Raymart Santiago reunites with ex-girlfriend Gelli de Belen in Bantatay

"Nakakapanibago dahil gaya nga ng sinabi ko, mga labinlimang taon na rin kaming hindi nagkasama. Ganun pa rin. Talagang mabait naman si Gelli," says Raymart Santiago on working again with ex-girlfriend Gelli de Belen (inset).


Ibinabalik ng GMA-7 ang tambalan nina Raymart Santiago at Gelli de Belen sa bagong primetime series na Bantatay.

Lingid sa kaalaman ng marami, naging magkasintahan noon sa totong buhay ang dalawang Kapuso stars. Nagtambal din sila sa ilang pelikula ng Viva Films, kung saan sila naging contract stars.

Mga two years din tumagal ang relasyon ng dalawa.

Fifteen years later, may kanya-kanya nang pamilya sina Raymart at Gelli.

Si Raymart ay kasal sa aktres na si Claudine Barretto at mayroon silang isang adopted daughter (Sabina) at isang anak na lalaki (Santino). Si Gelli naman ay napangasawa ang singer-actor na si Ariel Rivera at may dalawa silang anak na lalaki (Joaquin at Julio).

REUNITED. Gumaganap bilang mag-asawa sina Raymart at Gelli sa Bantatay, na magsisimula nang ipalabas sa Lunes, September 20.

Sa presscon ng Bantatay noong Martes, September 14, marami ang nagtanong kay Raymart kung kumusta na sila ni Gelli ngayong magkatrabaho silang muli.

"Okay, okay naman," nakangiting sagot ng 37-year-old actor.

"Nakakapanibago dahil gaya nga ng sinabi ko, mga labinlimang taon na rin kaming hindi nagkasama. Ganun pa rin. Talagang mabait naman si Gelli.

"Hindi pa kami gaanong nakakapagkuwentuhan kasi tuloy-tuloy ang mga eksena namin."

Pareho na silang may asawa at mga anak. Natatawa na lang ba sila kapag naaalala nila yung nakaraan nila?

Sabi ni Raymart, "Noong nalaman ko dati si Ariel Rivera ang mapapangasawa niya, e, talagang boto naman ako kay Ariel.

"Kasi, may mga iba siyang nanligaw na hindi ko gusto. Si Ariel ang talagang sinabi ko, na sa tingin ko, aalagaan siya."

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Raymart kung ano naman ang naging reaction ng asawa niyang si Claudine nang malaman nito na si Gelli ang gaganap na asawa niya sa Bantatay?

"Wala naman, wala naman sa kanya yun. Past is past at may kanya-kanya na kaming pamilya. Sa amin, trabaho lang," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro ba siya ni Claudine?

"Meron, meron din !" nakangiting sabi ni Raymart. "Parang siya pa nga yung kinikilig sa amin."

Speaking of kilig, may kilig factor pa ba noong una silang nagkita ni Gelli sa taping?

"Hindi ko alam, hindi ko alam!" tawa niya ulit.

"Hindi naman natin mapagkakaila na kahit ano, sexy pa rin 'yang si Gelli. Maganda, mabait. Yun."

IMPORTANCE. Ang huling teleserye ni Raymart sa GMA-7 ay ang Pilyang Kerubin kung saan gumanap siya bilang pulis. Dito naman sa Bantatay ay isang veterinarian ang ginagampanan niyang role.

"Alam n'yo, gusto ko na parang iba naman," banggit ni Raymart.

"Nanggaling na tayo sa Pilyang Kerubin na medyo heavy drama. So, sabi ko, why not try na medyo light drama na may fantasy at talagang pambata?

"Puwedeng-puwedeng manood ang mga bata kasi ang bida dito, yung mga aso. Kaya sana, subaybayan nila.

"Kakaiba ito kasi ang kaluluwa ko, sumanib sa isang aso."

All these years, nandoon pa rin ang importansiyang ibinibigay sa kanya ng GMA-7. Sa Bantatay, siya pa rin ang nasa title role. Ano ang masasabi ni Raymart dito?

"Siyempre, nagpapasalamat naman ako sa GMA na binigyan ako ng pagkakataon na maipakita ang talent ko sa mga tao. At naniniwala ako rito sa show. Ito ay maganda, kakaiba, at ma-e-enjoy ng mga bata."

Sa trailer ng Bantatay na ipinakita sa presscon, may eksenang sinagip ni Raymart ang isang aso na muntik nang masagasaan. Bumalik tuloy sa isip ng marami ang mga panahon na nag-a-action pa si Raymart. Hindi ba niya nami-miss gumawa ng action films — kahit sa TV lang?

"Kung bibigyan tayo ng pagkakataon ng GMA, bakit hindi tayo gumawa ng isang action di ba?

"Nami-miss ko rin naman yun kahit papaano," pag-amin niya.

CLAUDINE-ANGELICA ISSUE. Samantala, hangga't maaari ayaw nang pag-usapan ni Raymart ang tungkol sa iringan sa pagitan ng kanyang misis at ni Angelica Panganiban. Lalo na't wala naman daw kaugnayan ang mga ito sa Bantatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nagpaunlak pa rin siya ng maikling pahayag nang tanungin siya tungkol dito.

"Gaya nga ng sabi ko sa statement, well, ayoko na rin sanang pag-usapan 'to...

"Gaya nga ng sabi ko, nandito ako, 100 percent para sa asawa ko. Nasa tabi mo ako and I love you."

May bago na bang development sa isyung ito?

"Meron, pero sa lawyers na yun, e. Ayoko nang makialam," nakangiting sabi ni Raymart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN