Aljur Abrenica misses Kris Bernal's presence at 10th Cosmo Bash

"Sana nga si Kris nandito, e. Ngayon kasi nasa States pa siya. All-out support talaga siya sa akin," says Aljur Abrenica, who had a well-applauded number in the annual parade of hunks. But the star of Ilumina says he's getting more and more comfortable with his latestleading lady, Rhian Ramos.


Maganda ang naging segment ni Aljur Abrenica nang rumampa ito sa nakaraang 10th Cosmopolitan Bachelor Bash sa World Trade Center noong Huwebes ng gabi, September 9.

Lumabas si Aljur na nakamaskara habang nasa loob ng isang cage.

Isa sa pinaka-well applauded ang number ni Aljur, pero ayon sa actor, kahit ikalawang pagrampa na niya ito sa Cosmo Bash, nandoon pa rin ang kaba niya.

Lalo na raw at kailan lang niya nalaman na rarampa pala siyang muli. "Hindi po ako nasabihan ahead of time. One week before lang po ako nasabihan. Pero exciting din naman po para sa akin."

Ang maganda kay Aljur, may Cosmo o wala, o kung may ibang event na hihilingin siyang magpakita ng katawan, hindi naman daw siya tumitigil sa pagdyi-gym at sa pagkain ng proper diet—kaya ready siya anytime.

Kaya ganoon na lang ang reaksiyon sa kanya ng audience, na ikinatuwa naman ni Aljur.

"Wala po akong masasabi kung hindi salamat. At saka, thank you rin po kay Direk Rico Gutierrez, kasi inalalayan niya 'ko sa kung ano ang gagawin ko. Lahat ng nakita niyo, idea po ni Direk Rico."

For next year's Cosmo, willing ba siyang rumampa muli?

"It depends po kung may mag-i-invite sa akin," humble niyang sinabi.

NO KRIS IN THE SIDELINES. Pero di katulad last year, "Hindi na po ako nakapag-invite kasi nabigla po ako sa schedule ngayon. Ang nakasama ko lang po ay ang kapatid ko, trainor ko."

Kahit ang leading lady niya sa Ilumina na si Rhian Ramos ay hindi niya nasabihan.

"Sayang nga... Kasi nabigla lang ako. Baka kasi may schedule siya, nakakahiya naman," sabi ni Aljur.

Naalala namin na sa 9th Cosmo Bash last year, ang dating ka-love team na si Kris Bernal ang isa sa sumuporta at tumitili para sa kanya.

Na-miss nga raw niya ito, sabi ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana nga si Kris nandito, e. Nami-miss ko si Kris. Ngayon kasi nasa States pa siya... All-out support talaga siya sa akin."

Sila ni Rhian, kumusta naman?

"So far po, habang tumatagal, mas nagiging kumportable kami sa isa't-isa. Talagang, at first, naiilang ako sa kanya. Hindi pa naman po kami close na close, pero, magkaibigan naman na po at wala pong ilangan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN