Prince Stefan enjoys being the subject of intrigues: "Mas maganda yung pinag-uusapan."

"Siguro 'pag nabasa, at first, magkokomento ako na hindi ito totoo ... o kaya OA yung pagkakuwento. Pero isang araw lang wala na yun. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila," says Prince Stefan about intrigues.


Nilinaw ng young actor na si Prince Stefan ang balitang lumabas sa isang tabloid na may lover daw siyang "older woman." Ayon pa sa report, nauubos ang pera ng babaeng ito dahil kay Prince.

"Iko-korek ka 'yan, ha? Kasi, mali yung kuwento, e. Unang-una, hindi ko siya girlfriend. At saka hindi siya matanda—24 years old lang siya," paglilinaw ng 21-year-old actor.

Dagdag niya, "Best friend ko siya. May-ari siya ng isang boutique."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Prince sa presscon ng Bantatay kagabi, September 14, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Bakit sila natsitsismis?

"Hindi ko alam!" bulalas niya. "Sweet lang kami kasi sobrang close kami.

"After work niya, 'pag wala akong taping, nagkikita kami sa gabi with other friends, nagko-coffee. Basta lagi kaming magkakasama.

"So, itong lumabas na isyu na ito, pinagtatawanan na lang namin. Tawa lang siya nang tawa. Bakit daw siya napasali.

"Actually, tinawagan niya ako, ibinalita niya. Nagulat ako siyempre, sabi ko, 'Ano, okay ka lang?' Sabi niya, oo. Wala siyang pakialam. Cool siya."

Isang taon na raw niyang matalik na kaibigan ang babaeng itsinitsimis sa kanya. Nakilala raw niya ito through a common friend.

MONEY ISSUE. Mariin ding pinabulaanan ni Prince ang balitang nagsara ang boutique ng kanyang kaibigan dahil sa pagbibigay ng pera sa kanya.

"Clear ko lang yun, ha? Unang-una, wala akong hinihingi. Pangalawa, never siyang nagbigay.

"Nag-close ang shop niya, kasi ayaw na niya ng trabaho [business] niya. Hindi na siya masaya. Siya ang nagpasara ng shop niya kasi hindi na niya kaya.

"Designer siya pero masyado pa siyang bata para mag-handle ng ganyang business. Pero since may kaya naman sila, nag-put up siya ng business. Graduate siya ng fashion design sa Paris.

"Before pa man na-close yung shop, kinukuwentuhan na niya kami na gusto na niyang isara, pero ayaw ng nanay at tatay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ikinukuwento niya sa amin, 'Ano'ng gagawin ko? Kasi hindi ko na gusto, wala akong time. Hindi ko na kayang mag-manage ng ganung kalaking shop.'

"Gusto niyang i-close muna [yung shop], kunin yung pinagbentahan at mag-put up ng bagong business. Pero matagal pa daw. Gusto muna niyang mag-save at mag-business ng malaki.

"Kaya nagulat ako nung sinabing... Hindi klaro sa akin [ang tsismis]. Ginagamit ko ba ang pera niya o damit niya? Kasi lahat ng damit ko, ako ang bumibili, sarili kong pera," mahabang paliwanag ng StarStruck 4 Prince.

Four months ago na raw isinara ang naturang boutique ng kanyang kaibigan.

Diin ni Prince, "So, 'yon, kinaklaro ko lang, wala akong ginagamit sa pera niya o damit niya, at wala rin siyang ibinibigay sa akin.

"In fact, 'pag lumalabas kami, ako ang nagti-treat, kasi lalaki ako, e, tapos babae siya.

"Minsan naglalabas siya. But most of the time, ako yung naglalabas, ako yung gumagastos. Minsan nagse-share kami.

"So, imposibleng nagbibigay siya ng damit o pera [sa akin] kasi nakakahiya naman yun on my part.

"[Tsaka] kailangan niya rin. May mga binabayaran din siya at saka sini-save niya yun for her new business."

Magkaibigan pa rin ba sila hanggang ngayon?

"Oo naman!" mabilis na sagot ni Prince.

Dalaga ang naturang kaibigan ni Prince, bakit hindi niya ligawan?

"Kaibigan lang talaga, e. Kaibigan lang."

Walang chance na maging "sila?"

"Kaibigan lang talaga, e," ulit niya.

Kaka-break lang daw ni Prince sa kanyang non-showbiz girlfriend two months ago.

Magkakilala raw ang babaeng nali-link kay Prince at ang ex-girlfriend niya. Pero nilinaw ng StarStruck alumnus na hindi ang kaibigan niya ang reason ng kanilang breakup.

DRUG ISSUE. Hindi naman pinansin ni Prince ang isyu na nagda-drugs daw siya.

"Wala akong paglilinaw na sasabihin kasi hindi ko naman siya talaga ginagawa. Hindi siya totoo," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagagalit ba siya kapag may ganitong intriga sa kanya?

"Sanay na ako," sagot ni Prince. "Kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi totoo, e. Okay lang.

"Uy, publicity 'yon!" pahabol niya.

Gusto ba niya yung naiintriga siya?

"Oo naman!" pag-amin niya. "Okay lang kasi artista ka, e, public figure ka, e. Pinasok mo ito, di ba?

"Sa mga artista nga sa States, mas gusto nila yung gagawa sila ng bad kasi doon sila sumisikat."

So, never siyang nagalit kapag may lumalabas na masamang balita sa kanya?

"Siguro 'pag nabasa ko lang, at first, magkokomento ako na hindi ito totoo o OA yung pagkakuwento. Pero isang araw lang, wala na yun. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila.

"Okay lang ako. Kasi artista, talagang ganun, e. Hindi puwedeng walang intriga. Mas maganda yung pinag-uusapan."

NEW SHOW. Kasama si Prince sa bagong early primetime series ng GMA-7 na Bantatay, na papalit sa timeslot ng Langit Sa Piling Mo simula sa Lunes, September 20.

Tampok dito sina Raymart Santiago, Gelli de Belen, Jennica Garcia, at ang two-year-old Labrador na si Charlie na gaganap bilang Bantay.

Ano ang role ni Prince sa Bantatay?

"Ako si Calvin. Patagong salbahe, pero hindi naman too much. Nagkukunwaring mabait sa hayop, pero hindi.

"Ako yung mapagkunwaring mabait sa aso para... Kasi si Jennica, nawalan ng aso, e. So, naglo-long siya sa aso niya.

"Ako yung mayaman na nakaka-afford na magbigay ng aso. Ako yung nagdadala sa kanya sa mga pet shops, nagdadala sa kanya sa mga animals para mapalapit ako sa kanya kasi gusto ko siya."

Kasama rin sa cast ng Bantatay sina Camille Prats, Krystal Reyes, Renz Valerio, Sweet Ramos, Gary Estrada, Carl Guevara, Sheena Halili, Elmo Magalona, Al Tantay, Jessie Corcuera, Kier Legaspi, Marissa Delgado, Eva Darren, Isabel Nesreen Frial, at Maybeline dela Cruz.

Ito ay mula sa direksiyon ni Don Michael Perez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN