Geoff Eigenmann admits following Carla Abellana in Boracay

Young actor Geoff Eigenmann gets to be paired with Glaiza de Castro in the new GMA-7 fantaserye Grazilda.


Bagong tambalan ang inihahandog ng GMA-7 sa upcoming fantaserye na Grazilda, sina Geoff Eigenmann at Glaiza de Castro.

Consistent si Geoff sa pagsasabing masaya siya na si Glaiza ang nakasungkit sa role na Grazilda at finally ay bida na ito.

"I'm very happy with that," sambit niya. "Ako kasi, personally, noong nag-audition kami, we were paired with others. Ako talaga, personally, I thought I have chemistry with Glaiza. So, maganda yung...we were comfortable with each other. Maganda yung kinalabasan ng audition namin and they [GMA-7 management] decided with this team-up, so very happy, very happy."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Geoff sa presscon ng Grazilda kagabi, September 7, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

FROM CARLA TO GLAIZA. Pero kahit si Glaiza na ang bagong ipinapares ng Kapuso network kay Geoff, hindi pa rin maiiwasan na ang almost one year na rin niyang ka-love team na si Carla Abellana ang madalas na itinatanong sa young actor.

Aminado naman si Geoff na may adjustment talagang mangyayari dahil matagal niyang nakasama si Carla, mula sa primetime series nilang Rosalinda hanggang sa afternoon series nilang Basahang Ginto. At ngayon nga ay si Glaiza ang kapareha niya sa Grazilda, samantalang si Carla naman ay ipapareha na kay Dennis Trillo.

"Adjustments yung araw-araw na magkasama and all that," sabi ni Geoff. "Pero okey naman...we'll see. Eventually, we'll get to adjust sa schedules and all. Magkikita pa rin. Lumalabas pa rin as much as possible."

Napag-usapan ba nila ni Carla ang pagkakaroon nila ng ibang love team?

"Hindi naman bilang may ka-love team ako. But we knew eventually we will be paired with some other stars. Hindi naman looking forward to it, but we're expecting it din naman, and eventually, 'eto na nga siya. So, I don't think it will really be difficult on our part. Ang sa akin lang naman, I think the most important is trust and communication."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isyu ba sa kanila ni Carla na may ibang ka-love team?

"Wala," sagot ni Geoff. "Sa akin, it's given in this business. Kahit naman from the past, yung mga love team is being paired with somebody else. Hopefully, in the future, maging partner kami. Kung tanggapin kami ni Glaiza, will be very happy about it."

SURPRISE IN BORACAY. Bago magsimula sina Geoff at Carla ng kani-kanilang bagong projects, nagbakasyon muna sila sa Boracay noong weekend.

"Oh, yeah, it's true. We were in Boracay," pag-amin ni Geoff. "Actually, I followed. Nauna si Carla with her sister and some family members. Tapos ako, the next day, I followed. I surprised her."

As in surprise talaga kay Carla at walang ideya ang huli na darating siya?

"Wala," nakangiti niyang sabi.

Ano ang naging reaction ni Carla nang makita siya?

"Of course, she's very happy. She was surprised."

Totoo bang sinagot na siya ni Carla noong sinorpresa niya ito sa pagsunod sa Boracay?

"May gano'n?" natatawang sabi ni Geoff. "Wala... Marami nang nangyaring bagay. Nag-Amerika na kami. Wala...wala, promise. It's something na hindi pa rin namin pinag-usapan. Nag-Amerika na nga kami't lahat, hindi ko pa rin tinanong.

"Gano'n pa rin. It's just that there are things that's just between us for now. Kung maging kami man, malalaman n'yo pa rin."

Hindi kaya maging hadlang sa pag-amin nila na may iba na silang kapareha?

"No, for me, it's not reason for me to not say the truth or lie, or bakit ko pa papaikutin, di ba? There's really no point, malalaman din naman. There's nothing you can't hide actually.

"Ako, going to Boracay, akala ko walang may alam. But as soon as I got back, everybody was asking about my trip. So, wala, wala kaming itinatago. Yun pa rin," diin ni Geoff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN