Gary Estrada is excited about newfound political career

When Gary Estrada posted the photo above on his Facebook account, he received many reactions. He told PEP, "Grabe, ang dami kong nakuhang comments sa photo ko na iyon. May nag-comment na baka nagte-taping lang ako. Meron naman na nag-comment na baka shooting lang iyon ng pelikula. Iba-iba at nakakatawa."


Pagkatapos ng tatlong beses na pagkabigo sa pagpasok sa pulitika, nailuklok si Gary Estrada sa posisyong board member ng second district ng Quezon Province nitong nakaraang May 2010 elections.

Masayang ibinalita ni Gary ang sunud-sunod niyang mga proyektong gagawin, pati na rin ang maraming imbitasyon sa kanya para magbigay ng inspirational talk sa mga schools at ilang establishments sa naturang probinsiya.

"Ganito pala talaga. Hindi ko inaasahan that I would be this busy, this time as a politician," ang bungad ni Gary.

"Nakakatuwang isipin na maraming tao ang lumalapit sa iyo dahil sa kanilang mga problema. I do my best naman to solve a few problems.

"Pero kung medyo malaki na, meron naman kaming board para mapag-usapan 'yan at gawan ng solusyon. May proper venue para sa lahat."

Ibang-iba ang mundo ngayon ni Gary. Kung dati ay script o ang pagganap sa role ang kanyang inaatupag, ngayon, ang mga concerns nito ay tungkol sa ekonomiya at mga batas.

Ang mahaba niyang kuwento, "Many of my friends, natatawa sila sa akin. Akala nila hindi ako seryoso sa mga sinasabi ko.

"Hindi kasi sila nasanay na ganito ako magsalita, especially about the situation of our country.

"Sinasabi nila, 'Gorio, huwag ka ngang magpatawa! Hindi kami sanay!' Kaya nagtatawanan na lang kami.

"Sa Facebook ko nga, may mga pictures ako doon na nasa meeting kami at nasa podium ako.

"Ako kasi nag-represent sa vice governor namin na hindi nakarating, kaya ako ang nagsalita on his behalf.

"Grabe, ang dami kong nakuhang comments sa photo ko na iyon. May nag-comment na baka nagte-taping lang ako.

"Meron naman nag-comment na baka shooting lang iyon ng pelikula. Iba-iba at nakakatawa.

"Kahit ako, natatawa ako sa nangyayari. Para ngang eksena lang sa movie ang lahat. Pero ito na iyon, eh. Totoong nangyayari na ito."

A TRUE-BLUE EJERCITO. Ang pagkakapasok niya sa pulitika ay malaking bagay para sa anak ng yumaong character actor na si George Estregan Jr., kapatid ni Joseph Estrada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natutuwa si Gary na matapos magkaroon ng pangalan bilang isang aktor at kinilalang mabait na asawa at ama sa anak nila ni Bernadette Allyson, nabigyan siya ng pagkakataong maging isang pulitiko.

Aniya, "Even before, there were questions tungkol sa pagiging Ejercito ko.

"May mga masasakit na mga sinasabi sila at natural lang na ang masaktan ay ang pamilya ko.

"Pero may mga napapatunayan naman ako sa ibang paraan."

At pagbubutihin daw niya ang kanyang newfound calling.

Ang sabi ni Gary, "Kaya hindi ako tumitigil until I've reached my goals sa buhay.

"May listahan tayo, e. Kapag may natutupad, lalagyan natin ng check.

"Ano na ba ang mga natupad sa mga goals ko?

"Nagkaroon ako ng magandang career sa showbiz, nagkaroon ako ng pamilya, nagkaroon ako ng negosyo, nakatapos ako ng pag-aaral, nagkaroon ako ng acting award, nakapag-travel ako sa kung saan-saan.

"Mahaba ang listahan pero unti-unting nalalagyan ng check ang mga iyon.

"Kaya nang suwertihin tayo sa pagiging board member, talagang naiyak ako sa tuwa kasi yan ang isang bagay na matagal ko nang gustong lagyan ng check sa listahan ko.

"Kaya kung anuman ang ipakita kong pagtrabaho sa bagong career ko, buong puso ko ay nandiyan.

"Makakaasa sila sa maayos na serbisyong pampubliko na ibibigay ko."

SHOWBIZ PROJECT. Pero hindi pa rin iiwan ni Gary ang pag-arte. Sa katunayan, kasama siya sa cast ng bagong GMA primetime series na Bantatay.

Kontrabida ang role niya rito bilang si Simon.

Siya ang magiging dahilan kung bakit magkakaroon ng kaguluhan sa tahimik na buhay nina Bernard (Raymart Santiago) at Marcella (Gelli de Belen).

"Okey lang naman na magkontrabida ako kasi medyo comedy naman itong Bantatay.

"The last series na ginawa ko for GMA-7 was Rosalinda. Mabait ang role ko roon, 'di ba?

"Kaya magiging salbahe naman ako this time.

"Para ngang nag-reunion kami nila Raymart at Kier [Legaspi] dito sa Bantatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkakasama kami before sa mga movies ng Viva Films. Ngayon may kanya-kanya na kaming mga pamilya," ang nakangiting sabi ni Gary.

Hindi naman daw magiging cause of conflict ang taping schedule ni Gary sa kanyang mga duties bilang board member.

"Nagbigay naman ako ng schedules sa kanila kung kelan ako magiging busy sa Quezon at okay naman ang lahat. Nagagawan naman ng paraan iyon.

"Kahit na nasa political field na tayo, I still want to be in touch with showbiz kasi dito naman tayo unang nakilala."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN