"Tween Queen" Barbie Forteza willing to play support to her co-Kapuso Tween Stars

Barbie Forteza thinks the exposure given to her by GMA-7 is not an advantage over her co-Kapuso Tween Stars. "Ay, hindi. Kasi lagi ngang sinasabi sa akin, itong puwesto ko ngayon, kung hindi tsamba, talagang oras ko lang. Sigurado naman ako na lahat kami, lahat tayo, may time din magkakaganito. At saka hindi ko sinasabi na mas lamang ako sa kanila, dahil alam ko ang hirap, galing din ako sa hirap. Galing din ako sa ibaba, bago ako nakarating dito."


Ipinakilala kahapon ng tanghalian, September 7, ang sampung Kapuso Tween Stars ng GMA-7. Kinabibilangan ito nina Barbie Forteza, Joshua Domingo, Jake Vargas, Bea Binene, Krystal Reyes, Louise delos Reyes, Kierulf Raboy, Lexi Fernandez, Kristofer Martin, at ang baguhang si Derrick Monasterio. (CLICK HERE to see their gallery.)

Sa kanilang sampu, si Barbie ang puwedeng sabihin may pinakamalaking advantage sa kanila. Palibhasa'y nagsimula bilang batang version ni Rhian Ramos sa Stairway to Heaven, nagtuluy-tuloy ang pagkamit niya ng magagandang opportunities sa showbiz nang ma-cast siya as lead star ng First Time, kasama ang ka-love team niyang si Joshua Dionisio, at maging bida sa Pilyang Kerubin.

Tinanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung sa tingin niya ba'y mas nakalalamang siya sa mga kasama niya sa Kapuso Tween Stars dahil sa ganda ng exposure na ibinigay sa kanya ng GMA-7.

"Ay, hindi. Kasi lagi ngang sinasabi sa akin, itong puwesto ko ngayon, kung hindi tsamba, talagang oras ko lang. Sigurado naman ako na lahat kami, lahat tayo, may time din magkakaganito. At saka hindi ko sinasabi na mas lamang ako sa kanila, dahil alam ko ang hirap, galing din ako sa hirap. Galing din ako sa ibaba, bago ako nakarating dito," sagot ng 13-year-old Kapuso star na tinagurian noon pa man bilang "Tween Queen."

Willing naman ba siyang suportahan ang mga kasama niyang Kapuso Tween Stars kung isa sa mga ito naman ang bigyan ng break ng GMA-7 na magbida? Yung tipong maging support lang sa launching movie ng kahit sino sa kanila?

"Ay, opo. Kasi unang-una, binuo kami as a group. Actually, ang turingan nga namin, para kaming magkakapatid."

Biniro siya ng PEP na kapatid ang turing niya sa lahat ng members ng Kapuso Tween Stars, liban kay Joshua, na sinang-ayunan naman ng katabi niya lang noon na si Joshua. "Except sa akin," biro pa ni Joshua.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano? Bakit naman iba ka?" tanong sa binatilyo ng ka-love team.

Noong mas maaga pa kasi sa interview na ito ay tinanong sila ng field reporter ng GMA-7 na si Aubrey Carampel kung ano na ang level ng kanilang pagiging close. Sumagot sina Joshua at Barbie na hindi level ang sukatan nila, kundi rate. Sa rate nga raw ng 1 to 10, ng pagiging close nila "11" na raw sila ngayon, ayon kay Joshua.

"Kasi kung yung iba pag nagkakagalit, ang tagal magkabati, kami, sandali lang. Bati na agad. Ay, at saka bawal kaming magkagalit!" kuwento ni Joshua.

Hindi raw mahirap maging ka-close si Barbie, ayon kay Joshua. Hindi raw kasi maere ang dalagita, hindi katulad ng ibang artistang babaeng sikat na talaga. "Siya, ang gusto ko sa kanya yung attitude niya. Hindi siya katulad ng ibang artistang babae diyan na maarte, feeling. Siya confident lang. Talagang madali siyang maka-close," sabi pa ni Joshua tungkol kay Barbie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN