Prince Stefan assures fans, his sexy photos are not doctored

"People can say what they want. I have no control on what they think of my photos. If they love it, then I'm glad and very thankful. I certainly cannot please everyone... Wala po kaming ginawang daya to exaggerate any part of my body for that matter," says Prince Stefan about his daring and revealing photos. Prince will be one of the bachelors who will walk the ramp tomorrow in the Cosmo Bash at World Trade Center.


Isang daring at revealing na Prince Stefan ang nakita sa lumabas na X-Ray Junior nitong nakaraang weekend.

Photographed in his underwear, ipinakita ni Prince ang katawan niyang pinaghirapan daw talaga niyang i-workout sa gym at sabayan ng matinding diet program.

Sa mga seksing litratong nagsilabasan, sa palagay ba niya'y magbabago nang malaking-malaki ang tingin sa kanya ng mga tao, partikular na ang kanyang mga tagahanga?

"Change is the only thing that is constant," simula ni Prince nang makatalastasan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng e-mail ngayong araw na ito, September 8. "Change is natural. Change is evident. Palagay ko magbabago talaga ang tingin ng tao sa paglabas ng photos ko sa X-Ray dahil hindi na rin ito yung dating Prince na nakikita nila."

Dagdag niya, "I have been hiding in a cocoon for far too long and it's time I show the people what I've got. Hinahanda ko na ang sarili ko sa mas challenging and mature na roles this 2010 and 2011."



Dahil nga sa daring at revealing na mga litrato niya, tinanong ng PEP si Prince kung handa na ba siyang makatanggap ng "indecent proposals" mula sa mga magpapantasya sa kanya—from both the ladies and the gays—at paano naman niya iha-handle ang ganitong sitwasyon?

"Actually, hindi na bagong issue 'yan. Sa tuwing may lalabas na ganyan, I would just like to think of them as compliments. In some cases they are actually friendly and nice, and I just have to show them I'm not what they think and reject them in the kindest way possible.

"I'm a very friendly person, and I'm sure they'll love that idea more, once they get to know me more than their personal desires," sagot ng 21-year-old Fil-Arab na binata na nanalong First Prince sa 2007 StarStruck: The Next Level competition ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit na ang pagiging seryosong aktor ang talagang linyang gustong tahakin ni Prince sa kanyang career, aminado siyang kailangan talaga ng "repackaging" para magsilbing "big step" sa goal niyang makilala bilang isang mahusay na aktor.

Pero sa mga litratong nagsilabasan, pihadong pag-uusapan, at malamang na maging topic ng intriga, lalo na sa kabaklaan, ang tila eksaheradong bukol sa kanyang harapan. Handa na ba siya sa mga ganitong intriga?

"People can say what they want. I have no control on what they think of my photos. If they love it, then I'm glad and very thankful. I certainly cannot please everyone. Pero inalagaan at nirespeto po ako ng buong staff ng X-Ray Junior on our shoot. Wala po kaming ginawang daya to exaggerate any part of my body for that matter," sabi niya.



At kung sakaling hilingan siya uli na mag-pose ng sexy, willing pa ba siya?



"As long as hindi po malaswa ang outcome at concept ng project, I'd be very much willing to do it," paninigurado ni Prince.



Ready na rin ba siyang gumawa ng sexy movies?



"Sa pagpapa-sexy naman, I can only go as far as being topless. Hindi ko po kaya ang full nude lalo na ang frontal. But also I will have to study the script and story first to determine if I actually fit the role for the sexy character. Hindi po kasi lahat binabagayan, pero puwedeng subukan kung bagay sa akin ang role."



Ano pa ang mga dapat pang abangan ng kanyang mga tagahanga mula kay Prince?



"I will be participating in the Cosmo Bash happening tomorrow night [Sept. 9] at the World Trade Center. May upcoming primetime teleserye rin po ako called Bantatay kung saan kasama ko sina Jennica Garcia at Carl Guevarra. Sana tangkilikin din ng tao ang love triangle namin.

"Sa September 18 and 19 naman po ang pagpapatuloy ng play namin na Noli: Huwag Mo Akong Salingin kung saan kasama ko si Rich Asuncion as Maria Clara at ako bilang Crisostomo Ibarra."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN