Comic DJ Mr. Fu talks about the guys he fancies—from afar

Who does Meganon's Mr. Fu go "wow!" for? First, there's Aljur Abrenica, "bagets, pero ang katawan alagang-alaga." Then there's his PO5 mate Kean Cipriano, "mukhang marungis pero pag nilapitan mo mabango siya," and then there's Piolo Pascual "kasi very Adonis ang dating niya sa akin."


Unang nakatrabaho ni Mr. Fu si Joey De Leon nang mag-host siya sa Eat Bulaga! ng anim na buwan. Pangalawang pagkakataon ngayon itong pagsasama ng comic DJ at veteran comic sa TV5 show na Wow Megano'n?!.

Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, alas 9 ng gabi.

Sa kanyang panayam sa PEP (Philippine Entertainment Portal), napangiti si Mr. Fu nang balik-tanawin namin ang karanasan niyang makipagtrabaho with Joey at Vic Sotto sa Eat Bulaga!

"Si Vic, mas seryoso kasi minsan. Mas nakakatakot na parang nakakailang. Si Joey, mas friendly."

Sa first taping nila ni Joey for Meganon, kahit may script, sinabi ni Fu sa sarili, "Dapat handa ako dahil baka bumanter. True enough, bumanter nga! Buti na lang may bala ako!"

Ang isa pang nalaman niya tungkol kay Joey ay, "Ayaw niya ng take 2. Kasi pag may technical glitch, nagti-take 2. Sasabihin niya, 'Ay, ayoko no'n! Sayang yun! Hindi ko na mauulit yun!' Gano'n siya."

Kinabahan pa rin daw siyang makasama si Joey sa TV5 show kahit na nagtrabaho na sila before.

"E, kasi Joey de Leon 'yan, icon, hahahaha!" paliwanag ni Fu. "Pero, hindi. Kilala ko naman siyang mabait. Siguro gano'n lang, natural na feeling lang kapag may big name kang makakasama."

COFFEE WITH TIM. Nang batiin naman namin ang co-host niya sa Tweetbitz na si Tim Yap, mabilis siyang sumagot ng, "Okey na kami."

Matatandaang last August ay nagkaroon ng issue sa dalawa.

"Kuwento ni Tim, pagkatapos niyang lumabas sa Paparazzi, nag-tweet si Ruffa Gutierrez ng 'Mr. Fu on Tim Yap. Hindi kami friends, hindi kami nagkakape pero okey kami sa trabaho.' That was the line of Ruffa.

"Pero what I really said was, 'hindi kami super close, hindi lang kami nagkakape.' Tama naman yung tweet ni Ruffa, nagkaroon lang ng konting difference dahil yung sa akin 'close'...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung close pag may problema ako tatawagan kita, kasi close tayo, puwede kong sabihin yung problema ko. Kami ni Tim, hindi gano'n ang level namin.

"Kung may problema sa show, puwede kaming mag-usap. Pag may problema akong personal, hindi si Tim ang tatawagan ko. And same with him. I don't think na ako ang tatawagan niya."

Kuwento pa ni Mr. Fu, "So, nag-text siya sa akin from New York. 'Hindi pala tayo friends? Ano ba? Ano ito?'"

Biniro namin si Mr. Fu na baka lovers sila ni Tim?

"Meganon?!! Ano ba?!" mabilis niyang reaksyon.

Sa pagpapatuloy ng kanyang salaysay, sinabi niya, "Mahirap pa ring i-explain sa text kaya when he arrived, ah, gumimik ako. Nagtimpla ako ng kape sa studio...

"It turned out na si Tim may dalang mug from New York... Ibinigay ko yung kape 'tapos nag-toast kami.

"'Tapos off-cam nag-usap kami. Sabi ko, 'Tim, 'eto ang sinabi ko.' Ang joke pa nga niya, 'Ikaw kasi, nagpa-interview ka pa.'"

Sa ngayon, ang status ng dalawa ay, "Gano'n pa rin. Very professional. Hindi kami close pero we're friends. He tells some kuwentos, ako ganundin.

"Pero hindi kami gumigimik together. In fairness, he does naman invite me sa Republiq pero alam niyang hindi ako gumigimik. So hindi na niya ako ini-invite minsan...

"Minsan nagpupunta lang ako doon kapag nagpa-party siya for the show. Halimbawa, birthday ni ganito, birthday niya, birthday ng EP [executive producer]. 'Saka lang ako pumupunta doon.

"Pero on a regular night para gumimik, hindi, e. Siguro hindi ko crowd yung crowd doon, super mayaman. Kaya siguro hindi talaga kami super close! Hahahahaha!...

"Hindi naman ako naiintimidate sa kanya. I respect him. I respect his achievements, I honor that, I acknowledge that. So, wala namang gano'ng level. Walang diva factor or something."

DOWNSIDE OF SUCCESS. Dahil nakikilala na si Mr. Fu, hindi imposibleng masalang ito sa eskandalo, gaya ng paglitaw ng kung sinu-sinong lalakeng nagke-claim na naging siyota niya o naka-sex niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, wala! Wala! Ehhh! May gano'n? Tinest ko na yan sa lie detector. Dati no'ng birthday ko, nag-lie detector test ako.

"Ang unang tanong sa akin kung meron ba akong boylet na tsinorba at prinamisan ng stardoom na bagets... Ang sabi ko wala! True! Yun ang lumabas sa lie detector test!"

Wala siyang naging dyowa?

"You mean sa showbiz? Wala. Kung meron man akong naging karelasyon, very private. Hindi marami, siguro isa o dalawa lang.

"'Saka matagalan. Ay, three years, four years, gano'n. Dalawa lang sila at very private sila. Wala silang moment ng stardoom na bigla silang lilitaw at sasabihin nilang ganito, ganyan...

"Pero sana walang lumabas na bigla na lang mag-i-echos na nakaganunan ko siya... Alam ko namang wala akong gano'n. Kung dumating ang point na yun, handa naman ako."

SCOPING OUT THE GUYS. Hindi niya ikinakaila na may natitipuhan siyang mga lalake sa showbiz.

"Siyempre, dito na sa TV5 tayo pipili. Si Kean [Cipriano ng bandang Calla Lily]. Alam niya yun. Pag PO5, lagi ko siyang nilalandi, pero hanggang doon lang," sey niya.

Pero makipag-one night stand kay Kean—"Wag na, wag na, o! Hahahaha!" mabilis niyang sagot. "Kasi katrabaho, e. Hindi ko inisip. Hanggang hawak-hawak lang ako.

"Alam naman ni Kean na type ko siya. Sinasabi ko sa kanya na, 'Alam mo, mahal na kita, type kita...' half-meant. Half meant, o!"

Anong reaksyon ni Kean noong sinabi niya 'yon? "Wala, game siya e... game siya, o! Hahahaha! I mean, game siya, hindi siya homophobic."

Sa GMA-7 naman, si Aljur Abrenica ang type niya. Lagi raw niya itong niloloko kapag nagkikita sila sa network.

Sa ABS-CBN, si Piolo Pascual. "Pero yung levelling naman parang ang taas niya. Hindi ko pa siya nami-meet at hindi ko pa siya nakakatrabaho. Type ko siya kasi very Adonis ang dating niya sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pina-describe na rin namin kung bakit type niya sina Aljur at si Kean.

"Bagets si Aljur pero maganda ang katawan, parang alagang-alaga.

"Si Kean ibang level siya, kasi mukha siyang marungis pero pag nilapitan mo mabango siya. Saka charming siya.

"Yun talaga ang gusto ko sa lalake, charming. Ayaw ko nang ma-muscle. Although, magpapaka-choosy ba ako kung may muscle? Pero more on personality ako, e, hindi maere, hindi mayabang."


NOT YET OUT OF TWEETBIZ. Bukod sa Wow, Meganon?! at P.O.5 sa TV5, may isa pang show si Mr. Fu—ang Tweetbiz sa QTV 11.

Kahapon, September 10, ay lumabas ang report na tinanggal na sa programa si Mr. Fu dahil daw sa dalawa niyang shows sa TV5.

Pero mabilis naman itong pinabulaanan ng mga taga-Tweetbiz.

Ayon sa pamunuan ng show, nagkaroon lang ng minor tooth surgery si Mr. Fu last Wednesday, September 8, kaya hindi siya napanood sa Thursday at Friday episodes.

Balik-Tweetbiz siya sa Lunes, Sept. 13.

Non-exclusive daw ang contract ni Mr. Fu sa QTV at TV5, kaya pinapayagan siyang gumawa ng shows sa dalawang TV stations.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN