Maybeline dela Cruz returns to acting after winning as councilor in Dagupan

"Natutuwa ako kasi kinu-consider din nila yung magandang ginawa ko in the past bilang artista nila... Nakikita nila kung gaano ko kamahal yung craft. At the same time, iniintindi rin nila yung duty ko as councilor sa Dagupan," says Maybeline dela Cruz about working with GMA-7.


Balik na naman sa pag-arte si Maybeline dela Cruz matapos niyang mamahinga ng ilang buwan dahil sa kanyang pagsabak sa pulitika. Pinalad naman siyang manalo bilang councilor ng Dagupan City, Pangasinan, noong May 10, 2010 elections.

Kasama siya sa cast ng bagong early primetime teleserye ng GMA-7, ang Bantatay, na mapapanood na simula sa Lunes, September 20, bago mag-24 Oras. Pinagbibidahan ito nina Raymart Santiago at Gelli de Belen.

Kasama rin sa cast sina Krystal Reyes, Renz Valerio, Sweet Ramos, Jennica Garcia, Carl Guevara, Elmo Magalona, Sheena Halili, Gary Estrada, Al Tantay, Camille Prats, Marissa Delgado, Kier Legaspi, Jim Pebangco, Jessie Corcuera, Isabel Nesreen Frial, at Prince Stefan.

Natutuwa nga si Maybeline dahil ang GMA-7 pa raw ang nag-a-adjust sa kanyang schedule.

"Kasi sinabi ko sa kanila na ang regular session ko sa Dagupan is every Monday. Ang taping namin kasi for Bantatay is Monday, Wednesday and Friday.

"Basta ang sabi nila sa akin, iko-call nila ako ng Wednesday at Friday lang. Yung Monday, kapag merong importanteng-importante, doon lang nila ako iko-call.

"So, nakaka-flatter... parang sila pa yung mag-adjust sa schedule ko," pahayag ni Maybeline nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Bantatay kagabi, September 14, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

"Ngarag-ngaragan" naman ang term na ginamit ni Maybeline kapag mapag-uusapan ang schedule niya.

"Kasi ang layo ng taping nito, e, sa Lemery, Batangas. Tapos sa Dagupan ako umuuwi," paliwanag niya.

"Sa parents ko ako tumutuloy sa Las Piñas kapag nandito ako sa Manila. Pag Wednesday at Friday ang taping, kaya malamang doon na ako uuwi sa kanila.

"Uuwi na lang ako ng Dagupan pag weekends. Kasi may session ako sa City Hall ng Monday."

MOTHER ROLE. Ang Bantatay ang first showbiz project ni Maybeline pagkatapos ng eleksyon. Ginagampanan niya rito ang role ni Lilian, ang pabayang ina ni Artie, played by Elmo Magalona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang feeling na binibigyan pa rin siya ng proyekto ng GMA-7?

"Masaya kasi hindi pa rin ako nawawala sa isip nila," sabi niya. "Tapos sabi ko nga, sila pa yung nag-a-adjust sa schedule ko.

"Hindi naman lahat ng artista binibigyan ng ganung treatment at opportunity. Kasi, di ba, dito sa showbiz, 'Ay, hindi ka puwede. E, di hahanap ako ng iba.' Pero sila, kinuha talaga nila ako.

"Natutuwa ako kasi kinu-consider din nila yung magandang ginawa ko in the past bilang artista nila. Happy ako na binibigyan nila ng importansiya ang ginagawa ko.

"Nakikita nila kung gaano ko kamahal yung craft. At the same time, iniintindi rin nila yung duty ko as councilor sa Dagupan."

Hindi naman apektado si Maybeline kahit mother role na ang ibinibigay sa kanya.

"No, hindi naman ako nasa-sad. This one, I'm very excited.

"Kami ni Camille Prats, normal na sa amin yung maging nanay. Kasi sa edad namin, normal na yung may anak. I'm 28, so okay lang.

"Siguro magtatanong yung iba kasi ang laki na ng anak ko rito, si Elmo. It's a big challenge for me to look more mature, to act more mature.

"Kasi may back story naman siya kaya ko tinanggap. May back story na nabuntis ako ng 15 or 16 years old kaya okay lang na malaki na ang anak ko, keri pa."

May pagkakontrabida raw ang role niya rito?

"Kontrabida nga, at least mas maganda. Mas may outlet ngayon ako, di ba?"

Hindi ba makakaepekto ang role niya rito as pabayang ina sa image niya as a politician?

"Hindi naman po siguro," sagot niya. "Kasi kilala naman ako ng mga taga-Dagupan na kalog, na puwede mo akong hatakin kahit saan. Matatalino na naman ang audience natin. They know it's just a role."

How is it working with Elmo?

"I haven't done a scene with him yet. Magte-taping pa lang kami. Yung characters namin, papasok sa second week pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero I've worked with his sister, si Maxene. And yung mommy niya, sobrang bait ni Ate Pia [Magalona].

"Si Elmo, magalang na bata. Sa storycon pa lang namin magalang na siya, puro 'po.' I'm sure wala akong magiging problema sa kanya."

WORKING AS A COUNCILOR. Unang sabak ni Maybeline sa pulitika at pinalad nga siyang manalo. Kumusta naman yung experience so far as a councilor?

"Grabe!" bulalas niya. "Sabi ko nga, mas madali yung mag-taping.

"Nung first session day ko, hindi ko alam kung masi-CR [comfort room] ba ako o ano, kasi ako yung majority floor leader, e. So, hindi ko alam kung paano magbasa ng agenda.

"Buti na lang yung husband ko [Councilor Michael Fernandez] at saka yung dad namin, pareho silang three-term councilors. So, they were there to guide me kung ano yung mga dapat kong sabihin at yung mga hindi ko dapat sabihin. So, medyo naging easier for me.

"Until now, I'm still adjusting kasi iba yung trabaho. May mga buhay na nakasalalay sa mga desisyong gagawin mo, sa mga ordinansa na ipapasa ninyo. Maraming maaapektuhan kaya kailangan mong aralin."

Bilang councilor, nakatutok daw siya sa health concerns ng kanyang mga kababayan. Matagal na rin kasi niyang advocacy ang may kinalaman sa dugo.

"I've been with the Red Cross for the longest time. And my advocacy talaga is to ensure that there is safe blood available for everyone, lalo na when they need it.

"Sa Dagupan, may pinasok akong ordinance, ipi-first reading na siya sa Monday.

"Yung local Blood Coordinating Council sa amin, para pag may dengue outbreak, we know exactly kung sino yung mga ita-tap na mga tao. And to make sure na meron talagang mailalabas na dugo."

ARTISTA IN POLITICS. Bagamat priority ni Maybeline ang pagsisilbi sa kanyang mga kababayan, itinutuloy niya pa rin ang pag-aartista dahil kailangan din daw niya ng outlet at additional source of income, lalo na't marami ang lumalapit sa kanya para humingi ng tulong. Dagsa nga raw ang pumupunta sa opisina niya sa City Hall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, marami talagang lumalapit. Meron yung may dalang reseta ng gamot... Normal yun, e. So, minsan, wala ka na talagang mailabas. Kasi minsan, may pera ka nga, pero naibigay mo, tapos 'eto may paparating pa rin.

"You just have to be honest to them. You tell them na, 'Wala akong dala ngayon, pasensiya na.' They understand naman. Sometimes they come back.

May pressure ba sa kanya bilang artista na patunayan ang sarili niya sa pulitika?

"Wala naman," sagot ni Maybeline. "Sa akin, hindi naman yung tipong nakakahiya kasi kailangan may patunayan ka kasi artista ka.

"Hindi yun, e. It's more on pressure kasi ibinoto ka ng mga tao, e.

"Hindi ako taga-Dagupan, it's my husband who is from there. Dalawang taon pa lang ako sa Dagupan. And yet, in the history of Dagupan, I was the first one to get that many number of votes—47,000 votes.

"My husband, nag-No. 1 siya before pero ang votes niya, 41,000 ganun. First time na may umabot sa 47,000. I'm not from there.

"Tapos, may language barrier pa kasi hindi ako nakakaintindi at nakakasalita ng Pangasinan. And yet, the people, they completely understood that, they completely accepted me.

"So, yun ang pressure sa akin na gantihan yung ipinapakita nilang kabutihan sa akin."

Sa ngayon daw ay inaaral na ni Maybeline ang Pangasinan para mas maging maganda ang komunikasyon niya sa kanyang mga kababayan.

"In fact, babalik ako sa school. Kasi yung Philippine Councils League, makikipag-tie up sa UP (University of the Philippines) para sa mga councilors na gustong mag-aral pa.

"So, I'm planning to enroll para madagdagan yung knowledge natin. Mas maganda kasi yung nagle-legislate ka na alam mo talaga yung ginagawa mo," sabi ni Maybeline.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN