Jolina Magdangal: "Ayoko nang masaktan. Ayokong ma-hurt. So, mabuti nang walang ine-expect."

"Ayokong mag-expect na magpo-propose na siya. Kasi kapag nag-expect ako at hindi natuloy, masasaktan lang ako," says Jolina Magdangal about boyfriend Mark Escueta.


Si Jolina Magdangal ang gumaganap na fairy godmother sa bagong fantaserye ng GMA-7, ang Grazilda, na magtatampok kay Glaiza de Castro sa kanyang kauna-unahang lead role sa isang primetime series.

Inaasahan na ni Jolina na marami ang magtatanong kung bakit niya tinanggap ang role ng isang fairy godmother gayung bata at dalaga pa naman siya.

Positibo naman ang outlook ni Jolina sa bagay na ito.

"Okay lang po," sabi niya. "Kasi, feeling ko sa mga fairy tales naman, hindi puwedeng mawala ang fairy godmothers, di ba? So, I can say na important yung role na naibigay sa akin.

"And in fairness kay Glaiza, I think she deserves to be given this kind of role na talagang important, lead.

"So, sa akin, okay ako na fairy godmother ang sa akin. At saka, maganda rin naman po ang role at feel ko talagang mag-fairy godmother.

"Nakalagay man na fairy godmother, noong ibinigay sa amin yung list ng role, nakalagay do'n, 20 [years old], e. Late 20s yung fairy godmother. So, yun naman," paliwanag ng 31-year-old multimedia star sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa presscon ng Grazilda last Tuesday, September 7.

Ano ba ang magiging papel ng fairy godmother sa buhay ni Grazilda, isa sa wicked stepsisters ni Cinderella na ginagampanan naman ng baguhang si Gwen Zamora?

"Ako ang magpaparusa sa kanya, pero naawa ako. So, susundan ko siya kung talagang ginagawa ba niya yung parusang ibinigay ko sa kanya. At talagang babantayan ko siya.

"Hindi ko lang alam kung sa real world, ganito pa rin ba ako!" natatawa sabi ni Jolina tungkol sa kanyang costume.

Malalayo rin daw ang mga location ng taping nila tulad ng Pampanga, Bataan, at Baguio.

PLAYING LEAD ROLES. Jolina just signed a new exclusive and guaranteed contract with GMA-7. Walong taon na siyang Kapuso magmula nang iwan niya ang ABS-CBN noong 2002.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naka-stipulate ba sa pinirmahan niyang kontrata ang pagbibigay sa kanya dapat ng lead roles?

"Hindi naman po," sagot ni Jolina. "Pero, meron do'n na guaranteed two shows per year at nakalagay do'n na lead, important role. So, yun ang mga pinagpipilian.

"So, siguro ito, dahil matatapos na ang taon at kailangan sa kontrata, so talagang... Kumbaga, naka-lineup na kasi for the whole year ang mga ano nila [programs], e. So, yun po."

JOLINA'S CO-STARS. Dito sa Grazilda, madalas na magkaeksena at magkasama sa taping sina Jolina at Glaiza. May mga advice bang ibinibigay si Jolina sa kanyang co-star?

"Sa personal? Hindi naman. Kasi, ayoko rin naman na biglang nag-a-advice na hindi naman nagtatanong, di ba? Parang feeling ko, nangengelam siya.

"Kung tatanungin naman ako, mahilig naman akong mag-share ng mga pinagdaanan ko, ng mga na-experience ko. So, if ever may mga tanong siya, kahit paglagay lang ng eyeliner, masaya akong magsi-share.

"Actually, kahit hindi si Glaiza, kahit yung mga iba. Mas gusto ko pa ngang nagsi-share. Kasi kahit ako minsan, nagtatanong ako kila Tita Rio [Locsin].

"If ever na magkaroon man ng mga eksena or moment na nagkasabay ang taping namin ni Ms. Cherie Gil, idol ko siya, e. Nasa real world siya, e.

"Feeling ko, na-proud ako sa show talaga. Cherie Gil yun, e. Parang rubbing elbows. Ang bait niya! Naku, pinapanood ko pa lang sila ni Ate Shawie [Sharon Cuneta] dati. Hindi ko pa talaga siya nakasama ever," saad ni Jolina tungkol sa kanyang co-star.

NO WEDDING BELLS YET. When it comes to her lovelife, consistent si Jolina sa pagsasabing walang exact date na masasabi niyang naging sila ng boyfriend na si Mark Escueta. Hindi rin daw totoo ang mga lumalabas na balitang magpapakasal na sila.

"Hindi pa...ang aga pa. Nag-e-enjoy pa kami!" natatawa niyang sabi.

One year pa lang daw sila halos na magkarelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, sabi ko nga, binabase namin noong nagkakilala kami. Kasi, hindi na namin matandaan kung kailan ba kami nag-'I love you'-han... Nag-'I love you'-han daw o!" natatawa niyang hirit.

Pero napag-uusapan na ba nila ang kasal?

"Hindi pa naman.... Konti, kung saan magandang titira. Pero hindi pa talaga plano, kasi maaga pa. Yung mga plano pa lang na magbibisita palagi kila Mommy, sa parents niya..."

Pero nararamdaman ba niyang any time ay magpo-propose na sa kanya si Mark?

"Ayokong mag-expect na magpo-propose na siya. Kasi kapag nag-expect ako at hindi natuloy, masasaktan lang ako.

"Ayoko nang masaktan. Ayokong ma-hurt. So, mabuti nang walang ine-expect. Although siyempre, feeling ko, sobrang magiging happy ako," sabi ni Jolina.

EX-BOYFRIEND. Hindi rin siyempre maiwasang itanong kay Jolina ang tungkol sa ex-boyfriend niyang si Bebong Muñoz. Ano ang character traits ni Mark na nakita niyang wala noon kay Bebong?

"Ay, naku, matagal na po yun!" sambit ni Jolina. "Kumbaga, meron akong mga natutunan noong kami at noong time na wala na kami.

"At iba yung nae-experience ko po ngayon. Iba yung long-distance [relationship] na naging almost eight years. At iba yung sa ngayon na siyempre, bago pa lang. At siyempre, iba po kapag bago pa lang, nandiyan pa ang kilig-kilig... Hindi pa natin alam.

"Pero minsan din, sa mga umpisa ng ganoon, diyan na rin makikita kung 'yan na ba ang pang-habambuhay. Pero yun nga, ayoko pa rin mag-expect. Mahirap, e."

Ilan sa bonding moments nina Jolina at Mark ay photography biking. Gayundin ang pag-aalaga ng aso, a French bulldog, na ibinigay ng stylist ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN