Sarah Geronimo is torn between Sam Milby and Coco Martin on iDOL

"Doble ang aking happiness at excitement kasi nagiging effective yung partnership ko sa parehong leading men ko. So, ayun, exciting kasi inaabangan kung saan talaga mai-endear yung tao—kay Lando (Coco) ba o kay Vince (Sam)? Kanino ba karapat-dapat si Billie (Sarah)?" says Sarah Geronimo on her two leading men on iDol.


Sa kabila ng mga naglabasang balita na lilipat daw ng ibang istasyon ang Pop Princess na si Sarah Geronimo, tiyak na mamamatay na ang nasabing issue dahil last September 8 ay muli siyang pumirma ng one-year contract sa ABS-CBN.

Para sa pinagbibidahang teleseryeng iDOL at bilang regular host ng ASAP XV ang panibagong kontratang pinirmahan ni Sarah.

"Dun lang ang alam ko, pero sana may movies pa with Star Cinema," sambit ni Sarah nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon kay Sarah, nakarating sa kanya ang balita na lilipat daw siya ng ibang istasyon. Kaya nagtanong siya mismo sa Viva Artist Agency, kung saan siya nakakontrata, kung may katotohanan ang kumakalat na kuwentong ito.

Nitong taong ito kasi inilipat ng Viva ang mga kasamahan ni Sarah sa ASAP XV na sina Mark Bautista at Rachelle Ann Go sa GMA-7, at pareho nang napapanood sa kalaban nitong programa na Party Pilipinas. Dagdag pa rito ang balitang ipapalabas ang lahat ng concerts ni Sarah sa TV5.

Sabi ni Sarah, "May nagsabi sa akin, narinig ko pa sa ibang tao. Nag-worry ako and I asked my manager at sinabi naman sa akin na hindi totoo.

"Dito kasi sa ABS, at home na home ako. Napakalaki ng naitulong sa akin, at sa career ko ng ABS-CBN.

"Sila ang tumulong kay Boss Vic [del Rosario of Viva] na makilala ako ng tao as Sarah Geronimo na mang-aawit sa ASAP, aktres sa teleserye, at sa mga pelikula ng Star Cinema.

"Naku, napaka-happy ko at walang dahilan para umalis ako dito!"


KANTASERYE. Naging mainit naman ang pagtanggap ng mga manonood sa iDOL, na nasa ikalawang linggo na ngayon. Thankful naman si Sarah sa suportang ibinibigay sa kanya ng publiko at masaya siya sa magandang working relationship sa dalawa niyang kapareha na sina Coco Martin at Sam Milby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Major, major ang pasasalamat namin sa mga kababayan na sumubaybay ng premiere ng iDOL at sa iba pang mga araw na nanood sila.

"Medyo nakahinga na kami nang maluwag kasi nakita namin na tinutukan ng mga tao yung simula ng show. Yun lang ang concern namin, ma-maintain ang nasimulan namin.

"Kami naman, nandito kami para pagbutihan ang trabaho namin, para pasayahin yung mga tao. Tuloy-tuloy yan.

"With Sam, I'm very happy kasi na-appreciate naman ng tao yung team-up namin. Marami daw ang kinilig, so maraming salamat. Sana mapakilig pa namin sila sa mga susunod na mga gabi.

"Si Sam, matagal ko nang nakakausap bago pa kami mag-start ng iDOL, so okay na, mas kumportable na.

"Si Coco naman, first time naming magkita sa workshop. Nakakatuwa kasi natanggal agad yung ilang ba. Parang ang tagal na naming magkatrabaho, parang nag-click na agad nang maganda."

Dagdag pa ni Sarah, "Doble ang aking happiness at excitement kasi nagiging effective yung partnership ko sa parehong leading men ko. So, ayun, exciting kasi inaabangan kung saan talaga mai-endear yung tao— kay Lando (Coco) ba or kay Vince (Sam)? Kanino ba karapat-dapat si Billie (Sarah)?

"Pareho kasi akong kinikilig sa kanila. Kapag kaekesena ko si Sam, may kilig. Kay Coco, iba din yung kilig. Siguro ako, dream ko rin po bilang aktres na nararamdaman ko yung characters ko bilang Billie at Jean."

Hindi rin itinago ni Sarah sa PEP na may kaba siya sa iDOL. Ito ang comeback TV acting vehicle niya after almost three years na hindi paggawa ng teleserye. Ang huli niyang ginawa ay ang Pangarap Na Bituin noong 2007.

"Lahat naman ng proyektong ginagawa ko, 'andiyan yung pressure kung tatanggapin or hindi ng tao," sabi ng 22-year-old singer-actress. "Kasi matagal na rin akong hindi umaarte, lalo na sa TV.

"Nakakatuwa kasi ang laking tulong kung maganda ang working relationship sa bawat katrabaho ko sa set, magmula sa mga directors to the co-stars. Nagre-reflect naman na pleasant at maayos yung pagtatatrabaho, na nag-e-enjoy kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


TEAM-UP WITH JOHN LLOYD. Tinangkilik at sinuportahan nang husto ang tambalan nina Sarah at John Lloyd Criz sa pelikula: A Very Special Love at ang sequel nitong You Changed My Life. Dahil sa mga pelikulang ito ng Star Cinema at Viva Films ay itinanghal na Box-Office King and Queen sina John Lloyd at Sarah sa magkasunod na taon (2008 at 2009).

May mga solid fans ang John Lloyd-Sarah love team na hindi talaga matanggap ang hindi pagkakatuloy ng third installment ng pelikula nila. Ano ang masasabi ni Sarah dito?

"Naiintindihan ko ang bawat hinaing ng supporters, ganyan talaga. Ginagawa ko lang yung trabaho ko. At sa tingin ko, makakabuti sa career ko, as long as wala akong natatapakan na ibang tao.

"Sabi nga ni John Lloyd, hindi makikitid ang mga utak ng mga supporters, so maiintindihan nila yun," saad niya.

Para kay Sarah, mas maganda na hindi lang siya nakatali sa isang partikular na ka-love team.

"Oo, as an individual artist, mas nakakapag-experiment ka o nakakapag-explore ka sa career mo. Hindi ka naka-stock o nakakulong sa isang kahon. Maganda na ang ganito," pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN