Anne Curtis defends Showtime co-stars Vhong Navarro and Vice Ganda

"We are all family, we understand each other. May time na ako, nag-a-absent, hinihila ako sa Babe, I Love You, hinihila ako sa taping ng Green Rose, at hindi ka makakarating on time sa studio. It's just a matter of understanding, and family kami dito, walang isyung ganun," says Anne Curtis about her co-hosts in Showtime.


As one of the original hosts of Showtime, ang noontime show ng ABS-CBN, hindi maiiwasang hingan ng reaksiyon si Anne Curtis kapag may isyung lumalabas tungkol sa show o maging sa mga taong kasama niya sa nasabing programa.

Kamakailan ay lumabas ang balita na nagbibigay raw ng problema ang co-host ni Anne na si Vhong Navarro sa staff ng Showtime dahil daw sa madalas na pag-a-absent nito.

Kasabay rin halos nito ang interviews naman ni Vice Ganda na inaming gusto na niyang magpahinga bilang resident judge ng programa dahil sa hindi na magandang imahe na nabubuo niya sa mata ng publiko.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Anne ay agad niyang dinepensahan ang mga kasama niya sa Showtime kaugnay ng mga isyung ito.

Una nga niyang klinaro ang pagkakaroon daw ng "attitude problem" ni Vhong at sa pagiging laging absent nito sa Showtime.

"We are all family, we understand each other. May time na ako, nag-a-absent, hinihila ako sa Babe, I Love You, hinihila ako sa taping ng Green Rose, at hindi ka makakarating on time sa studio. It's just a matter of understanding, and family kami dito, walang isyung ganun.

"Si Vhong, lagi siyang may taping or shooting, 'saka madalas siyang may sakit," paliwanag ni Anne.

Ano naman ang masasabi niya sa pahayag ni Vice Ganda na gusto na raw muna niyang magpahinga bilang resident judge ng Showtime dahil grabe na raw ang mga batikos na tinatanggap niya bilang hurado ng nasabing show?

"He's really just pressured, pero family pa rin niya kami. Hindi niya matatanggal na it's part of life.

"Napi-pressure lang yun kasi may feedback from people, so malaki yung pressure on his part, kasi siya yung nagsasalita [sa hurado], e.

"Sabi ko nga sa kanya, huwag siyang magbasa. Yun lang yun, para hindi siya maapektuhan kasi nakakawala talaga ng gana."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May idea ba siya kung sino ang nagkakalat ng mga isyung ito tungkol sa mga kasama niya sa Showtime?

"Mga people yun who probably just want to pull them down. Basta ang main aim namin is to make people happy. Yun ang mahalaga sa amin," sabi ni Anne.

GREEN ROSE. Bukod sa Showtime, abala rin ngayon si Anne sa taping ng upcoming teleserye niya sa ABS-CBN, ang Green Rose, kung saan ang mga leading men niya ay sina Jericho Rosales at Jake Cuenca.

Masayang nagkuwento si Anne tungkol sa taping niya sa teleseryeng pinagbibidahan at ang working relationship niya sa kanyang mga kapareha.

"Masaya!" sambit niya. "Working with Jake is something new. With Echo [palayaw ni Jericho], it's the second time around after Baler. I'm excited, super kulitan talaga.

"Si Jake, he's a very serious actor, pero wala kaming ilangan at all. We are comfortable with each other agad."

SAM MILBY. Kahit na nauwi sa breakup ang relasyon nina Anne at Sam Milby at may kanya-kanya na silang bagong inspirasyon sa buhay ngayon—kay Anne ay ang model at businessman na si Erwan Heussaff at kay Sam naman ay ang international singing sensation na si Marie Digby—ay open pa rin ang communication ng aktres sa relatives ni Sam.

"I did send his niece some clothes... It's something everyone knows, it's common knowledge na I love kids.

"Okay naman kami ng sister ni Sam. Hindi talaga awkward 'coz Sam and I are really on good terms," sabi ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN