Bea Binene says she's too young to talk about love

Bea Binene on her rumored sweetness towards screen partner Jhake Vargas: "Doon naman po sa Party Pilipinas, nagkakasama lang kami sa production number. Totoo po na nagkukuwentuhan kami pero hindi yung kaming dalawa lang. Kasama din yung iba pa naming kaibigan, like Joshua [Dionisio] at Barbie [Forteza].

"Tapos sa Ilumina po, lagi kaming magkasama kasi lagi kami ang magka-eksena. Wala po talagang ligawang nagagan


Ayaw na lang daw pansinin ng young star na si Bea Binene ang mga usap-usapang nag-uugnay sa kanila ni Jhake Vargas, ang kanyang katambal sa GMA-7 primetime series na Ilumina.


Kuwento ni Bea sa PEP (Phililppine Entertainment Portal) habang nagpi-pictorial ang Tween Stars para sa Love Bug, sa third floor ng new building ng GMA Network noong September 18, ay magkaibigan lang sila ni Jhake at wala pa sa isip niya ang magpaligaw dahil 13 years old pa lang siya.

Ang bungad niya, "Naku hindi po totoo yun. Magkaibigan lang po kami ni Jhake. Close lang po kami kasi ilang shows na rin po yung pinagsasamahan namin. From Dear Diary, kasama yung ibang mga kaibigan pa namin na sina Joshua [Dionisio] at Barbie [Forteza], 'tapos sa First Time, Ilumina, at ngayon nga, sa Love Bug. "

Bakit may mga nagsasabing sweet na sweet daw sila at madalas makitang magkasama sa set ng Ilumina at kahit pa sa studio ng Party Pilipinas?

Napangiti ito sabay bigay ng mahabang paliwanag, "Ganun lang po talaga si Jhake, sweet sa mga babaeng nakakasama niya. Hindi lang naman sa akin sweet si Jhake, maging sa ibang co-star namin dati sa First Time, sweet din si Jhake. Tahimik nga po yun, e.

"Gentleman lang kasi talaga siya. Pero hindi po totoo na lagi kaming magkasama't hindi naghihiwalay. Bale nagkakasama lang kami kapag may guesting kami na sabay o kaya sa Party Pilipinas kasi regular kami doon.

"Pero sa mga lakaran, hindi kami halos nagkakasama. Kasi bihira ako gumimik at si Jhake naman, taga-Olongapo, kaya malabo talaga yung sinasabi nilang lagi kaming magkasama."

"PURELY FRIENDSHIP." Magbabarkada lang daw sila kasama sina Barbie at Joshua.

"Basta ang totoo po ay purely friendship lang talaga yung pinagsasamahan namin ni Jhake at wala ng mas lalagpas pa do'n. Sobrang close, sobrang saya talaga naming magkakasama," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagliliwanag ang mukha niya sa tuwing binabanggit ang pangalan ng mga fellow Tween Stars.

Sabi ng StarStruck Kids graduate, "Ang maganda po kasi sa amin, hindi namin iniisip yung kumpetisyon ng bawat love team.

"Dedma lang po kami doon. Basta sa amin magkakaibigan kami, yun ang mahalaga. 'Tsaka sa mga shows naman kasi, kami-kami pa rin ang magkakasama. Kaya habang tumatagal, mas lalo kaming nagiging super close sa isa't-isa."

Wala raw kumpetisyon at ini-enjoy lang nila ang kanilang mga trabaho.

Pahayag pa ni Bea, "Hindi po namin iniisip na hihigitan o tatapatan sina Joshua, Barbie at Kristoffer [Martin], Lexi [Fernandez], Louise [delos Reyes], at Derick [Monasterio], dahil magkakaibigan kami. Basta sa amin kasi ni Jhake, masaya na pag may trabaho.

"Ayaw naman po naming mag away-away dahil lang sa kailangan higitan o kailangan mas sumikat kami kaysa sa kanila dahil magkakaibigan kami.

Pero sino kaya sa kanila ang sisikat nang todo-todo?

Sagot niya, "Wala naman po sa amin ang paghusga kung hindi sa mga taong manonood at susuporta sa aming lahat. Basta sa akin po, trabaho lang talaga at wala sa isip ko ang makipag kompitensiya sa kahi't kanino lalo na sa mga kaibigan ko. "

CAREER FIRST. Sa mura niyang edad, masyado nang driven itong si Bea as far as her career is concerned. Kaya kahit pa paulit-ulit silang tuksuhin ni Jhake, career muna ang pagtutuunan nila ng pansin.

Dugtong niya, "Basta sa amin ni Jhake, priority namin ang career dahil gusto talaga naming mag-artista. 'Tsaka na lovelife. Masyadong bata pa kami, wala talaga po kaming time na pag-usapan ang love life."

Pero kapag nanligaw ba sa kanya si Jhake may pag-asa ito?

"Naku po, bata pa talaga ako. Ayaw ko po munang magpaligaw. Trabaho at pag- aaral muna, friendship lang po talaga ang puwede kong ibigay sa kanya.

"At alam niya yun dahil kahit siya... sinasabi niyang career muna ang concentration niya ngayon para sa kanyang future at para sa kanyang pamilya. Kami kasi ni Jhake, marami pa po kaming gustong maabot na pangarap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pareho pa lang kaming nagsisimula at marami pa kaming dapat gawin kaya priority talaga namin yung career namin. Minsan lang naman po kasi yung ganitong klaseng oportunidad na ibibigay sa amin ng GMA-7, kaya kailangan naming magtrabaho nang maayos bago ang ligaw-ligaw," ang litanya ng young star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN