Tim Yap says issue between him and Mo Twister is already "settled"

"Ako, once I see hate mails, I write them a letter, 'Oh, you misunderstood where I'm coming from, but thank you for your...' Of course, there are constructive [criticisms] and there are non-constructive. So, I look at the constructive ones and if I can learn something from it. 'Thank you so much for your criticisms, I will try to learn as much as I can.' And they stop," says Tim Yap about hate mails.


Bukod sa pagiging regular party jock ng Party Pilipinas sa GMA-7 at isa sa mga host ng showbiz-oriented talk show na Tweetbiz sa Q-11 (sister channel ng GMA-7), may isa pang show si Tim Yap, ang Trends By Tim Yap, na napapanood naman sa Channel V.

"We just finished our first season with Trends," masayang simula ni Tim sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "We're shooting na the second season. Airing of the show is three times a week—Sundays, Saturdays, and one weekday. It's in the afternoon, 1:15, 2:30, 3:30. Three times a day on Channel V."

Bukod sa pagiging busy host, panay rin ang pag-a-abroad ni Tim, pag-aasikaso ng kanyang charity works at iba pang social events. Kung kaya't minsan ay napabalitang may sakit siya sa lalamunan.

Mismong si Tim na ang nagkuwento ng kanyang current health condition.

"I have a cyst on my throat. It's a sakit ng mga host. Nagsimula ito, I guess because of my lifestyle. I speak loud in clubs. I host. I talk a lot. You know, lahat ng mga yun. So, baka minsan, naa-abuse ko rin ang sarili ko, ang ngalangala ko, sa kakasalita!" tawa niya.

Dagdag niya, "Lately, namamaos ako sa mga shows ko. Pagkatapos kong mag-host, namamaos ako. Nagugulat ako kung bakit ako namamaos. Hindi kasi usual, e. Kahit natutulog naman ako nang mabuti, namamaos pa rin ako," sabi niya.

May pain ba siyang nararamdaman minsan?

"Walang pain. Namamaos lang ako magsalita. Medyo hirap magsalita. Paos lang, gano'n, pero hindi naman painful, hindi naman. Hanggang sa pina-check-up ko na, kasi I feel I needed to na. So, nung pina-check ko, nalaman ko ngang there's something there."

Ano ang sabi ng doktor niya?

"Sabi ng doctor, I need to have an operation. But right now, I feel so good, I feel so okay, so I don't...it's not an urgent thing. I don't need to have an operation immediately. When I have the time, paplanuhin ko yun. Magpi-pre-tape ako ng mga segments, aayusin ko ang schedule ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, hindi naman pala gano'n kagrabe ang sitwasyon ng kanyang throat?

"Hindi naman," sagot ni Tim. "The cyst is there lang. But the cyst is still an aberration, hindi ba? There's a cyst. So, mas maganda na ang maagapan bago pa may mangyari."

Manageable ba ang kundisyon niya?

"Yes, manageable siya. Actually, si Kris [Aquino], may ganito ring sakit minsan. Si Oprah [Winfrey]. We have this thing. Sakit siya ng mga host!" tawa ni Tim.

So, umiinom ba siya ng medications?

"Wala," sagot ng TV host-eventologist. "Basta ang payo lang ng doctor, don't over-exert myself. 'Wag ako masyadong magpuyat. Bawal ako kumain ng spicy foods. Bawal uminom, lalo na yung malamig. Bawal ang sweets. Bawal ang ice cream, bawal ang chocolates... E, dati, ice ako nang ice!"

Ano ang na-realize ni Tim sa nararamdaman niyang ito, na overworked na siya?

"Hindi naman. Alam mo naman ako, gusto ko, overworked ako, e. Yun naman ang sistema ko, e. I just want to take better care of my health. Yun!

"Na-realize ko, lalo na these days, di ba, ang daming nagkakasakit, ang daming medyo maaga namamatay... Kailangang mag-ingat talaga sa kalusugan, di ba? Yun lang naman ang nararamdaman ko. Other than that, wala naman na."

ISSUE WITH DJ MO. Naging kontrobersiyal lately si Tim dahil sa issue sa kanila ni DJ Mo Twister. Ano nga ba ang pinagsimulan o background ng isyu niya with DJ?

"Settled na yun, I called him. Pero ang background? Well, I called him, kasi lagi daw akong tinitira sa Juicy (TV5 showbiz talk show). So, I checked directly with Mo, 'Meron ka bang galit sa akin?'"

Tinitira siya in what way?

"Blind items...kung anu-ano. Sa radio show niya, tinitira niya rin ako," sabi ni Tim.

Nami-misquote ba siya?

"Hindi naman ako nami-misquote. Para lang I feel na... Marami kasi sa Twitter ko na nagsasabi sa aking they're putting me on a blind item, they're saying things that are not true about me. Mga gano'n. My reaction was... Well, I checked kung may sama ba siya ng loob sa akin. I called him. Ako pa!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta ang naging pag-uusap nila ni Mo?

"Ako kasi, parang... Kunwari, hindi totoo ang mga pinagsasabi sa akin, do'n lang ako nagsasalita. Hindi ako mapag-react. Hindi ako nagpa-presscon. Dumiretso ako sa kanya. Kasi, I care about my friendships with people. And, para sa akin, magkaibigan talaga kami ni Mo. Mula dati pa. Mula nung magsimula siyang mag-artista, nagsusulat pa lang ako noon."

Friends pala sila ni DJ Mo noon pa?

"Friends talaga kami," sabi ni Tim. "Mula noong magbalik siya [from abroad]...way back ng ABS-CBN days niya. Matagal na kaming magkaibigan, so tinawagan ko talaga siya. The same thing na magkaibigan kami ni Donita [Rose] na best friend niya.

"So, I called him. Sabi niya, trabaho lang daw na kapag gano'n, napapag-usapan kami. Wala kaming problema sa isa't isa. Na kapag pinag-uusapan niya kami, tatawa siya. Kasi, yun ang trabaho niya, para pagtawanan ang mga bagay-bagay, o mga isyu.

"Yun ang istilo niya. Kasi ako, kung kaibigan ko, ipagtatanggol ko. Pero kanya-kanyang style 'yan. And I respect his style. So, ayos lang."

Ano ang reaction niya sa statements ni DJ Mo laban sa kanya?

"Kasi, hindi ko naman narinig personally, e," sabi ni Tim. "Mga tao lang ang nagsasabi sa akin, e. Di ba, lagi namang gano'n? Sa showbiz, 'Sabi ni ganito, sabi ni gano'n.' Puro parating. Until nalaman ko on my own na. Kung tawa-tawa lang naman, sige, hayaan mo na silang tumawa at my expense. If that will give people happiness, why not?"

Since kaibigan pala ang turing niya kay DJ Mo, na-offend ba siya dahil pinagtatawanan siya nito sa ere?

"Hindi, nagtaka lang ako. Hindi ako na-offend. Kasi, it will take so much to offend me naman. Alam ko nga na... Basta, sa ibang shows, they always talk about me. Di ko lang ine-expect coming from him, pati si Tita Cristy [Fermin], mga ganyan-ganyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Tim, sanay na siya sa mga ganitong birada laban sa kanya ng kanyang mga detracrors o mga taong hindi "feel" ang kanyang personalidad.

"Sanay na ako," sabi niya. "Alam mo, alam ko naman na kahit na anong sabihin nila, alam ko naman na mabuti akong tao. So, nothing that they... Hindi pa nila ako kilala. So, madali akong ma-misunderstand, or misjudged. Pareho pa rin ako. Gusto nila akong pagmukhaing masamang tao."

BRIDGING THE GAP. Dahil modern technology na nga ngayon, nauso ang Twitter at e-mail. Sa estado ni Tim sa society at sa mundo ng show business, lagi na lang siyang may "hate mails," samantalang hindi naman daw siya kilala ng iba para siya husgahan.

"Ako, once I see hate mails, I write them a letter, 'Oh, you misunderstood where I'm coming from, but thank you for your...' Of course, there are constructive [criticisms] and there are non-constructive. So, I look at the constructive ones and if I can learn something from it. 'Thank you so much for your criticisms, I will try to learn as much as I can.' And they stop.

"Nagugulat sila, kasi they think na when they hit me, hindi ko sila babalikan. Binabalikan ko sila. And they'd realize, 'A, oo nga! I might have misjudged him.' This arrogants and bitches! So when you write them back, with all sincerity, they get parang rattled.

"Let's say, why am I doing things that I'm doing now? Doing a Sunday noontime variety show [Party Pilipinas], with a live audience, you know, being in touch with a lot of people, because that's why we are in media. Because we want our voices to be heard, we're the bridge to people.

"That's why I don't block, because I don't want to have barriers between us and the people we want to communicate [with]... They're the people who we don't want to block. They're the ones who need to listen to our message more. They're the ones who need to shed light upon. So, why should we block them?" saad ni Tim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN