Bea Binene's role in Tween Hearts a far cry from her First Time character

Bea Binene describes her Tween Hearts character Belinda as tough, unlike her kikay character Natalie in First Time. "Sa tunay na buhay, mas malapit ako kay Belinda dahil pareho kaming nagma-martial arts."


Ilang araw matapos silang ipakilala bilang mga bagong grupo ng teen stars ng GMA-7 na tinaguriang "Kapuso Tween Stars," heto't may proyekto na sila sa kanilang home network.

Bida sa Reel Love Presents Tween Hearts, sina Barbie Forteza, Joshua Domingo, Bea Binene, at Jhake Vargas. Kasama sina Joyce Ching, Kristoffer Martin, Lexi Fernandez, Louise delos Reyes, at Derek Monasterio.

Pinakabata sa cast ang 12-year-old na si Bea Binene. Pero sa kabila ng edad niyang ito, siya ang ginawang older sister o ate sa kanilang dalawa ni Barbie na gumaganap na kapatid niya. Nag-turn 13 lang ni Barbie nung July 31. Okay lang ba kay Bea na ginawa siyang ate ni Barbie?

"Okay lang po," mabilis na sagot ng young star nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago magsimula ang presscon ng Reel Love Presents Tween Hearts sa 17th floor function room ng GMA Network Center nung September 20.

At kung sa First Time ay magkalaban sila ni Barbie, dito ay magkapatid na silang dalawa. Pero rebelasyon ni Bea, meron pa rin silang kumprontasyon ni Barbie.

"Ako po dito si Belinda, older sister ni Barbie. Magkahiwalay po kaming lumaki ni Barbie. Ako po lumaki sa mom, si Barbie dun naman sa dad.

"Nung nagkasama kami, dahil sa sobrang atensiyon na ibinibigay sa kanya ng mom ko, magseselos ako kay Barbie.

"Naka-shoot na po kami ng isang eksena ng confrontation namin. Pero hindi naman po sobrang grabe."

FROM KIKAY TO TOUGH. Sa First Time ay nakilala si Bea sa role niyang "queen bee" o leader ng "mean girls" sa school. Ibang-iba raw ang role niya ngayon sa Tween Hearts, kahit na high school student pa rin siya.

"Sobrang malayo po yung role ni Natalie kay Tina at saka kay Belinda." Si Tina ang character ni Bea sa fantasy-drama teleserye na Ilumina.

"Kasi po si Tina at Belinda, halos pareho lang, e. Belinda is a tough chick, nagma-martial arts siya. Si Tina naman ay tomboy, boyish. So, halos pareho lang po. Pero from Natalie na sobrang kikay, nahirapan po ako sa pag-arte ng 'tough.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dun po kasi sa First Time, mataas ang boses ko, e. Di ba, gumaganun pa 'ko, 'Ah!'?" sabay arteng pakikay ni Bea, na ang pinaggayahan daw niya ng role sa First Time noon ay ang character ni Ashley Tisdale sa High School Musical na si Sharpay Evans.

"E, ngayon, dito [Tween Hearts] hindi puwede. Kasi dito, medyo boyish ako, hindi ako dapat mag-'ah!' ganun," sabi pa niya. "Sa tunay na buhay, mas malapit ako kay Belinda dahil pareho po kaming nagma-martial arts."

Ang ka-love team niyang si Jhake ang partner niya rito bilang "outcast" na si Jacob.

Katulad nina Barbie at Joshua, ginu-groom din ng GMA sina Bea at Jhake para sumunod sa mga pinasikat na love teams ng istasyon, tulad nina Jennylyn Mercado at Mark Herras at nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Pero kahit na may ka-love team, open naman daw si Bea na i-pair sa iba pa kung sakaling mag-decide ang GMA na ipareha nga siya sa iba.

"Okay lang po. I know naman na GMA will take care of us. Ibibigay nila sa akin, what's best for us. Kung sana... Marami na rin po kasi kaming bonding moments ni Jhake, e. So sana, hindi. Pero kung gusto ng GMA, why not? Let's explore."

SMALL BUT DEADLY PACKAGE. Bea stands 5-feet-flat at tumitimbang ng hindi hihigit sa 95 pounds. Pero sa kabila ng liit at pagka-cute niya, umaapaw sa "pagka-aksyon" ang kanyang personalidad.

Matapos makapanood ng wushu (Chinese martial arts) demonstration sa Lovely Day kunsaan isa siya sa hosts, agad na nagpahanap ng gym o school na puwedeng pag-training-an si Bea.

"Bale yung Wushu Discovery, yun po yung team namin, nagpa-free trial. Tapos po nun, nagustuhan ko. So, mula noon, nag-wushu na ako. Tapos nag-nationals [wushu competition] na," kuwento pa niya.

Wushu, the Mandarin Chinese translation of "martial arts" is a collection of Chinese weapons based on empty hand-fighting styles. Ang straight-sword, particularly, ang pinakapaborito o "crush" ni Bea sa wushu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gustung-gusto ko po talaga siya. Crush ko po siya!" excited niyang pahayag.

Bukod sa wushu, active din sa iba pang sports si Bea tulad ng swimming, badminton at wall-climbing. Pero hindi pa rito nagtatapos ang interes niya. Naka-lineup ang iba pang sports na gusto niyang subukan.

"I wanna try gun-shooting, wakeboarding, scuba-diving! Ewan ko po. After kong matutunan ang wushu, gusto ko na pong mag-try ng iba pang extreme sports."

Kaya tuloy hindi na nakapagtataka na nang tanungin ng PEP kung ano ang dream movie project niya ay "action" agad ang isinagot ng tween star.

"Para po ma-incorporate naman po yung mga natutunan ko."

Nung ipakilala sila as Kapuso Tween Stars, nabanggit ni Jhake sa PEP na paminsan-minsan ay nagbibiruan sila ni Bea at sinusuntok siya ng dalaginding. Kahit na sabi nga ni Bea ay "mahina lang naman," iniinda pa rin ito ng binatilyo.

"Malakas ba?" tanong pa ni Bea. Ngumiti na lang si Jhake.

Kaya tuloy tinanong ng PEP kung dapat ba ay kasing-astig niya ang magiging boyfriend niya in the future.

"Hindi po. Tama lang. Dapat kaya niyang... sakyan ako o i-accept kung ano ako."

Sa darating nang Linggo, September 26, pagkatapos ng Party Pilipinas ang first episode ng Reel Love Presents Tween Hearts sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN