Carmi Martin has no problem playing mother roles: "Minsan nga natatakot ako, baka one day, kunin na ako bilang lola!"

"I am just thankful na may kumukuha pa sa akin knowing na marami nang mga bagong artista," says Carmi Martin.


Thirty years na sa showbiz ang aktres na si Carmi Martin. Nagpapasalamat siya dahil nabibigyan pa rin siya ng mga magagandang projects sa TV at pelikula.

Ang latest project niya ay ang upcoming primetime series ng GMA-7, ang The Beauty Queen. Pinagbibidahan ito ni Iza Calzado, kasama sina Katrina Halili, Miss Universe 2010 4th runner-up Maria Venus Raj, Bb. Pilipinas-World 2007 Maggie Wilson, at Miss Universe 1969 Gloria Diaz.

Kasalukuyan ding mapapanood si Carmi sa episode ng Lovebug na "Say I Do" kasama sina Mark Anthony Fernandez at Lovi Poe.

MOTHER ROLES. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Carmi sa story conference ng The Beauty Queen last September 15, sinabi niyang never siyang naging choosy sa mga role na ibinibigay sa kanya.

Ilang beses na raw siyang gumanap bilang ina at nagbiro siya na sana ay maging tunay na ina siya sa totoong buhay.

"Siguro kung kada labas ko bilang mother, nagbubuntis ako, e, di sana ang dami ko nang anak!" tawa ng 46-year-old actress.

"Ginagawa ko na lang talagang katatawanan ang magkaroon ng anak. Ano pa nga ba ang magagawa ko, di ba, kung hindi pa tayo nabibiyayaan ni Lord? Kaya siguro hanggang sa showbiz na lang ako kunwaring isang ina."

Single pa sa totoong buhay si Carmi.

Hindi raw big deal sa kanya ang gumanap sa mother roles. Sa tinagal-tagal na raw niya sa industriya, wala na siyang kinaiinsekyuran.

"Naku, tatlong dekada na ako sa showbiz, ano pa ba ang pangamba ko? I am just thankful na may kumukuha pa sa akin knowing na marami nang mga bagong artista.

"Hindi big deal sa akin ang mother roles kasi nga, may mga mas bata pa sa akin na gumaganap na rin na mga nanay.

"Minsan nga natatakot ako, baka one day, kunin na ako bilang lola! Dyusko naman, huwag naman muna!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa naman ako pang-lola, di ba? Nanay na lang muna tayo!" tawa niya.

THE BIRTH OF CARMI MARTIN. Nagsimula sa showbiz si Carmi Martin noong 1980 sa pelikulang Dolphy's Angels, kunsaan nakasama niya ang Comedy King at ang mga baguhan din noon na sina Anna Marie Gutierrez, Liz Alindogan, at Yehlen Catral.

Simula noon ay nalinya na si Carmi sa comedy films, tulad ng The Quick Brown Fox, Mahinhin Vs Mahinhin, Stariray, For Your Height Only, Boogie, Mr. One-Two-Three, at Manedyer si Kumander.

Hindi nagtagal at nagkaroon ng chance si Carmi na makatrabaho ang mga mahuhusay na direktor ng bansa tulad nina Lino Brocka (Kapit Sa Patalim: Bayan Ko, Cain at Abel, Hot Property, Dalaga si Misis, Binata si Mister), Ishmael Bernal (Working Girls), Mel Chionglo (Bomba Arienda), at Mario O'Hara (Bagong Hari).

"Pinaka-unforgettable sa akin ang makatrabaho si Lino," sambit ni Carmi.

"Lino was not just a director, he was also a very good friend, a mentor, and somebody na mapagsasabihan mo ng mga problema mo.

"Pero pagdating sa trabaho, trabaho talaga. Captain of the ship siya at gusto niyang maayos ang gawin mong trabaho.

"I learned so much from him," pag-alala pa ng aktres sa yumaong direktor.

Hindi rin daw makakalimutan ni Carmi ang pagpapalabas ng Kapit Sa Patalim, na idinirek ni Brocka, sa Cannes Film Festival noong 1985.

Kuwento ni Carmi, "It was my first time to attend an international film festival na kilala sa buong mundo.

"Pinagpistahan ako ng mga photographers doon! Tinanong nila kung ano ang nationality ko. Ipinagmalaki ko na I'm Filipina."

Gumawa rin ng ilang TV shows si Carmi noong '80s hanggang '90s tulad ng Chicks To Chicks, Carmi (her own drama anthology), Working Girls: The TV Series, at Abangan Ang Susunod Na Kabanata.

Naging hit sa marami ang signature role niya na sexy, pero medyo mahina ang utak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging part din si Carmi ng mga TV series na Ikaw Lang Ang Mamahalin, Buttercup, Ikaw Ang Lahat Sa Akin, Komiks: The Adventure of Pedro Penduko, Lastikman, Love To Love, Love Spell, Obra, at Ako Si Kim Samsoon.

STILL SEXY AT 46. Marami ang bilib na sa edad ni Carmi na 46 ay alagang-alaga pa rin niya ang kanyang katawan.

Isang sikreto raw ni Carmi ay ang hindi siya nagpapadala sa stress. Kahit na raw alam niyang pagod siya physically at mentally, gumagawa siya ng ways para maging stress-free siya.

"Madali talagang makatanda ang stress," sabi niya. "Kapag nararamdaman ko na mai-stress ako, I try to focus on other things, yung positive.

"Tulad ng may tatawagan ako na kaibigan ko, magkukuwentuhan kami. Nakakawala ng stress 'yon. Or, lalabas ako para manood ng sine with my friends, o di kaya magsa-shopping kami.

"Basta gumawa ka lang ng mga bagay na magpapasaya sa iyo. Pero siyempre, kailangan din ng katawan natin ang mag-exercise at kumain nang tama.

"Wala naman akong specific na diet. Kahit ano kinakain ko basta ma-burn ko siya through exercise.

"Nagyo-yoga rin ako para mabalanse ako physically and mentally."

INTERIOR DESIGN. Bukod sa showbiz ay business din ni Carmi ang interior design. Nakatapos siya ng interior design course sa PSID (Philippine School for Interior Design) pero nagte-take up pa siya ulit ng ilan pang subjects sa isang kilalang university.

"Kailangan ko rin kasing maging up-to-date sa mga latest designs," aniya.

"At siyempre, iba na ang mga turo ngayon kumpara noon. Kaya I'm just keeping up with what's new at in ngayon sa mga houses, buildings, and even sa landscaping."

Nagpapasalamat si Carmi at may mga kliyente siya. Sinisigurado niyang happy ang mga ito sa kanyang trabaho.

"Kasi nga, bread and butter ko rin itong pag-interior design ko," sabi niya. "Kaya ayokong basta-basta lang ang trabaho ko. I want to see the smiles on their faces pagkatapos ng gawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi lang naman celebrities ang mga kliyente ko. Maraming hindi taga-showbiz. At sila ang mga metikuloso.

"Kasi nga, sa kanila rin ako umaasa ng referrals. Kapag happy sila, mairerekomenda nila ako sa mga friends nila," aniya.

Ayon kay Carmi tuluy-tuloy naman ang work. "Hindi naman ako nawawalan ng kliyente.

"As much as I can, ako ang humaharap sa mga kliyente ko. Ako ang nakikipag-usap.

"Alhough may assistant ako, importante na first-hand ang info on what my client needs. Pati ang pagpili ng furniture at kung anu-anong materials, nandoon ako.

"As much as possible, tutok ako sa kliyente ko kahit na may iba pa akong trabaho. Binabalanse ko ang lahat para walang mag-suffer sa alinmang trabaho ko," saad ni Carmi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN