Edu Manzano explains decision to return to GMA-7 and leave ABS-CBN

"Without a doubt, there have been times where I have been maybe a bit careless sa mga binibitiwan kong salita, at maaaring there have been times na kung saan I have been misinterpreted. But after 30 years [in showbiz], I would like to think na mas nagiging conscious ako and it comes with more respect pagdating sa dealing with the members of the press," says Edu Manzano.


Matapos ang ilang buwang pamamahinga sa showbiz dahil sa kanyang pagtakbo bilang vice-presidential candidate, pero hindi pinalad na manalo, balik-showbiz na si Edu Manzano.

Nagbabalik siya sa pagho-host, ngunit hindi na sa ABS-CBN kung saan siya identified for several years, kundi sa GMA-7 kung saan talaga siya nagsimula. Balik-Kapuso nga si Edu sa pagho-host niya ng bagong game show na Asar Talo Lahat Panalo!, na mapapanood na sa GMA-7 mula Lunes hanggang Sabado, bago mag-Eat Bulaga! Magsisimula ang Asar Talo sa September 18.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Edu sa presscon ng Asar Talo kagabi, September 9, sa Annabel's restaurant, T. Morato Ave., Quezon City. Kitang-kita nga ang excitement ni Edu sa kanyang muling pagharap sa entertainment press at sa pagsisimula ng kanyang bagong show.

"Excited na ako!" sambit ni Edu. "Nakapag-tape na kami ng ilang episodes at nakita namin kung saan patungo yung show. Masaya naman."

Nanibago ba siya sa muling pagsabak sa hosting?

"In the beginning," tugon ni Edu. "Kasi nandun yung energy mo, yung timing mo, yung mental alertness mo. Kasi yun nga ang importante sa hosting, yung napapakinggan mo ang lahat ng sinasabi ng mga contestants, ng lahat ng mga nasa paligid mo. Kailangang makapag-react ka rin dun sa kanilang mga sinasabi. I think yung matagal na hindi ako active sa telebisyon, medyo nagkaroon ng konting re-orientation process."

ONE-OF-A-KIND GAME SHOW. Paano laruin ang Asar Talo?

"Game show, ganun pa rin, nagdi-dispense tayo ng mga impormasyon sa mga manonood, pero iba't ibang mga elemento, mga ibang components. Katulad ng pag si Lolit Solis ang guest mo, iba, e, parang babaeng pusit. I mean, meron kaming puwestong tinatayuan, pero umiikot, hinahabol mo, e. And then, may Anjo [Yllana], may Joey Marquez, yung mga revelations tungkol sa isa't isa na I'm sure kahit yung media, hindi alam. Pati ako may nasagap na mga tsismis!" natatawang kuwento ni Edu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pagkakahawig ba ang Asar Talo sa Moment of Truth na game show sa U.S.?

"No naman. This is a one-a-kind game show. May mga bukingan dahil sa mga comments nila sa isa't isa. But we're here to entertain, not to insult. Puwedeng mang-asar, puwedeng mang-alaska, pero hindi mo dapat saktan ang damdamin ng mga contestant."

Pero meron na bang napikon sa mga unang contestants na nakasama niya?

"Napipikon, pero good-natured naman, e. Actually, ang ginagawa kasi nung mayroon kaming tinatawag na si Kapitan Kontra, ang ginagawa niya is dini-distract yung contestant. So, after a while, pagkatapos ng tanong, kasi once ko lang babasahin yung tanong, e. And then, 'eto na yung biruan, alaskahan.

"Minsan ang nangyayari sa contestant, pag tinanong ko, 'Ano po yung sagot n'yo sa tanong?' 'Ano yung tanong?' Nakakalimutan. So, yun ang objective ng show. Kung may kontra, may kakampi rin yung contestant, meron siyang Bida's Angel, si Ellen Adarna, plus yung family and friends niya."

Sa tingin niya ba with this show ay may matututunan din siya na magagamit niya sa everyday life niya?

"Nakikita ko yung sarili ko rito. Marami akong matututunan. Nagiging sensitive din ako sa mga tao. Natutunan ko rin na may mga dapat hindi tanungin kahit gusto mo nang itanong. Dito, gumigitna ako. Halimbawa, [pag] nakikita kong hindi na masyadong maganda yung pinupuntahan nung biruan, ng alaskahan. At lagi kong nire-remind sa kanila na dito, talaga walang personalan, asaran lang."

COMING BACK TO GMA-7. Bakit sa GMA-7 niya naisipang bumalik?

"Dito naman sa GMA talaga ako nagsimula," sagot ni Edu. "Yung Not So Late Night With Edu, yung mahaba-habang show din natin yun, it started in GMA. And then, nakapag-short stint din ako sa Unang Hirit, and then sa Emergency.

"So, hindi alien sa akin ang mga tao sa GMA. Hindi lang katrabaho kundi naging kaibigan ko rin e. So, I'm coming back and renewing old friendships. Masaya ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang naku-curious kung bakit hindi na niya binalikan ang shows niya sa ABS-CBN, ang Umagang Kay Ganda at Pilipinas, Game KNB?, lalo na't expected ng lahat na matapos niyang matalo sa eleksyon ay babalik siya bilang Kapamilya. May kumalat pang balita noon na ayaw na niyang bumalik sa showbiz.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Nung sinabi kong hindi ako babalik, that was in relation sa isang tanong wherein it said, 'Babalikan mo ba yung game show sa kabilang istasyon?' And I said, 'Hindi ko na babalikan yun. Ayoko nang sumayaw.'

"You know, I felt na naging unique opportunity yun at that time. Naging bagay yung mga ginawa kong antics nung panahon na yun. And now, since I'm turning 55, I come to think na I want to grow as far as I'm concerned. I want to reinvent myself again.

"Pero in 2004, sinabi ko hindi ko na babalikan ang pelikula, which I have not, even though I still get offers every now and then. In 2006, sabi ko hindi na ako magteteleserye, which I did not. I felt that I have contributed my share and I would like to do other things in my life.

"Kaya ko lang tinanggap yung game show sa kabilang istasyon was kasi ang taping namin was after work, e. Yung 8 to 5 [a.m.-p.m.], talagang ibinigay ko sa OMB (Optical Media Board as chairman) yun, e.

"But then, when this concept was offered to me, maganda yung presentation. Unang-una, hindi ko na kailangang sumayaw. Maganda yung ginawa nilang concept, e. Because by nature, ang Pinoy at ang kultura natin, mga alaskador talaga, e. Pumunta ka sa highest form of government hanggang doon sa mga sari-sari store sa mga barangay, ang Pinoy talaga by nature, mapagbiro, mahilig mang-asar, o mang-alaska.

"And I'm very curious kung paano nila ilalagay itong lahat ng mga components na ito into a game show, which we were able to do very effectively. And then there is also the fact that I also want to evolve as a person not just as a host. I also want to develop shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They also promised me that I can do things that I miss doing. At ito yung talk show ko. So, I will also coming back with Not So Late Night With Edu. But, meron ding elements na babaguhin in keeping up with the times," mahabang paliwanag ni Edu.

May kinalaman ba yung hindi pagsuporta sa kanya sa pulitika ng ABS-CBN kaya lumipat siya sa GMA-7?

"You know, I would like to think that I never counted on support from anyone. We just wanted to run a decent campaign. I had a very competent and very qualified presidential candidate [Gibo Teodoro].

"I think we ran the kind of campaign na people can say na naging disente and that was principled, that was above all. But I never took it against anybody, and not just TV stations or radio stations or individuals, if they chose to take sides contrary to ours. Yung sa akin, we gave our best shot," sabi ni Edu.

ASAR-TALO QUESTIONS. Dahil Asar Talo nga ang show niya, hindi rin nakaligtas si Edu sa ilang mapang-asar na tanong ng mga press during the open forum.

Naaasar pa ba siya sa age niya ngayon?

"Hindi na siguro. Alam n'yo, I learned to take the good from the bad. And if you can dish it out, you have to dish it out also. So, I have learned much and I am continuing to learn. Even at 55, I'm a work in progress."

Pero ano ba yung puwedeng makaasar sa kanya?

"Ako ngayon, siguro now that I realize that time is precious, yung mga unprofessionalism. And then yung mga taong meron silang dapat na gampanan na hindi naman nila ginagawa. I guess dahil nakapagtrabaho din ako sa pribadong sektor, so malaking bagay din sa akin yung professionalism."

Sino sa mga artista natin ang kinaasaran niya nang husto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isa ako sa pinakamadaling makasundong artista," sabi ni Edu. "I never demanded on my producers. I'm flexible. Isang bagay ang natutunan ko dito sa industriya, never create enemies because it's a very, very small industry."

Nagkaroon ba ng pagkakataon na naasar siya sa pang-iintriga ng mga press people?

"Without a doubt, there have been times where I have been maybe a bit careless sa mga binibitiwan kong salita, at maaaring there have been times na kung saan I have been misinterpreted. But after 30 years [in showbiz], I would like to think na mas nagiging conscious ako and it comes with more respect pagdating sa dealing with the members of the press.

"I'll give you an example, si Rey Pumaloy, there was a time na hindi kami magkasundo. Pero pag nagkikita kami sa ibang mga showbiz occasions, nagbabatian. And today, I must admit, I had a very, very nice conversation with Rey.

"So, natuto na rin ako, e. You have a job to do, ako rin po I have a job to do. And I would like to think at the end of the day, magkakaibigan pa rin tayong lahat."

Nagseselos ba siya kay Ted Failon kapag tinutukso ito sa girlfriend niyang si Pinky Webb?

"No."

Naaasar pa ba siya kay Senator Bong Revilla, na dating nabalitang nakasamaan niya ng loob?

"No, never."

May isiniwalat si Keanna Reeves tungkol sa pakikipag-one night stand daw sa kanya ng anak ni Edu na si Luis Manzano. Hindi ba siya naasar sa isyung ito?

"Yun ang isang bagay na hinding-hindi ko papatulan talaga. You know, I know Keanna, I know my son, I respect both of them. They're both artists, let's leave it at that."

Kung hindi siya ang host ng Asar Talo, willing ba siyang maging contestant sa show?

"No way," mabilis na sagot ni Edu. "Happy na ako dito sa kinatatayuan ko ngayon. And I would like to thank GMA dahil hindi ako pinilit gawing contestant at host."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN