Brazilian-Japanese hunk Akihiro Sato is already taken

"She's not artista, she's a normal person. I just like her to have a normal life. Gusto ko separate ang work and personal life," says Akihiro Sato about his non-showbiz girlfriend.


Siguradong maraming kababaihan ang malulungkot kapag nalaman nilang "taken" na ang Brazilian-Japanese model-actor na si Akihiro Sato. Isa ring Brazilian-Japanese ang girlfriend ngayon ni Akihiro na nagngangalang Anaue Santos.

Nandito ngayon sa Pilipinas si Anaue, pero hindi raw ipinapakita ni Akihiro sa publiko ang kanyang kasintahan dahil nais niyang ihiwalay ang kanyang personal na buhay sa kanyang showbiz career.

"I want to protect my personal life," sabi ni Akihiro nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa feeding program na nilahukan niya sa Tomas Morato Elementary sa Quezon City kahapon, September 20.

Paliwanag pa niya, "She's not artista, she's a normal person. I just like her to have a normal life. Gusto ko separate ang work and personal life."

At tulad din daw si Akihiro ng kahit na sinong normal na tao na marunong umibig.

"Of course, I have my heart, I like someone beside me and share my love," sabi ng 24-year-old model-TV personality.

LIVING TOGETHER. Walong buwan na raw silang magkasintahan ni Anaue. Dati silang magkarelasyon, pero naging close ulit sila sa pinaka-recent na pagbabakasyon ni Akihiro sa Brazil.

"The last time I went to Brazil, I saw her again. We met again, and we fell in love again."

Hindi artista at hindi rin modelo si Anaue.

"We know each other since bata. We grew up together in Brazil and after 15 years, we met again in Brazil."

Inamin ni Akihiro na magkasama sila ngayon ni Anaue sa iisang tirahan.

"She is living with me right now."

Noon pang February 2010 naririto sa Pilipinas si Anaue.

Habang nasa isla ng Ranong sa Thailand si Akihiro para sa Survivor Philippines Celebrity Showdown, isa si Anaue sa mga na-miss ni Akihiro nang husto.

"Oo, sobra!" sambit niya.

Inalagaan din daw ni Anaue si Akihiro habang nagpapagaling sa pagkakaroon ng infection mula sa mga kagat ng lamok sa Ranong Island.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman!" natatawang sabi ni Akihiro.

Ayon kay Akihiro, hindi magso-showbiz ang girlfriend niya. Mas gusto raw nito ng normal na buhay. Pero kung sakaling gugustuhin nito na mag-artista, susuportahan ito ni Akihiro.

"But I think she really has no interest in joining showbiz," sabi niya.

WEDDING PLANS. May plano na ba silang magpakasal this year?

"Wala pa, wala pa!" natatawang sagot ni Akihiro.

Pero may plano ba silang magpakasal?

"Oo, siyempre naman. Gusto ko mag-plan sa future. Yung to have kids, build a family."

This year?

"Hindi ko alam!" tawa niya ulit.

"Siguro next year. You have to be prepared, so gusto ko focus muna my career ngayon."

Sa tanong kung paano na ang mga babaeng nagpapantasya at nagkakagusto sa kanya, sinabi ni Akihiro na okay lang daw dahil hindi pa naman raw siya kasal.

Pero "faithful" daw siya sa kanyang girlfriend.

Todo rin daw ang suporta ni Anaue sa kanya kaya nagawa nitong pumunta sa Pilipinas kahit malayo sa pamilya na nasa Brazil.

Mananatili si Anaue sa Pilipinas hanggang naririto si Akihiro, probably hanggang ikasal na sila.

"Yeah, that is our plan. But we just... dahan-dahan, di ba? Step by step. So we build our relationship and our future."

Okay lang ba sa girlfriend ni Akihiro na mag-stay sa Pilipinas?

"Oo naman. She loves the Philippines.

"She got really surprised because she hasn't been to Asia before, and now she's here in the Philippines. So she appreciates and she discovers a new home, a second home for her also to live in."

ON DANIEL & HEART. Gaya ni Akihiro, in love din ngayon ang kaibigan niya at kapwa niyang Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga. Si Daniel ang bagong boyfriend ng sikat na young actress na si Heart Evangelista.

Masaya raw si Akihiro para kay Daniel.

"Oo naman, sobra!" bulalas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi siyempre naman, Daniel is a very good friend of mine and Heart, sobrang maganda, sobrang mabait.

"Magandang couple sila. Si Heart at si Daniel, bagay sila."

Sino kaya ang unang ikakasal sa kanila ni Daniel?

"Hindi ko alam. I hope both of us one day can get married and have a family," nakangiting sabi ni Akihiro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN