Sen. Loren Legarda says the documentary film Buhos is only her first collaboration with director Brillante Mendoza

"Climate change has really affected the course of affairs in our country. People don't know when to plant and when to harvest... The scarcity of food, the scarcity of water, the spread of diseases — they've reached an all-time high," says Sen. Loren Legarda about the subject of the documentary film, Buhos, directed by Brillante Mendoza.


Isang special screening ng documentary film, Buhos, ang ginanap noong September 13, sa Cinema 3 ng Mall of Asia sa Pasay City.

Ang Buhos ay isang documentary tungkol sa climate change, tampok si Sen. Loren Legarda, at idinirek ng Cannes-winner na si Brillante "Dante" Mendoza.

Bago pa man pinalabas ang naturang documentary, isang parangal muna ang iginawad ni Senator Legarda kay Direk Dante.

Isang kopya ng Senate Resolution ang ipinagkaloob ng senador sa direktor "commending [him] for winning best director in the 2009 Cannes Film Festival" for the film, Kinatay.

Matapos mai-file ang naturang resolusyon, tinawagan ni Direk Dante si Senator Legarda at inimbitahan na manood ng premiere night ng isang pelikula niya.

Hindi nakarating ang senadora, kaya inimbitahan nitong mag-kape ang direktor. Doon nagsimula ang pagtutulungan nila sa pagbibigay ng impormasyon about climate change and global warming sa publiko.

Kuwento ni Senator Legarda, "That started our shared advocacy to help provide information and education on [these environmental concerns].

"So, Direk, maraming salamat sa iyong pagtulong sa pagpapahayag sa isang kumplikadong isyu na iniisip ng tao na pang-siyentipiko lamang.

"Pero maipapahayag natin sa mga estudyante at mga kabataan na sa panonood nila ng ating documentary ay nagpapahatid sila ng mensahe na sila ay interesadong matuto.

"Kasama natin sila bilang climate warriors."

Tugon naman ni Direk Dante, "Isang napakalaking karangalan po na magkaroon ng isang collaboration on this noble cause, and we hope to do more projects on climate change."

Sa Buhos—na maituturing isang "visually interesting, informative, and most importantly, moving documentary"—ipinaliwanag mabuti ang mga bagay-bagay tungkol sa global warming.

Ginamitan ito ng paraan ng pagpapahayag na angkop sa pang-araw-araw na buhay.

Madali itong maintindihan dahil simple ang pagpapaliwanag tungkol sa greenhouse gases at climate change.

Ginamitan din ito ng makatotohanang paraan ng paghahayag ng panganib at masamang epekto ng climate change sa bawat Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

P-NOY'S ROLE ON CLIMATE CHANGE. In the question-and-answer portion following the film showing, isa sa mga naging tanong kay Senator Legarda ay kung, sa tingin niya, ang bagong Pangulo ng bansa na si Noynoy Aquino ay isa ring environmentalist at may malakas na suporta sa awareness sa climate change?

"President Noynoy is the chairman of the newly-created National Commission on Environment Change," pagbabalita ni Senator Legarda.

"Bilang chairman... Kaya napakalakas ng batas na ito dahil ito'y pagtatag ng isang national commission on climate change and no less than the Pangulo ang siyang magiging chairman.

"Kaya whether you're environment-friendly or not, being the chair, you will have to make environment a priority.

"President Noynoy is my colleague for three years—from 2007 to 2010. I'm certain he listens to my monthly, if not quarterly, speeches on the environment and climate change.

"I am sure that he has many priorities in the present government, and I am hopeful and optimistic and certain that he will make climate change and the environment his priority.

"Because, as we know, this is not something for academicians, students or scientists only. It's a very, very important issue.

"Ang dengue ngayon, all-time high, ang dami nang namatay sa Isabela, sa Metro Manila, dulot ng pagbabago ng klima.

"Ang kakulangan ng pagkain, lalo na ang ating pag-angkat ng bigas, ay dulot na rin ng mga hindi na maani o kakulangan ng ani sa ating mga palayan."

Pagkatapos nito ay ipinaliwanag ni Senator Legarda ang mga eksenang kasama sa Buhos.

"Ang mga eksena sa video, iyan ay mga totoong video na kinuhanan namin ni Direk Dante, sa iba't ibang lugar. Kasama na sa Laguna at Pangasinan noong panahon ng [Bagyong] Ondoy at Pepeng.

"Hindi ho file video 'yan. Iyan ay mga totoong video na kinunan namin noong Setyembre at Oktubre [2009] pagkatapos ng Ondoy at Pepeng.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At nakausap natin ang mga magsasaka. Ang mga kasama ko diyan, akala ninyo mangingisda — mga magsasaka iyon.

"Sabi nila, hindi na sila makapagsaka ngayon. Palayan iyon na naging parte na ng Laguna de Bay.

"Hanggang ngayon, ang sinasabi ng ating mga magsasaka, 'Hindi na po namin alam kung kailan magtatanim at kung kailan mag-aani.'

"Climate change has really affected the course of affairs of our country.

"People don't know when to plant and when to harvest and, really, the scarcity of food, the scarcity of water, the spread of diseases has reached an all-time high. [These were] brought about by changes of the climate.

"And, yes, I am optimistic that the incumbent President will make it a priority," saad ni Senator Legarda.

FROM HER OWN POCKET. Nilinaw rin ni Senator Legarda na ang ginastos sa Buhos ay hindi nanggaling sa pondo ng gobyerno, kundi sa sariling bulsa niya raw mismo.

"Ito po ay regalo ko sa inyong lahat, dahil wala naman pong pondo ang ating gobyerno o pamahalaan.

"Maaari siguro kung hihingi tayo sa mga ahensiya, pero I didn't want to do that."

Bago pa man raw nagsimula ang kampanya for the 2010 elections ay naglalaro na sa kanyang isipan ang ideyang gumawa ng documentaryo.

"When I talked to Direk Dante, I told him gusto ko sanang gumawa ng documentary on climate change.

"Ang una niyang tanong sa akin, 'Senator, bakit ba climate change and environment ang ilan sa inyong mga advocacies?'

"Sabi ko, 'Nakakaapekto sa ating pang araw-araw na buhay.' That's how it started.

"With regards to the funding — this came from private funds, my personal [money]."

Hindi naman raw siya siningil ng mahal ni Direk Dante.

"It is reasonable because he made it reasonable for me. Sabi ko, hindi ko naman pagkakakitaan ito. Ito ay libre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In fact, I'm giving this away to all state universities and colleges, private universities and colleges, national high schools.

"Sa lahat po ng inyong superintendents, district supervisors, lahat ng guro, lahat ng teachers, pribado man o pampubliko, lahat ng estudyante.

"Kung hindi kayo puwedeng mag-burn [ng kopya], ako na, opisina ko na, wala pong hihindi sa aking staff. Ipapamimigay po namin ito."

May kasunod pa raw silang mga collaboration ni Direk Dante at ang Buhos daw ay tila "appetizer" lamang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN