Carla Abellana says she's not jealous of Geoff Eigenmann's new leading lady, Glaiza de Castro

"Happy ako," beams Carla Abellana about the house she bought recently. "Inuna ko iyon. Totoo iyan, e, dream talaga ng mommy ko 'yan so sabi ko, 'Sige para 'yan sa 'yo!' Kaya iyan ang priority ko."


Hindi raw nagseselos si Carla Abellana kay Glaiza de Castro.

Simula noong pumasok sa showbiz ang anak ni Rey PJ Abellana, ang madalas niyang naging screen partner ay si Geoff Eigenmann.

Ang pinakahuling project ng dalawa ay ang Sine Novela Presents Basahang Ginto, na matatapos na sa linggong ito.

Sa ngayon, si Glaiza ang bagong leading lady ni Geoff sa primetime series na Grazilda.

Ang bungad ni Carla, na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Friday sa 17th floor ng GMA Network Center, "No, not at all! In fact, I just texted her today. I wished her good luck and I said congratulations kasi, napapanood ko, e, iyong pilot week nila."

Maging ang lola raw ni Carla, ang dating aktres na si Ms. Delia Razon, ay humahanga kay Glaiza.

"'Tapos pinapasabi ng lola ko sa kanya na 'Congratulations.' My lola likes Glaiza as an actress, lalo na yung mga mata niya daw, ginagamit niya talaga.

"Magaling si Glaiza. So sinabi ko sa kanya yun na, 'Glaiza, sinabi ng lola ko na congratulations.' Gustung-gusto ka niyang umarte. Ginagamit mo mga mata mo. Yung ganun... [She's] so convincing."

So, malayong magselos ang 24-year-old actress sa bagong kapareha ni Geoff. "Love ko si Glaiza," aniya pa.

MARRYING AGE. Samantala, marami ang nakapuna sa pagkakahawig nila ni Geoff.

Natawa si Carla, "Meron naman nga nagsasabi."

Alam ba niya na ang mga magkakahawig ay sinasabing magkakatuluyan? Panganay lang sa kanya ang binata ni Gina Alajar ng isang taon. Kung tutuusin, puwede na silang magpakasal.

"Pero masyado pa kaming bata," sabad ng dalaga. "Ayoko, ayoko muna. Kasi mahirap sa show business ang mag-asawa nang maaga, e. Kasi mapipilitan ka talagang piliin yung career mo kesa yung family."

Ano ba ang marrying age niya?

Sagot ni Carla, "Sana, by the age of thirty na lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, naniniwala siya na kapag nag-asawa ang isang artista, lumalamya ang career?

"Oo, napapansin ko yun. Although, nasa artista naman yun. Nasa galing niya, husay niya, kung talagang in demand siya. Pero mahirap na kasi, from the part of the artist, kailangan na niya palaging mag-make ng choice between career and family.

"So I think, ang kadalasang nangyayari, pinipili nila, family time more than work kaya hindi na natin sila masyadong nakikita or hindi na sila kasing-sikat as before when they were single, 'di ba? So iyon... Kaya mahirap mag-asawa ng maaga 'pag artista," ang mahaba niyang paliwanag.

HAVING HER OWN HOUSE. Isang major achievement ni Carla ang pagpupundar niya ng sarili niyang bahay at lupa matapos ang halos isang taoon niyang pagtatrabaho.

Malamang ay nakalipat na siya ng bahay nitong September 19.

"Opo, kami ng mommy ko, diyan lang po sa Scout Area."

Ten years to pay ang two-storey, four-bedroom house ni Carla na ini-loan niya sa bangko. Biro niya, "masakit" sa bulsa ang bago niyang investment.

Pero masayang-masaya ito dahil may sarili na siyang bahay matapos ang mahabang panahon na tumira sila sa bahay ng lola niya.

Kuwento niya, "Bigay ko yun sa mommy ko kasi all our lives, we've been living with our lola, so dream ng mommy ko na magkaroon ng sariling bahay."

Hindi nalungkot ang lola niya na iniwan na nila ito?

"Ay naku, she's proud of me, very happy for me. Siya rin daw kasi, at the age of 24, naibili rin niya ng bahay ang mommy niya. Kasi iyon nga, dream talaga ng mommy ko ang magkaroon siya ng sarili niyang bahay."

Hindi naman daw mag-iisa ang lola niya sa bahay.

"May mga kasama pa siya. Yung auntie ko po 'tsaka dalawang cousins ko, marami pa rin silang magkakasama," saad niya.

Sa bagong bahay nila, makakasama ni Carla ang, "Mommy ko 'tapos dalawang kapatid ko at tsaka yung pamangkin ko. Lima kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naisip na ba niyang mag-sarili o maging independent?

"Ayaw," ang mabilis niyang sagot. "Ayokong isipin, 'no. Not in my plans, ayoko, kasi hindi ko nga kayang matulog mag-isa, e. Gusto ko, palaging may katabi.

"Ang palagi kong katabi, ang kapatid ko, yung sister ko, yung ate ko. Kung hindi ate ko, yung mommy ko, katabi ko matulog. Hindi ko kayang matulog mag-isa, all the more, tumira mag-isa sa isang bahay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN