John "Sweet" Lapus returns to the stage in Dulaang U.P.'s Shock Value

Shock Value" data-url="https://www.pep.ph/news/26759/john-sweet-lapus-returns-to-the-stage-in-dulaang-up39s-shock-value" data-desc="Mylene Dizon also stars in the play." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/41341c005.jpg"> Shock Value" data-url="https://www.pep.ph/news/26759/john-sweet-lapus-returns-to-the-stage-in-dulaang-up39s-shock-value" data-desc="Mylene Dizon also stars in the play." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/41341c005.jpg"> Shock Value" data-url="https://www.pep.ph/news/26759/john-sweet-lapus-returns-to-the-stage-in-dulaang-up39s-shock-value" data-desc="Mylene Dizon also stars in the play." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/41341c005.jpg">

Shock Value" data-url="https://www.pep.ph/news/26759/john-sweet-lapus-returns-to-the-stage-in-dulaang-up39s-shock-value" data-desc="Mylene Dizon also stars in the play." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/41341c005.jpg"> Shock Value" data-url="https://www.pep.ph/news/26759/john-sweet-lapus-returns-to-the-stage-in-dulaang-up39s-shock-value" data-desc="Mylene Dizon also stars in the play." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/41341c005.jpg"> Shock Value" data-url="https://www.pep.ph/news/26759/john-sweet-lapus-returns-to-the-stage-in-dulaang-up39s-shock-value" data-desc="Mylene Dizon also stars in the play." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/41341c005.jpg"> Shock Value" data-url="https://www.pep.ph/news/26759/john-sweet-lapus-returns-to-the-stage-in-dulaang-up39s-shock-value" data-desc="Mylene Dizon also stars in the play." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/41341c005.jpg">

"Matagal ko nang gustong bumalik sa teatro. Once in a while, maganda ang bumabalik ako sa una kong love which is theater. Itong Shock Value ay tungkol sa showbiz at ang mga kaplastikan na nagaganap sa mundong ito." Shock Value runs from September 15 to October 3 at the UP Guerrero Theater.


Balik sa teatro ang drama ni John "Sweet" Lapus pagkatapos ng magkakasunod na series sa GMA-7. Huling napanood siya sa Pilyang Kerubin.

Sa September 15 ang simula ng stage play na Shock Value ng Dulaang UP. Sinulat ito ni Floy Quintos, at mula sa direksyon ni Alex Cortez.

Tatakbo ito hanggang October 3 sa UP Guerrero Theater.

"Matagal ko na kasing gustong bumalik sa teatro. It's been a long time since may ginawa ako. Kaya parang na-miss ko rin.

"Puro nga kasi mga TV dramas ang project ko. Once in a while, maganda ang bumabalik ako sa una kong love, which is theater.

"Itong Shock Value ay tungkol pa rin sa showbiz at ang mga kaplastikan na nagaganap sa mundong ito. I play a very significant character in showbiz. Hulaan na lang nila kung sino ako sa mga iyon, di ba?

"Bale pagsasama ulit namin ito ni Direk Andoy [Ranay] sa theater. Noon pa kasi kami nagkakatrabaho sa teatro.

At siyempre, para dagdag star value, kasama namin si Mylene Dizon," pahayag ni Sweet.

OF ALL THE THINGS NEARING FINISH LINE. Tuluy-tuloy pa rin ang iba niyang shows sa GMA-7: ang Show Me Da Manny at Showbiz Central.

Nitong Oktubre 2010 ay mage-expire na ang kanyang kontrata sa estasyon.

Kung anuman daw ang mangyari before and after ng expiration nito, wala raw siyang mairereklamo sa Kapuso network.

"Hindi ako basta-basta umaalis sa lugar na gusto ko at masaya ako. One thing I learned in my 17 years in the business, yung loyalty.

"Umaalis lang ako sa isang lugar kapag hindi na nila ako gusto or may mga taong hindi ko gusto, pero gusto nila!" malakas na tawa ni Sweet.

Sunud-sunod din ang mga pelikulang ginagawa niya.

Gusto na nga niyang matapos ang Of All The Things, kunsaan bida sina Aga Muhlach at Regine Velasquez.

Mahigit nang isang taon noong simulan nila ang pelikula at ilang shooting days na lang daw ang natitira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nabalitaan ko nga na mukhang okey na ang schedules nila Aga at Regine. May naganap nang maayos na pag-uusap.

"So far, wala pa akong natatanggap na shooting schedule. May ilang eksena pa rin kasi ako.

"May nakapagsabi naman sa akin na tatapusin daw muna ni Regine ang indie movie na Mrs. Recto at si Aga ay tatapusin naman ang Huling Sayaw with Angel Locsin.

"Para nga raw walang magulo kapag nag-shoot na sila ulit.

"So habang wala pang sked talaga, may two movies akong sisimulan for Regal Entertainment.

"Kasama ako sa Super Inday [and the Golden Bibe] ni Marian Rivera at sa Shake, Rattle & Roll 12.

"Parehong pang-Metro Manila Film Festival ang mga ito."

PROUD KAPAMPANGAN. Si Sweet na ang gaganap na Golden Bibe sa Super Inday. Originally ay si Vice Ganda ang nai-cast sa role.

Nilinaw ni Sweet na kasama talaga siya sa cast ng Super Inday, pero iba ang role niya bago nag-back out si Vice Ganda.

"Hindi ko alam kung anong nangyari kay Vice Ganda. Kasama talaga ako sa movie.

"Pero dahil biglang nawala si Vice, sa akin na binigay ang Golden Bibe role. Hindi ko alam kung sino ang kukunin nila sa role na originally ay akin.

"Very thankful ako sa Regal Entertainment, lalo na kay Mother Lily [Monteverde] at si Ate Roselle [Monteverde-Teo] kasi magkakasunod ang movies ko sa kanila.

"After ng hit na Mamarazzi, heto at dalawa agad ang gagawin ko.

"'Tapos may isa pa, yung remake ng Temptation Island. Pero sa January 2011 pa iyon sisimulan.

"Si Chris Martinez ang magdi-direk niyan. Kaya feeling ko ay Regal Baby na ako!" ngiti niya.

May natapos din na indie film si Sweet, ang Astro Mayabang, na entry sa Cinema One Originals 2010.

Ang bida rito ay si Arron Villaflor, na gumanap na anak ni Sweet sa Mamarazzi.

"Proud ako sa movie na ito kasi tungkol sa mga Kapampangan. As in, 80 percent of the film is in Kapampangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mga taga-Pampanga ang mga Lapus kasi. I'm so happy and proud to do this film that shows my Kapampangan heritage.

"Magaling dito si Arron at ang new director na si Jason Paul Laxamana. Puro kami Cabalen sa movie."

MOVIE ON AUTISM. May gagawin din siyang isa pang indie movie, titled Becky.

Idi-direk din ito ni Chris Martinez, at tungkol naman ito sa isang gay uncle at ang kanyang autistic niece.

"Dramedy siya. Pero mabibigat ang mga eksena. Kailangang paghandaaan ko ito.

"Sa ngayon, nakikipag-meeting pa ang Star Magic sa mga producers."

May solo movie na ring inihahanda para kay Sweet. May pagka-action-comedy nga raw ang story. Sa December pa ang update sa magiging solo movie niya.

Sa October 6 naman ay pupunta sina Sweet, Eugene Domingo, at Direk Chris Martinez sa Korea dahil imbitado ang pelikula nilang Here Comes The Bride sa Pusan International Film Festival.

May special screening sa Korea ang hit comedy movie sa October 9.

"Ang movie lang namin ang comedy na inimbitahan from the Philippines. Kaya kailangan nandoon kami para ma-witness kung magugustuhan ba ng mga nandoon ang movie na pinaghirapan naming gawin," sey ni Sweet.

Ilalabas naman ng Viva Video ang DVD ng Sweet 16 anniversary concert niya.

Sana nga raw ay sa December na ito ma-release para may pang-Christmas gift siya sa kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan.

Isa pang pinagdarasal ni Sweet ay ang paglipat niya sa bago niyang bahay.

"Yung bahay, matagal ko nang pinag-pray 'yan. Alam ko that God will provide. At alam ko na mangyayari na ito.

"Kaya ngayon pa lang, thank you, Lord. God is so good to me at sa pamilya ko.

"Maganda ang 2010 para sa aking career. Maraming blessings!

"'Ika nga ni Venus Raj, major-major ang lahat nang nangyari sa akin, at sana sa 2011 ay gano'n pa rin!"

Shock Value" data-url="https://www.pep.ph/news/26759/john-sweet-lapus-returns-to-the-stage-in-dulaang-up39s-shock-value" data-desc="Mylene Dizon also stars in the play." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/41341c005.jpg"> Shock Value" data-url="https://www.pep.ph/news/26759/john-sweet-lapus-returns-to-the-stage-in-dulaang-up39s-shock-value" data-desc="Mylene Dizon also stars in the play." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/41341c005.jpg"> Shock Value" data-url="https://www.pep.ph/news/26759/john-sweet-lapus-returns-to-the-stage-in-dulaang-up39s-shock-value" data-desc="Mylene Dizon also stars in the play." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/41341c005.jpg">


Shock Value" data-url="https://www.pep.ph/news/26759/john-sweet-lapus-returns-to-the-stage-in-dulaang-up39s-shock-value" data-desc="Mylene Dizon also stars in the play." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/41341c005.jpg"> Shock Value" data-url="https://www.pep.ph/news/26759/john-sweet-lapus-returns-to-the-stage-in-dulaang-up39s-shock-value" data-desc="Mylene Dizon also stars in the play." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/41341c005.jpg"> Shock Value" data-url="https://www.pep.ph/news/26759/john-sweet-lapus-returns-to-the-stage-in-dulaang-up39s-shock-value" data-desc="Mylene Dizon also stars in the play." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/41341c005.jpg"> Shock Value" data-url="https://www.pep.ph/news/26759/john-sweet-lapus-returns-to-the-stage-in-dulaang-up39s-shock-value" data-desc="Mylene Dizon also stars in the play." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/41341c005.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN