Former child star Krystal Reyes takes on teen roles

"Dati kasi, halos sunud-sunod yung acting projects. Pagkatapos ng isang soap, may kasunod na kaagad. Kaya medyo nalungkot talaga ako nang wala ng tawag sa akin para sa kahit anong soap ng GMA-7," says Krystal Reyes on being sidelined for amost a year.


Fourteen years old na ang dating child star na si Krystal Reyes.

Nakilala si Krystal sa kanyang pagganap sa mga GMA-7 soaps na Bakekang (bilang batang Kristal), Princess Charming (bilang Princess), at Mga Mata ni Anghelita (bilang Anghelita).

Ngayon ay kabilang siya sa cast ng bagong early primetime series ng Kapuso network na Bantatay.

Halos isang taon ding nawalan ng acting project ang batang aktres sa GMA-7 kaya masayang-masaya siya na nakasama siya sa Bantatay.

"Yun po kasi yung passion ko, yung umarte. Kaya medyo na-sad ako nung nabakante ako," sabi ni Krystal sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Bantatay kagabi, September 14.

"Dati kasi, halos sunud-sunod yung acting projects. Pagkatapos ng isang soap, may kasunod na kaagad. Kaya medyo nalungkot talaga ako nang wala ng tawag sa akin para sa kahit anong soap ng GMA-7.

"Although, visible pa rin naman po ako sa TV kasi regular akong napapanood sa Art Angel ng kung ilang taon. Pero nag reformat sila kaya nawala ako sa show. Sabi nila gagawin na yung parang Hi-5."

Ano ang naramdaman niya nang mawala siya sa Art Angel?

"Nalungkot, kasi napamahal na po sa akin yung show at mga staff na kasama ko dun. Pero hindi naman po ako umiyak kasi okay naman yung naging relationship ko sa mga nakatrabaho ko.

"Hindi rin po sumama yung loob ko kasi ipinaliwanag naman nila sa akin kung bakit magre-reformat yung show. Sinabi nila if ever na may show sa Public Affairs na babagay sa akin, isasama nila ako, like yung sa Ka-Blog."

Pagkatapos ng Art Angel, dumating ang offer kay Krystal para mapasama sa Bantatay. Gumaganap siya rito bilang panganay na anak nina Raymart Santiago at Gelli de Belen.

TWEENERS. Kasama rin si Krystal sa binuong grupo ng GMA Artist Center na tinatawag na "Tween Stars." Ito ay isang grupo ng teenagers na kinabibilangan din nina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Jhake Vargas, Bea Binene, Kristoffer Martin, Louise delos Reyes, Lexi Fernandez, Derick Leander Monasterio, at Kierulf Raboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil 14 na si Krystal, hindi siyempre maiwasang itanong kung mayroon na siyang mga crush. May crush ba siya among the Tweener boys o kahit na sinong artistang lalake?

"Naku, wala pa po akong crush!" natatawang sabi ni Krystal. "Bata pa po ako. Hindi ko po priority yun.

"Sa ngayon, studies at career po muna ang binibigyan ko ng atensiyon. Lalo na ngayon na kababalik ko lang sa pag arte kaya sa career muna ako naka-focus. "

Pero among the boys of Tween Stars, si Kristoffer ang madalas niyang kausap at kakulitan. Si Kristoffer ba ang pinakamalapit sa kanya sa grupo nila?

"Hindi naman po," sagot ni Krsytal. "Lahat naman sila close ko.

"Yun nga lang, bago-bago lang po kaming nagkakakilala at hindi pa kami nagkakasama-sama. Kaya hindi pa po ganun kalalim yung friendship naming lahat.

"Yung kay Kristoffer naman po, kasi kinukulit niya ako. Sinasabi niya lagi na maliit daw ako. Tapos nung nasa elevator kami, kahit nakikita na niya ako, sinasabi niya na, 'Hoy, kulang tayo! Saan si Liit?' Alam ko naman na ako yung sinasabihan niya," kuwento ni Krystal tungkol kay Kristoffer, na gumanap naman bilang batang Johnny sa Endless Love.

Gusto niya bang maging ka-love team si Kristoffer?

"Kung sino ang ibigay sa akin ng GMA-7 na ka-love team, okay lang. Like si Kristoffer, walang ka-love team at ako naman po, wala ring ka-love team. Kaya baka puwede po.

"Tsaka mabait naman si Kristoffer. Okay naman siyang kausap at kasama kasi palabiro, kalog, at masayahin. Kaya if ever na kami ang ipapareha, wala naman pong problema sa akin. "

Ready na ba siyang magkaroon ng ka-love team?

"Noong una po, iniisip ko na 'yan. Kasi sina Barbie at Bea, may kanya-kanyang ka-love team. Kaya sabi ko, siguro magkakaroon din ako.

"Kasi nasanay po ako na dati, bunsong kapatid ako. Pero ngayon, ate na ako at hindi naman all the time bata ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin, wala naman pong problema kung may ka-love team lalo na't pag gusto ng mga fans."

Bukod kay Kristoffer, may gusto pa ba siyang maging ka-love team?

"Wala naman po. Sa akin kasi talaga, kung sino po ang ibigay nila sa aking ka-love team, okay lang po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN