Rocky Salumbides on his acclaimed performance in Tarima: "Magdilang-anghel ka!"

"Parang hindi ko alam kung sino ang babatiin ko, kung saan ako pupunta. Kaliwa't kanan, lahat sila nakangiti. Kitang-kita ko sa mga itsura nila na na-appreciate nila yung movie," says Rocky Salumbides about the positive reviews of Tarima after its gala premiere at the Cultural Center of the Philippines.


"Magdilang-anghel ka!" ang siyang bukambibig ng model-turned-actor na si Rocky Salumbides sa mga well-wishers niya.

Ito ay matapos ang sunud-sunod na preview ng pelikulang Tarima, isang indie feature na may gay subject.

Ang ginagampang role ni Rocky sa Tarami ay si Bryan, isang preso na minahal at nagmahal din kay Roselo, ang closet gay na ginampanan ni Fanny Serrano.

Halos iisa ang tugon ng mga bumabati sa actor-model: Malayo ang mararating niya bilang aktor. Na sasagutin lang naman ni Rocky nang nakangiti: "Magdilang-anghel ka!"

Nang makita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rocky kasama ang actress-girlfriend na si Eula Valdes, sa UP Cine Adarna premiere ng Tarima last September 11, hiningi rin namin ang reaksiyon niya sa mainit na pagtanggap sa naunang gala premiere ng pelikula sa Cultural Center of the Philippines (CCP) noong August 28.

Dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya—pinalakpakan ang kanyang highlight scenes—naging markado agad sa manonood ang major support performance niya sa nasabing Neal Tan film.

At sabi nga'y hindi malayong magkaroon ng kasunod na malalaking movie offers si Rocky.

"Sana. Magdilang-anghel ka!" sabi uli ni Rocky nang ma-interview ng PEP.

Bago niya mapanood ang pelikula, walang idea si Rocky sa naging impact ng kanyang pagganap.

"Kinakabahan ako," tanging nasambit niya. "Naririnig ko lang yung review, maganda daw, pasalamat naman ako doon.

"Challenge sa akin yun, e, kung kaya kong itawid yung role. Kung kaya kong gampanan yung Bryan. Awa ng Diyos, 'eto na."

Handa na raw siya sa mas malalaking hamon sa kanyang career bilang aktor.

"Siyempre naman. Lagi namang gano'n dapat, e. Hindi lang sa career. Sa buhay, in general, di ba?" sabi ni Rocky.

So far, ano naman ang masasabi niya sa takbo ng buhay matapos siyang makilala ng publiko sa pamamagitan ng Pinoy Big Brother (PBB) Double Up last year? At sa pagkakatampok sa dalawang gay indie features: ang Tarima ni Neal Tan at Muli ni Adolf Alix Jr.?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa tingin ko, parehas lang, e," ani Rocky. "Nadagdagan lang ng icing, e. Alam mo 'yon?"

Pero walang dudang nagmarka na siya sa maraming manonood, bago pa man ang magkasunod na commercial theater run ng dalawang indie movies sa buwang ito, simula September 22 (Muli) at sa mga unang linggo ng Oktubre (Tarima).

"Magdilang-anghel ka! Yun lang ang masasabi ko," sabi uli ni Rocky, na naging kuwela na sa pandinig ang naging bukambibig.

MUCH APPRECIATED. Sa UP Cine Adarna premiere ng Tarima ay mas mahaba ang naging interview ng PEP kay Rocky.

"Tumakas ako noon. Alam kong hinahanap mo ako, e," birong-totoo ni Rocky, na ang tinutukoy ay ang post-gala premiere sa CCP, na hindi namin siya nahingan ng statement matapos ng positive reaction ng audience.

"Gutom na kami [ni Eula], hindi pa kami kumakain!" natatawang banggit pa niya.

As to the audience's overwhelming response to his performance in Tarima, aniya, "Gulat na gulat ako dahil hindi ko ini-expect yun. I mean, pagdating ko lang mismo, yung presence pa lang ng tao, yung expectations nila...

"Na yung iba kasi, siguro napanood na nila sa preview, kaya kumalat yung balita. Alam mo naman yung connections ni Fanny, di ba?

"So, kumalat, at pagdating ko pa lang, maganda na yung feedback. Nagulat din ako, after na mapanood ko din.

"Parang hindi ko alam kung sino ang babatiin ko, kung saan ako pupunta. Kaliwa't kanan, lahat sila nakangiti. Kitang-kita ko sa mga itsura nila na na-appreciate nila yung movie.

"Kasi, lahat naman [ng co-stars], nakita n'yo, ang gagaling, di ba? Tapos ako, kabadung-kabado ako. Ako lang ang walang experience," lahad ni Rocky.

Ninerbiyos daw talaga si Rocky sa paggawa ng pelikula. Kasi naman, ang mga co-actors daw niya, playing major roles, ay sina Fanny Serrano, Chokoleit, at Ms. Gloria Romero, at ang minor players, na kaeksena niya, ay sina Ana Capri, Oskar Peralta, Jet Alcantara, at Cloyd Robinson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayokong masira yung project dahil sa lack of experience ko," rason niya. "Ang laking challenge noon, para sa akin.

"At yung pagharap ko sa mga tao, isa pa yun sa mga challenge.

"Salamat sa Diyos at yung blessing na ibinigay Niya... At least, maganda naman ang naging outcome. At yun ang importante, yung nadala sila sa pelikula."

ON EULA VALDES. Nakaapekto ba sa relasyon nila ni Eula Valdes ang pagpapa-sexy ni Rocky sa dalawang indie movies, lalo sa Tarima, na 'ika nga'y "major major" ang kanyang skin exposure?

"Hindi naman," saad ni Rocky. "Kasi, siyempre, mas experienced na 'yan [si Eula] kesa sa akin. Kumbaga, mas malawak na yung pananaw niya sa ganitong industriya kaya maiintindihan naman niya.

"Binibigyan din niya ako ng tips and advice kung ano ang dapat kong gawin, kung anong personality ang ipu-project ko sa ganitong trabaho. Kasi mahirap daw talaga minsan na maging prangka. May mga ibang tao diyan na mami-misunderstood ka, biglang galit pala sa 'yo. Di ba?"

Hindi raw dahilan ang pagpapa-sexy ni Rocky sa pelikula para magselos si Eula, much more ang naging pakikipag-love scene ng boyfriend sa isang gay actor, na tulad ni Fanny Serrano.

"Hindi naman, sinabi ko pa sa kanya yun, e," ani Rocky, na ang tinutukoy ay ang love scene nila ni Fanny kung saan fully naked sila.

Ano ang naging initial reaction ni Eula doon?

"Kawawa daw ako!" at natawa si Rocky, sabay-bawi sa sinabi. "Joke lang!"

HAPPY LOVELIFE. Aminado rin ang actor-model na masaya ang lovelife niya ngayon.

"Oo naman! Isa rin ito sa dahilan kung bakit ko sinubukang mag-acting, para mag-stay ako dito.

"Kasi dito, sa mga fashion shows at modelling, mas mabenta yung mga Brazilian, di ba? Napapansin n'yo naman, kung hindi ka mestizo, hindi ka Brazilian, hindi ka makukuha sa trabaho.

"E, ako, ang hitsura ko, mukhang sanggano!" kuwelang banggit ni Rocky. "Hindi ako makapag-promote, Pinoy na Pinoy [ang hitsura ko]. Pero sa abroad pala tayo uubra. Yung mga ganong hitsura, na exotic...daw!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GOING MAINSTREAM. At 6'1" tall, na lean ang built, pasadong-pasado sa international ramp modelling si Rocky. Bagay na nagawa na niya bago pa siya sumali sa PBB at naging importanteng discovery sa significant indie projects.

Kaya walang nakikitang dahilan ang baguhang aktor para hindi magtuluy-tuloy sa magandang nasimulan. O lalo't bukod sa pelikula ay nabigyan din siya ng magandang break sa telebisyon, sa pamamagitan ng bagong teleseryeng Imortal ng ABS-CBN.

Kasama si Rocky sa malaking cast ng bubuksang teleserye, na bida sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz. Papel ng bampira ang ginagampanan niya sa pagpapatuloy ng kuwento ng naunang Lobo nina Angel at Piolo Pascual.

Ayon kay Rocky, mahigpit ang network pagdating sa taping schedules na magdamagan, tatlong beses isang linggo. Dahilan para mabawasan ang oras ni Rocky sa iba pang kaabalahang personal.

Pero maganda ang career prospects ng baguhang aktor sa puntong ito. Whether sa mainstream showbiz (movies and TV) o indie cinema.

"Susubukan ko," sabi ni Rocky. "Sana pag may nag-offer [uli] na gano'n sa akin, hindi na ako kinakabahan. Kasi, lagi akong kinakabahan, e.

"'Pag nakuha ko na 'yung script, kinakabahan na ako. Pag nandiyan na yung camera, kinakabahan na ako."

ON DIREK NEAL TAN. Sa telebisyon ay marami nang nakatrabahong direktor si Rocky. Pero sa pelikulang indie, tulad ng Tarima, ay una sa listahan ng dapat pasalamatan ni Rocky si Direk Neal Tan.

"Wala akong masabi. Puro pasasalamat," sambit ni Rocky. "Kasi nung binasa ko yung script, at nung ni-review namin, siya po yung kinausap ko talaga.

"Una, galit ako, sa whole shoot kasi hindi ko alam kung paano ang atakeng gagawin ko. First movie ko 'yan, e. So, nanghingi talaga ako ng pointers, mga tulong na puwede kong magamit.

"Awa ng Diyos, ang bait ni Direk. Sobrang ginabayan niya ako, kada kilos ko, ultimo kung saan ako titingin. Basta sinasabi niya sa akin kung ano yung emotions na gusto niyang makita, at yun yung na-deliver ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Epektibo raw ang naging working relationship nina Rocky, bilang aktor, at Neal Tan, bilang direktor.

"Opo," pagsang-ayon ni Rocky. "Kasi, kung sa akin lang, wala akong experience, e. Alam mo 'yun?

"Kumbaga, ang experience ko lang, siguro yung mga pinagdaanan ko sa buhay ko. Mga gano'n lang."

Unti-unting natutunan ni Rocky, sa pamamagitan ng wastong paggabay ng direktor niya sa pelikula, ang pag-arteng angkop sa naturang medium na kaiba rin sa pangmalagian niyang gawain ngayon sa telebisyon.

Ang resulta, mas may kumpiyansa at pagtitiwala siya sa kanyang direktor, bilang isa ring artist na tulad niya.

"Opo," sang-ayon naman ni Rocky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN