Sharon Cuneta holds sold-out concerts in Zurich and Monaco

"Super successful ang aming 'meet-and-greet the fans' dinner affair at Swissotel, Zurich [nung September 16]," text ni Tita Fanny Serrano sa PEP. Kasama ni Mega si TF sa Europe. "Umapaw sa dami ng tao, at mga super formal ang mga attire, as in naka-long gown pa 'yung iba!"

Nag-text din si TF tungkol sa September 18 concert nila sa Zurich. "Sigawan na ang audience narinig pa lang ang boses ni Mega singing the first stanza ng 'Kahapon


Matapos makaalis ng bansa noong Miyerkules ng umaga, September 15, patungong Europe, ay nasusundan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang daily activities ni Sharon Cuneta dahil sa mga ipinapadalang text messages ni Fanny Serrano, ang kaibigan at official hairstylist and make-up artist ng Megastar.

Nasa Zurich, Switzerland ngayon si Sharon at nag-perform noong Sabado ng gabi, September 18, sa Schutzenhaus, Albisgutli.

SHARON IN ZURICH, SWITZERLAND. Umaga pa lang nung Miyerkules, September 15, ay nagpadala na ng text message si Tita Fanny, o si TF, sa PEP. Nakadetalye ang pag-alis nila ni Sharon for the latter's European Concert Tour.

September 15 to 22 ang petsa ng pamamalagi ng dalawa sa Europe, pero dalawang magkasunod na araw (September 18 and 19) lang ang para sa shows: isa sa Zurich (Switzerland) at isa sa Monte Carlo (Monaco).

TF's message reads:

"We boarded KLM flight #804 departure time from Manila at 10:45 a.m., September 15, Wednesday. Stopover in Amsterdam (Netherlands), September 15, 5:20 p.m. Two hours muna kami gala rito sa airport, then to Zurich, via KLM#1969 at 7:45 p.m. Grabe sa haba ang flight, almost 15 hours!"

Dumating sa Zurich, Switzerland sina TF at Sharon noong Huwebes, September 16, at 5:30 a.m., Manila time. Doo'y gabi (10:35 p.m.) ng September 15.

Kuwento ni TF, "Ang body clock namin siyempre ay paggising na dapat, pero patulog na naman kami dito. Ano ba 'yan? Super ginaw dito sa Zurich at umaambon-ambon pa, 'kaloka! At ang hotel namin ay malapit pa sa lake! Brrrrhh! Ang ginaw!

"Nag-late dinner na lang kami dito sa hotel... kasi maaga mag-close ang restaurants here. Bukas daw ng gabi (September 17 dito) ang aming meet-and-greet with the Mega fans!"

As TF and Sharon arrived at the Zurich airport "sumalubong sa amin ang mga producers namin, kahit gabi na kami dito sa Zurich. We're staying at Swissotel," ayon din kay Fanny.

"We had our lunch today. Thursday (September 16) pa lang dito, at a Thai restaurant, then, later on, sa dinner, para sa meet-and-greet the fans at the same hotel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No Talk Day si Sharon bukas, Friday, so I will have time to make pasyal dito sa downtown. Am alone here in my room now..."

WITH "BFF" AI-AI DELAS ALAS. Saka lang nabanggit ni Tita Fanny na kasama sa entourage ang comedienne na si Ai-Ai delas Alas nang mapag-isa na siya sa hotel room.

Magkasamang nag-shopping daw doon sina Sharon at ang "BFF" o "best friend forever" na si Ai-Ai (true to the title of the comedy film na ginawa nila last year).

"Praise God at nawala na yung pain sa right foot ko, but I still followed my bonesetter, Ferdie's advice not to do the airport walk kasi baka magtagal ang pamamaga pag ipilit kong ilakad," sabi rin ni TF sa text.

"So, naka-wheel chair na nga ang lola mo at super nakaka-touch naman ang pag-aalay sa akin ng mga kasama ko sa trip, and even my kumareng Sharon ay nagbibitbit ng aking handcarry. At laging bukambibig niya ay, 'O, si TF, alalayan n'yo!' at lagi akong alaga sa texting, na hinahanap ako sa oras ng aming kain.

"Medyo mabagal siyempre ang kilos ko kaya madalas na akong late for eating. Super enjoy kami lahat, especially pag nagdikit na kami ni Sharon at ang BFF niyang si Ai Ai.

"Sumasakit ang mga panga at tiyan namin sa katatawa. Parang nasa comedy bar talaga ang mga nakikinig sa amin sa katatawa! 'Kakaloka talaga!" masayang kuwento ng hairstylist and make-up artist ni Sharon.

MEET-AND-GREET THE MEGASTAR. "Super successful ang aming meet-and-greet the fans dinner affair last night (September 16) here at Swissotel, Zurich," sabi rin ni TF. "Umapaw sa dami ng tao, at mga super formal ang mga attire, as in naka-long gown pa 'yung iba!

"Nakakatuwa talaga ang mga Pinoy dito sa Zurich. Ramdam na ramdam namin ang excitement nila na makita, makasabay kumain, at makausap at makipag-kodakan sa kanila si Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron pa nga na naiiyak sa tuwa dahil sa hindi nila inaasahan na sweetness at pagka-game ni Sharon na makihalubilo sa kanila nang mahabang oras.

"Super tuwang-tuwa din naman ang Pinoy producers namin dito na si Chato at ang asawa niyang Swiss na si Hugo Risi.

"Sold out na ang buong show namin dito sa Zurich and Monaco. Praise God!

"Rest day namin today, Friday here in Zurich, then show time tomorrow, September 18, Saturday, so No Talk Day si Mega Sharon in preparation niya for her voice kaya ikot-ikot muna kami sa downtown ni Ai Ai. Saraaap naman talaga ng weather!

"Showtime na kami ni Sharon tonight (September 18), here in Zurich, then takbo na kami ng Monaco for our last leg. On Wednesday, September 22, nandiyan na uli kami sa Pinas. Back to reality! Haaaay, 'onli in the 'Pinas!'"

Habang isinusulat namin ito'y ginaganap ang concert ni Sharon Cuneta, sa Schutzenhaus, Albisgutli venue sa Zurich, Switzerland.

Tita Fanny promised to send PEP updates hinggil sa magiging kaganapan ng Zurich show at ng susunod na gagawing concert ni Sharon, sa Monte Carlo, Monaco (France). Ang venue ay ang Rainier III Auditorium.

Kasabay ng pagku-concert ni Sharon sa Schutzenhaus, Albisgutli (venue ng concert) sa Zurich, Switzerland, ay ang pag-iimpake na rin nila ni Fanny upang mag-check out sa Swissotel, at 2 p.m., that Saturday, September 18. Sa gabi ang nakatakdang show ni Sharon sa nasabing venue.

Patuloy na kuwento ni TF: "Maaga ako dito sa venue ng Schutzenhaus, Albisgutli, kasabay ko na si Sandra Chavez (talent manager) and her staff for the preparation of the stage.

"Louie Ocampo (composer/arranger) came na rin with us to check on his piano. Naiwan pa si Sharon sa hotel kasama ang mga nakaalalay sa kanyang Tres Marias, na sina Penny, Peachy, and Ana, plus Nelson, the bodyguard. Expected siya dito sa venue ng 3 p.m., for sound check and rehearsals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Super ganda ng venue! It's an old 1850s castle on top of a hill dito sa Zurich na ginawa nang venue for entertainment."

Intimate evening of classic songs ang Sharon concert sa Zurich at Monaco. Mga all-time favorites ang repertoire ni Sharon, with Louie Ocampo on the piano, at walang back-up singers, ayon din sa kuwento ni Fanny.

Si Ai-Ai, pang-kiliti daw sa audience, for a change. Ang magsisilbing front act ay ay Atomic Angels.

SUCCESSFUL ZURICH SHOW. Nag-text uli si Fanny Serrano sa PEP noong September 19, at 7 a.m., para magbalita ng mga unang kaganapan sa katatapos na Zurich show ni Sharon.

"Super successful ang Zurich show namin!" masayang balita ni TF. "Grabe sa ganda at sa reaction ng audience kina Sharon at Ai Ai, kasi first time lang nilang dalawa dun!"

That morning ay bumibiyahe na rin ang grupo nila papuntang Monaco. Sa Monte Carlo nakatakdang mag-perform ang Megastar the following evening, September 19.

"We're on our way now to Monaco," ani TF. "We just left Zurich at 1:30 a.m. and will reach Monaco after seven hours! Sleep na kami ni Mega, para may lakas bukas, sa next show."

SHARON'S REPERTOIRE. Sa unang gabi ng performance ni Sharon sa Zurich, ayon din kay Tita Fanny, ay mga well-loved hit songs of the '80s ng Megastar ang ipinarinig niya sa mga fans na pumuno ng venue.

"Opening number ang 'Kahapon Lamang' na super sigawan ang audience, narinig pa lang ang boses ni Mega singing the first stanza, behind the curtain. At nang lumabas siya ay grabeng sigawan na uli, na halos hindi mo na marinig ang buong kanta!

"Halos lahat 'ata ng tao ay may dalang camera dahil naglagablab ang buong venue sa flash ng mga camera lights!

"Next ay ang 'Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko,' na sinabayan na ng pagkanta ng halos lahat sa buong venue. Then, ang favorite na 'Teens Medley', mga early songs ni Sharon nuong teenager pa lang siya, kasama na ang classic na 'Mr DJ,' na binigyan nila ni Louie Ocampo ng modern touch."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang iba pang songs na nakabilang sa repertoire ni Sharon sa Zurich show ay ang "Kahit Konting Pagtingin (theme song ng 1990 movie nina Sharon at Fernando Poe, Jr.)," medley ng hit songs ni Barry Manilow, "Hagkan," at "To Love Again(theme song ng pelikula nina Sharon at Miguel Rodriguez)."

This was followed by the Louie Ocampo medley, then "Maging Sino Ka Man," "Pangarap Na Bituin," "Bituing Walang Ningning," at sa finale, ang "Sana'y Wala Nang Wakas."

SHARON AND AI-AI. First time nagsama sa isang concert tour abroad ang mag-BFFna sina Sharon at Ai-Ai kaya gano'n na rin lang ang kasiyahan ng mga Pinoy fans na dumating para panoorin ang show nila.

Kuwento ni Fanny, "Riot ang duet nilang dalawa ng mga hit songs ng ating jukebox queens, classic medley na sinasabayan din naman ng audience gaya ng 'Tukso(pinasikat ni Eva Eugenio),' 'Isang Linggong Pag-Ibig (ni Imelda Papin).'

"At nag-spot number din naman si Ai-Ai ng isang matinding Aegis Medley (tulad ng 'Luha,' 'Basang-Basa Sa Ulan,' 'Sinta,' atbp.), magaling ang kanyang version, in fairness!

"At siyempre, ang hinihintay ng lahat, ang bonggang-bonggang pakikipag-balahura ni Ai-Ai sa kanila at idinamay pa ang mga asawa nilang mga Swisso!"

Sumakit daw ang panga ni Tita Fanny sa katatawa din kay Ai-Ai, na isa sa mga highlights ng show na 'yon.

Of course, the show belonged to Megastar Sharon Cuneta at muli, pinatunayan nito ang kasikatan sa mga Pilipinong nasa panig na iyon ng mundo.

"Sa totoo lang, ayaw pakawalan ng mga tao si Sharon after her songs. Si Sharon lang kasi ang nag-iisang performer na nakasama ko, na walang memorized spiels.

"Galing talaga sa puso niya ang pakikipag-usap sa mga tao kaya nga feel na feel din siya ng mga yun, na mga lumuluhang nakangiti sa panonood!" kuwento pa ni Fanny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN