidad ng pagkakaroon ng lovelife kaya hindi niya masasabing traumatized pa rin siya sa failed relationships niya.

"Depende kung ano yung nangyari sa relasyon mo kung traumatic ba. Siyempre, magkakaroon ka ng trauma, o ng doubts. Pero sa ngayon, I would say I'm ready now for a commitment.

"Actually, gusto ko na ring mag-asawa hindi na ako bumabata at malaki na yung anak ko...kaka-14 lang niya. Buti na lang matangkad! Her name is Sam. Gusto rin ngang mag-artista," banggit ni Keempee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN