Rochelle Pangilinan returns to work after being sidelined for three weeks

"Siguro naman may napatunayan na rin ako dito sa industriya kaya walang dahilan para ma-insecure ako," says Rochelle Pangilinan.


Balik-trabaho agad si Rochelle Pangilinan matapos siyang maka-recover sa pagkakasakit na umabot ng tatlong linggo.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rochelle noong Huwebes, September 16, sa taping ng Danz Showdown, kung saan isa siya sa mga hosts, along with co-SexBomb dancer Izzy Tirazona and actor Mark Herras.

Ang tungkol nga sa kanyang pagkakasakit ang unang inusisa ng PEP.

"Sobrang lagnat. Nagtsi-chill ako ganun. Three weeks akong nag-bed rest," kuwento ni Rochelle.

Mabuti na lang daw at hindi dengue ang naging sakit niya, lalo na't marami na ang nagkakasakit nito kabilang na ang ilang artista.

"Kinabahan nga ako, e. Buti hindi dengue," sambit niya.

"Kala ko nga hindi ko kakayanin kasi talagang hinang-hina ako. Hindi kasi ako sanay na magkasakit, e, at saka mag-take ng mga gamot. Vitamins lang kasi ang tine-take ko.

"Siguro nadaan din sa dasal kaya gumaling na ako at saka timing din dahil malapit na ang grand finals ng Danz Showdown. Wake-up call na rin siguro ito sa akin na mas alagaan ang katawan ko at huwag magpagod nang todo."

Meron bang special someone na bumisita sa kanya?

"Wala naman," sagot ng dancer-actress.

"Ang special doon ay yung mga mahal ko sa buhay na laging nasa tabi ko. Siyempre yung pamilya ko at saka yung mga SexBomb dancers, lalo na si Ate Joy [Cancio, Sexbomb Dancers' manager].

"Yun ang masaya doon."

SEARCH FOR THE NEW SEXBOMB MEMBER. Noong Huwebes nga ay nag-taping sina Rochelle para sa pagharap ng pitong finalists ng Danz Showdown sa mga press people sa isang mala-presscon episode ng show, kung saan isa-isang sumasagot ang finalists sa tanong ng mga press.

Isa kina Jane Albarracin ng Davao, Emeliza Diesta ng Bulacan, Yui Gutierrez ng Rizal, Julie Ann Septimo ng Cavite, Dona Veliganio ng Cebu, Trizia Ramis ng Manila at Jean Roxas ng Bataan ang tatanghaling Darling of the Press in a special episode.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanga raw si Rochelle sa mga finalists na matapang na sinagot ang tanong ng mga press.

"Ang gagaling sumagot!" bulalas niya.

"Meron pang parang sa beauty pageant kung sumagot, di ba? Na-amaze ako.

"Kung ako man yun nasa gitna, matatakot din ako sa tindi ng mga tanong n'yo. Nakakatakot ang mga tanong n'yo, napakaseryoso."

Ngayong nalalapit na ang Grand Finals ng Danz Showdown sa October 1, excited na si Rochelle sa pinakabagong member na madadagdag sa SexBomb.

"Siyempre, masaya ako na madadagdagan na naman kami.

"Kasi, hindi naman lingid sa kaalaman natin na nabawasan kami ng maraming SexBomb nitong 2009 at 2010.

"Dapat lang na mag-discover kami ng bagong member ng grupo."

Wala ba siyang insecurity na nararamdaman dahil sa pagpasok ng bagong member?

"Totally wala. Sa dami na ng pinagdaanan ng SexBomb, never akong na-insecure.

"Tulungan kasi sa amin, e. Para na kaming magkakapatid.

"Ganun talaga, may umaalis, pero may bagong dumarating.

"At saka siguro naman may napatunayan na rin ako dito sa industriya kaya walang dahilan para ma-insecure ako."

Ano ang susunod sa SexBomb after nitong Danz Showdown?

"As of now, siyempre patuloy pa rin kaming sasayaw. Wala pa kaming napapag-uusapan pagkatapos nitong Danz Showdown."

Wala ba silang balak ibalik ang Daisy Siyete na matagal ding namayagpag sa telebisyon?

"Hindi ko pa alam, e," sabi ni Rochelle. "Si Ate Joy ang magdedesisyon tungkol diyan.

"Si Ate Joy naman, maraming naiisip para sa SexBomb, e.

"Nung una nga, hindi namin naisip na magkakaroon kami ng Danz Showdown. Kaya for sure may plano si Ate Joy para sa amin."

Sa ngayon, nakatutok sina Rochelle sa papalapit na Grand Finals ng Danz Showdown, kung saan ang tatanghaling dance champion ay opisyal nang magiging miyembro ng SexBomb.

Mag-uuwi pa ang winner ng P500,000 contract, products, at cash, kasama na rin ang isang Honda motorcycle at four-year course scholarship mula sa STI College.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Produced by Focus Entertainment ni Joy Cancio, ang Danz Showdown ay napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 10:30am, sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN