Gary Estrada has less time for family and career after winning in the last election

"To tell you the truth, I would rather be an actor. Ang tingin ko parati sa pulitika ay sakripisyo para sa akin dahil I have a nice life [as an actor]," says actor turned politician Gary Estrada.


Balik-TV si Gary Estrada pagkatapos niyang manalo bilang Board Member sa 2nd district ng lalawigan ng Quezon noong May 10, 2010 elections.

Kasama ang dating matinee idol sa bagong primetime series ng GMA-7 na Bantatay. Gumaganap siya rito bilang Simon, ang obsessive boyfriend ni Marcella (played by Gelli de Belen).

Ano ang malaking pagbabago kay Gary ngayong Board Member na siya?

"Well, less time for my family... even less time for myself," sagot niya.

"To tell you the truth... I would rather be an actor ngayon. Ang tingin ko parati sa pulitika ay sakripisyo para sa akin dahil I have a nice life [as an actor].

"Kung gugustuhin kong mag-artista, siguro puwede pa akong mag-bida, puwede pa akong mag-ganyan.

"Pero nale-lessen na yung oras ko at focus ko sa pag-aartista. Kasi ang iniisip ko parati, yung ikagagaling ng ating nasasakupan at ating pinagsisilbihan. Yung mandato ng tao ang parati nating iniisip, e."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gary sa presscon ng Bantatay noong September 14 sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Ayon pa sa actor-politician, hindi naman magkaka-conflict ang kanyang showbiz at political life.

"Pinakiusapan ko naman po sila (GMA-7 management) na ang taping ko po, e, dalawang araw lang. Ang Lunes ko po, e, talagang nakalaan na para sa aking trabaho, sa aming sesyon," sabi niya.

Nakailang subok na si Gary sa pagtakbo sa pulitika, ngunit ngayon lamang siya pinalad na manalo. Kaya naman naiintindihan ng kanyang misis na si Bernadette Allyson kung magkulang man si Gary ng oras para sa kanyang pamilya.

"Nakailang subok din ako, pero eventually nung nandito na po, e, unti-unti na siyang nakukumbinsi," sabi ng aktor tungkol sa kanyang maybahay.

POLITICAL AMBITION. Pinapangarap din ba ni Gary na maging presidente ng Pilipinas tulad ng uncle niyang si dating Pangulong Joseph Estrada? Ang ama ni Gary ay ang yumaong aktor na si George Estregan, na kapatid ni Erap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, bakit ba hindi?" sagot niya.

"Kung pangarap na ganun, lahat naman siguro ng tao papangarapin 'yon. Pero ako, to tell you honestly, sa puso ko, parang hindi, e, parang hindi.

"Ang pinakamataas na pangarap ko lang, e, maging senador."

Ayaw niyang maging pangulo ng bansa?

"Maraming sakit ng ulo, maraming pupuna sa 'yo," sabi ni Gary.

"Nasa dugo rin naman namin maging senador. So, hopefully, when the time comes and I'm ready, sana naman suportahan rin ako ng ating dating Pangulo [Estrada] dahil ako po, e, lahat po naman ng gagawin ko ay para sa tao."

So, hanggang pagiging senador lang ang gusto niyang maabot?

"Hindi naman... Tingnan natin. Pero as of now, as of now," sabi niya.

Pero kung susuwertihin, malamang maging "vice president" si Gary this year.

"Ako po ngayon ay lumalaban bilang vice president for Luzon, in the Board Members League. So, I guess this is a preparation for my dreams.

"Sa October 27 po ang botohan," pahabol niya.

Bakit VP ang tatakbuhin niya at hindi presidente?

"Tayo po'y bago pa lang naman, ako po'y neophyte. So I have a lot of things to learn.

"Siyempre, marami pa po tayong dapat matutunan at marami pang nauna sa atin na mas maraming alam," saad niya.

ON AIKO MELENDEZ. Ikinalungkot naman ni Gary ang pagkatalo ni Aiko Melendez bilang vice mayor ng Quezon City sa nakaraang eleksiyon. Noong binata at dalaga pa sina Gary at Aiko ay naging magkasintahan sila.

"I feel bad kasi I think she has proven herself time and again. At ang pulitika naman po, e, may bawian. So, hopefully, she can go back.

"Of course, nakakalungkot din dahil, unang-una, napakatagal na niyang politician. It's the first time for her to lose in an election.

"Ang masakit kasi nito, napatunayan na niya that she's a good public servant. Hopefully, she will [run] again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At ako naman po, yung lungkot naman, e, sandali lang 'yan. Ang tatlong taon, e, lumilipas na mabilis," pahayag ni Gary para sa dating kasintahan.

Open din daw si Gary na makatrabaho sa isang proyekto si Aiko, lalo na't meron ding show ang aktres sa GMA-7 — ang afternoon soap na Basahang Ginto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN