Glaiza de Castro tones down kontrabida image in Grazilda

Glaiza de Castro treats Grazilda as her biggest showbiz break. The 22-year-old actress will assume lead role status for the first time after playing supporting and villain roles in past projects.


Modern Cinderella fairy tale ang tema ng upcoming GMA-7 primetime series na Grazilda na pinagbibidahan ng young actress na si Glaiza de Castro.

Last Friday, September 3, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at mga entertainment reporters si Glaiza sa GMA Network Center sa Quezon City. Dito ay masayang ikinuwento ng dalaga kung paano niya nasungkit ang lead role sa Grazilda.

"Nag-audition ako for this... Madami din kaming nag-audition. Ako nga, wala din sa isip ko, 'Ano ba 'to, comedy ba 'to?' Since sinabi ng handler ko, sinabi ng nanay ko na, 'Sige na, mag-audition ka na, wala namang mawawala.' Parang hindi ko na inisip kung matatanggap ako. Basta ibinigay ko na lang 'yong best ko," saad ni Glaiza.

Lalong naguluhan si Glaiza matapos niyang mabasa ang mga linya na nakapaloob sa paunang script na ibinigay sa kanya para sa actual audition.

"May monologue na pina-read. 'Yong binabasa ko nga the night before the audition, sabi ko, seryoso ba talagang ito ang sasabihin ko? Parang hindi talaga ako sanay sa mga dialogue na, 'Fairy godmother, ito ba talaga ang parusa ninyo sa akin?' Nung una, natatawa-tawa pa ko. If ever kasi, sabi ko at that time, first time ko gagawa ng fantaserye. So, hindi ko pa alam kung animated ba, slapstick ba, o comedy," paliwanag ng young actress.

READY FOR LEAD ROLES. Mas nakilala ng publiko si Glaiza bilang isang kontrabida. Masasabing epektibo ang 22-year-old actress sa ganitong papel. Marami ang nainis at namuhi sa mga karakter niya sa mga programang Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin, Stairway to Heaven, at Diva.

Maging si Glaiza nga ay inaming kumportable na siya sa villain roles at hindi na rin siya umaasa na mabibigyan ng isang lead role. Bago siya naging kontrabida ay puro supporting roles ang ginagampanan ni Glaiza kahit noong nasa ABS-CBN pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dumating ako sa point na hinayaan ko na lang, e. Kumbaga, kung darating, darating. Kaya nung binigay sabi ko 'Masyado bang maaga?' Pero hindi on my own time, in His time talaga," seryosong pahayag ni Glaiza.

Hindi naman tuluyang tatalikuran ni Glaiza ang pagtataray onscreen dahil kung susuriing mabuti ay bida-kontrabida ang kanyang role sa Grazilda.

Paliwanag ni Glaiza, "Ang focus is dun sa softer side, sa vulnerability nung character. Kasi 'yon yung mga hindi nakikita ng mga tao dun sa evil stepsisters. 'Yon yung hindi nakikita ng mga tao sa mga antagonist roles, kung ano 'yong cause ng pagmamaldita nila, kung ano 'yong cause ng jealousy, kung bakit sila nang-aapi.

"Nakakatuwa kasi unconventional 'yong approach ni Grazilda para ipakita sa kanila na ganito na 'yong bida ngayon. 'Yong parang hindi siya palaging inaapi and hindi na siya nagpapaapi."

On the physical aspect naman ay may mga pagbabago rin na makikita ang mga manonood kay Glaiza, para kahit papaano ay mailayo siya sa naunang image na nakasanayan na nila.

"Physically, pina-soft talaga nila ang features ko. Pinabago nila 'yong kilay ko kasi hindi pa daw ako nagsasalita, nakataas na!" natatawang sambit ni Glaiza. "Sabi ko, 'Talaga?' Baka naman na-imbibe ko lang 'yong mga character ko dati. Tapos pina-tone down nila 'yong hair color ko, then pinahaba nila."

Kasama rin sa cast ng Grazilda sina Cherie Gil, Rio Locsin, Joel Torre, Geoff Eigenmann, Jolina Magdangal, Yasmien Kurdi, Steff Prescott, Djanin Cruz, Bodie Cruz, Dominic Roco, Gwen Zamora, Benedict Campos, at Angeli Nicole Sanoy.

WILLING TO EMBRACE LOVE. Sa kasalukuyan, walang lovelife si Glaiza bagamat open naman daw siya kung may dumating man at ma-in love din siya.

Puwede naman daw pagsabayin ang career at ang buhay pag-ibig, katuwiran ng dalaga.

"It's how you handle it kasi," sabi niya. "'Di ba, ikaw din naman 'yong nagde-decide sa buhay mo and once you decide to concentrate on your career totally, desisyon mo 'yon. Pero kung gusto mong sabayan ng ibang elements... Kasi once you isolate dun sa isang factor ng buhay mo, dun ka lang talaga. Pero masarap din naman minsan 'yong may variety para balance din ang buhay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May partikular na katangian ba siyang hinahanap sa isang lalaki?

"Gusto ko talaga dati mala-Johnny Depp, e. 'Yong hindi sobrang guwapo pero may character," nangingiting sagot ni Glaiza.

"Hindi kasi ako mahilig dun sa mga common guwaping-guwaping, gusto ko 'yong ano, 'yong parang natatakpan ng ka-bad boy-an pero mabait naman talaga... Ayoko naman ng sobrang payat, ayoko rin naman ng masyadong macho kasi nakakatakot. Gusto ko 'yong sakto lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN