Young actor JR de Guzman says he has no powerful backer in TV5

"Sino naman daw na may mataas na posisyon sa TV5 yung sinasabi nila? Dapat pinangalanan nila nang magkaalaman kung totoo o hindi, dahil wala naman talagang katotohanan yun. Siguro lang, nagkataon lang na bagay sa akin yung mga proyektong ibinibigay nila sa akin kaya sa akin napupunta. Hindi lang naman ako ang ganun kadaming shows sa TV5, marami ring artists ang kaliwa't kanan ang show sa Singko kaya bakit ako lang ang natsitsismis na ganun?" says JR de Guzman about rumors


Apat ang regular shows ng young actor na si JR de Guzman sa bakuran ng TV5. Bukod sa teen drama na BFGF, regular ding napapanood si JR sa Sunday musical-variety show na P.O.5. Kasama rin siya sa 5-Star Drama Specials Presents Lani Misalucha at sa primetime soap na My Driver, Sweet Lover starring JC de Vera, Dina Bonnevie, and Richard Gomez.

Meron ding show si JR sa GMA-7, ang teen-oriented lifestyle show na Ka-Blog.

Dahil sa dami ng projects niya, may kumakalat tuloy na balita na may nag-aalaga diumano sa kanyang may mataas na posisyon sa TV5. Pinagtawanan lamang ito ng binatang aktor.

"Nakakatawa naman yung balita, wala namang katotohanan yun," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Sino naman daw na may mataas na posisyon sa TV5 yung sinasabi nila? Dapat pinangalanan nila nang magkaalaman kung totoo o hindi, dahil wala naman talagang katotohanan yun.

"Siguro lang, nagkataon lang na bagay sa akin yung mga proyektong ibinibigay nila sa akin kaya sa akin napupunta. Hindi lang naman ako ang ganun kadaming shows sa TV5, marami ring artists ang kaliwa't kanan ang show sa Singko kaya bakit ako lang ang natsitsismis na ganun?

"Ako naman kasi, pag binigyan ako ng trabaho, nagtatrabaho ako nang maayos para masundan pa yung trabaho ko. Yun naman kasi ang dapat na gawin, di ba, para bigyan ka nila ulit ngtrabaho?" mahaba niyang paliwanag.

Nakausap ng PEP si JR sa contract-signing, presscon, at formal launching niya bilang pinakabagong celebrity endorser ng Olive C anti-pimple soap sa Kaboom restaurant sa Timog, Quezon City, kahapon, September 9.

Bukod sa kanyang TV shows ay kaliwa't kanan din ang TV commercials at endorsements ni JR gaya ng Coke, Argentina beef loaf, Judge bubble gum, Smart, Poteen-C, Buddy Crackers, at Jollibee. Paano niya nagagawa ang lahat ng ito?

"Sipag lang po talaga," nakangiti niyang sagot. "Masipag kasi akong mag-VTR at nagkakataon namang bagay sa akin yung hinahanap nilang character kaya naman sa akin napupunta."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DIREK JOEY REYES. May report ding lumabas na tinanggal daw si JR ni Direk Jose Javier Reyes sa 5-Star Drama Special Presents Lani Misalucha dahil hindi raw siya sumipot ng isang taping. Pinabulaanan naman ito ng young actor.

"Naku, hindi ko alam yun. Ang alam ko, tapos na yung taping ko dun," sabi ni JR. "'Tsaka hindi totoo na hindi ako sumipot sa isang taping ng 5 -Star. Ang totoo kaya hindi ako nakapag-taping ng isang araw, dahil nagkaroon ng miscommunication between my manager at sa staff ng 5-Star.

"Bale, hindi na-text sa manager ko na may taping ako that day kaya hindi namin alam na may taping ako. Bale ang call time ko daw ay 11 a.m. pero 2 p.m. na nang abisuhan kami na may taping ako.

"Nagkataon naman na may sakit ako noon kasi kauuwi ko lang galing ng taping ng BFGF. Naulanan ako kaya naman nagkasakit ako. Nagpaalam ang manager ko sa kanila na hindi ko kayang mag-taping at inaprubahan naman nila at pinagpahinga na lang ako.

"Kaya hindi totoo na tinanggal ako doon, at mas lalong hindi totoo na hindi ko sinipot yung taping ng 5-Star," diin niya. "Ako naman, pag hindi ako puwede, sinasabi namin nang mas maaga.

"Tsaka hindi totoo na galit sa akin si Direk Jose Javier Reyes. Sobrang bait sa akin ni Direk. Si Direk pa nga ang nagsabi na magpahinga ako para gumaling kaagad."

HONG KONG EXPERIENCE. Kababalik lang ni JR mula Hong Kong kung saan nagkaroon siya ng three-day show para sa Voda Win A Car Promo sa Queen Elizabeth Stadium kasama ang iba pang performers.

Kuwento ng young actor sa PEP, noong una ay takot ang bumalot sa kanila dahil sa mga balitang lumalabas sa mga pahayagan at TV kung gaano ang galit ng mga Chinese sa mga Pinoy dahil sa naganap na hostage-taking noong August 23 na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals. Pero kabaliktaran daw ito ng nangyari sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-enjoy talaga kami nang husto kasi halos lahat kami first time na pumunta ng Hong Kong," sabi niya. "Kahit sinasabi nila sa amin na galit ang mga Chinese sa mga Pinoy dahil sa nangyaring hostage drama noong nakalipas na araw.

"Base sa experiences namin, hindi naman kami inaway o tinarayan ng mga Chinsese. Kahit saan kami pumunta, parang normal lang at ginagawa naman nila yung trabaho nila kapag namamasyal kami or bumibili ng gamit.

"May mga times na sinusungitan kami ng mga Chinese doon, pero konti lang yun, hindi naman lahat. Okey lang yung treatment nung ibang Chinese sa amin. Exaggerated lang siguro yung news sa atin sa Pilipinas para matakot pumunta ng Hong Kong. Pero kung kami ang tatanungin, okey naman bumiyahe doon dahil kalmado naman ang mga tao doon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN