Elmo Magalona defends sister Maxene on "overprotective issue"

"Kung pinagtatanggol man ako ni Ate, siguro natural lang yun kasi kapatid niya ako, di ba?" says Elmo Magalona about his sister Maxene who's said to be "overly protective" of him.


Ginagampanan ni Elmo Magalona ang role ni Artie sa Bantatay, ang bagong primetime series ng GMA-7 na magsisimula na sa Lunes, September 20.

Isa siyang tagapag-alaga ng mga hayop sa pet shop na pinagtatrabahuhan ni Joanna, played by Jennica Garcia.

Karamihan daw sa mga makakatrabaho niya sa show ay first time niya pa lang makakasama kaya sabi niya ay hindi pa siya ganun kakomportable sa mga ito.

"Hindi pa po ako ganun kakomportable sa cast kasi hindi pa po kami masyadong nagkakasama.

"Ako po, hindi pa ako nagte-taping kasi sa second week pa yata lalabas ang character ko.

"Pero sigurado naman po na makakasundo ko sila kapag nakapag-bonding na rin po kami sa set," sabi ni Elmo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Bantatay noong September 14.

Nakaka-relate daw siya sa role niya sa Bantatay dahil sa totoong buhay ay nag-aalaga ang family nila ng mga aso.

"Noong buhay pa po si Papa [Francis Magalona], marami po kaming pets," banggit ni Elmo.

"Mahilig kasi siya sa dogs. Ako, mahilig din.

"Dati, ang pinakamarami naming pets sa bahay ay umabot ng pito. Puro aso po yun.

"Ngayon, tatlo na lang kasi yung iba ipinamigay po at meron ding namatay. Yung tatlong aso po ay isang Shih Tzu, isang whippet, at isang poodle."

May payo rin si Elmo sa mga taong gustong mag-alaga ng aso.

"Pag may pet po kayo, dapat i-treat n'yo siya na parang kapatid o kaibigan o anak. Kasi kailangan bigyan mo siya ng atensyon at tamang pag-aalaga.

"Kasi katulad sa tao, pag hindi mo binigyan ng atensyon, nag-iiba ang ugali. Ganun din sa aso.

"Kaya kailangan parang sa tao rin yung pag-aalaga sa mga pets."

FAMILY ISSUES. Sa tagumpay na tinatamasa ni Elmo ngayon, malaking bahagi raw nito ang kanyang pamilya na todo ang suporta sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre kaming family, close kami to each other talaga. Yun talaga yung pinaka-moral support namin, kaming family.

"Siyempre, marami rin naman kaming followers na hinahangaan yung mga ginagawa namin, kaya sobra naming naa-appreciate yun."

Ano ang masasabi niya sa balitang nagiging overprotective daw ang Ate Maxene Magalona niya, lalo na sa pagsagot sa mga umiintriga sa kanya?

"Hindi naman po overprotective si Ate," paglilinaw ni Elmo.

"Para sa akin nga, okay lang, kasi siya yung mas magaling sa pagsagot sa mga tanong sa mga interviews kasi hindi pa talaga ako sanay.

"Minsan pinapayuhan niya ako.

"Kung pinagtatanggol man ako ni Ate, siguro natural lang yun kasi kapatid niya ako, di ba?"

Maski raw ang kanyang Mommy Pia, na sinasabihang stage mother kay Maxene noon, ay hindi rin daw siya sobrang hinihigpitan.

"Si Mommy, hindi naman siya mahigpit sa akin.

"Hindi naman niya ako talaga binabantayan sa tapings.

"Si Ate kasi noong 16 pa lang siya, sinasamahan siya ni Mommy.

"Pero ako ngayon, wala pong sumasama sa akin, driver lang.

"Pag kailangan lang po, nandiyan si Mommy."

Ine-enjoy niya ba ang independence na ibinibigay sa kanya ng Mommy niya?

"Opo, siyempre ito rin yung stage na kailangan ako mag-mature.

"What more, lalaki pa ako.

"So, kailangan din ng independence sa buhay.

"Good training din ito para sa akin.

"Si Mama naman will always be there to guide me."

Wini-wish niya rin ba na makatrabaho sa isang project ang Ate Maxene niya?

"Oo, siyempre," sagot ni Elmo.

"Sigurado po ako na masaya yun.

"At least, kumportable na ako na makasama siya kaya mas magaan sa loob.

"At saka maga-guide niya rin ako since nauna siyang mag-artista sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN