Tween star Kristoffer Martin stays with GMA-7, while screen partner Kathryn Bernardo returns to ABS-CBN

"Nakakalungkot po kasi kasisimula pa lang ng love team namin, buwag na kaagad. Nakakapanghinayang kasi maganda naman po yung kinalabasan nung tandem namin at maraming nagsasabing bagay daw kami on and off screen," says Kristoffer Martin about his aborted love team with Kathryn Bernardo.


Masaya na malungkot ang teen star na si Kristoffer Martin sa pagbabalik sa ABS-CBN ng kanyang co-star sa Endless Love na si Kathryn Bernardo.

Sina Kristoffer at Kathryn ang gumanap bilang mga batang Johnny (Dingdong Dantes) at Jenny (Marian Rivera) sa primetime series ng GMA-7 na Endless Love.

Parehong galing sa ABS-CBN at Star Magic ang dalawang teen stars. Pero pagkatapos ng Endless Love ay nanatili si Kristoffer sa GMA-7, samantalang bumalik sa ABS-CBN si Kathryn.

"Nakakalungkot po kasi kasisimula pa lang ng love team namin, buwag na kaagad," sabi ni Kristoffer sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Nakakapanghinayang kasi maganda naman po yung kinalabasan nung tandem namin at maraming nagsasabing bagay daw kami on and off screen.

"Tatlong fans club na nga ang meron kami kahit isang show [Endless Love] pa lang yung pinagsasamahan naming dalawa.

"Kaya kahit nga sila, nalungkot nang malaman nila na hindi na kami magkakapareha ni Kathryn dahil bumalik na siya sa ABS-CBN.

"Pero sabi naman ng mga fans namin, kahit nasaan kami, patuloy pa rin naman daw nila kaming susuportahan."

Nakausap ng PEP si Kristoffer sa pictorial ng upcoming episode ng Lovebug, ang "Tween Hearts," sa third floor ng GMA Network Studios noong Sabado, September 18.

Kasama ni Kristoffer sa cast ng "Tween Hearts" ang kapwa niya Tween Stars ng GMA-7 sa pangunguna nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio.

BACK TO ABS-CBN. Katulad ni Kathryn, may offer din daw si Kristoffer na bumalik sa ABS-CBN. Pero mas pinili nga niyang manatili sa Kapuso network dahil ito ang nagbukas ng pinto para makabalik siya sa telebisyon via Endless Love.

"Actually, dalawa po kaming may offer na bumalik sa ABS-CBN simula nang lumabas kami sa Endless Love," banggit ng 15-year-old actor, na produkto ng singing search ng ABS-CBN na Little Big Superstar, hosted by Sarah Geronimo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-uusap kami ni Kathryn tungkol dun. Pero nung una, pareho kami ng desisyon na dito na lang kami sa GMA-7, kasi maganda nga yung break na ibinigay nila sa amin.

"Pero alam naman namin na ang manager ko at mga parents pa rin namin ang magde-decide kung saan kami pipirma. Kaya kami, waiting lang kung ano ang magiging desisyon nila.

"Sa akin kasi," patuloy ni Kristoffer, "almost one year and a half din akong nabakante sa ABS-CBN. Yun yung tagal na wala akong trabaho.

"Kaya nag-decide na yung parents ko na ilipat ako sa GMA-7, at dun ko nga nakilala yung manager ko."

Dinala raw siya ng manager niya sa GMA-7 para mag-audition bilang batang Johnny sa Endless Love. Nakuha ni Kristoffer ang naturang role kaya nakabalik siya sa telebisyon.

"Kaya nga sabi ng parents ko sa akin, 'Hangga't binibigyan tayo ng projects ng GMA-7, mananatili tayo sa GMA-7,' bilang pasasalamat na rin sa pagkakataong ibinigay nila sa akin.

"Tapos, dumaan po ang mga araw at buwan, hanggang kinausap na ako, pati parents at manager ko, at mommy ni Kathryn, ni Ma'am Annette Gozon [Abrogar, GMA Films president].

"Sinabi niya sa amin ang magagandang plano ng GMA-7 sa love team namin, at pinakinggan din ni Ma'am Annette yung side namin.

"After nung meeting, sa amin, okay na. Pero hindi namin alam sa mommy ni Kathryn.

"Yun nga, after a few weeks, nalaman namin na bumalik na si Kathryn sa ABS-CBN at naiwan ako sa GMA-7.

"Tinawagan pa nga ng secretary ni Ma'am Annette yung manager ko at tinanong siya kung lilipat din daw ako sa ABS-CBN dahil bumalik doon si Kathryn.

"Pero sabi ng manager ko, hindi, kasi okay naman daw ang naging usapan nila."

NEW PARTNER. Sa pagbabalik ni Kathryn sa ABS-CBN, binigyan ng bagong partner ng GMA-7 si Kristoffer sa katauhan ng baguhang young actress na si Lexi Fernandez, na anak ng aktres na si Maritoni Fernandez. Napapanood si Lexi sa primetime series na Ilumina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin, okay lang naman kahit sino ang i-partner," sabi ni Kristoffer.

"Kaya lang, feeling ko, parang magsisimula ka na naman. Hindi tulad ng nakapagtrabaho na kayo, sa susunod na proyekto, mas okay na kayo.

"Si Lexi naman, okay din na siya ang ipareha sa akin, kasi maganda at mabait siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN