Canadian pop superstar Justin Bieber caught "making out" with Fil-Am singer Jasmine Villegas

Canadian pop superstar Justin Bieber was allegedly photographed with Fil-Am singer Jasmine Villegas while "making out" inside a car in Venice, California.



In the news ang young Fil-Am singer na si Jasmine Villegas dahil nakunan siya ng litrato habang nakikipaghalikan sa international teen singing superstar na si Justin Bieber.

Lumabas sa mga U.S. entertainment website at Daily Mail website sa United Kingdom ang "kissing photos" nina Justin at Jasmine.

Ayon sa mga report, isang Canadian tourist ang photographer ng exclusive photos.

Mabilis na kinunan ng litrato ng turista ang eksena nang ma-realize niya na si Justin ang kahalikan ng isang teenage girl sa back seat ng Honda car habang nakatigil ito sa trapik sa Venice, California.

Parehong 16 years old sina Justin at Jasmine.

Si Jasmine ang co-star ni Justin sa music video ng "Baby" at siya rin ang opening act sa My World 2.0 tour ng young Canadian pop superstar sa North America. Nagsimula noong September 14 ang concert tour ni Justin at matatapos ito sa December 23, 2010.

Matagal nang balita na may relasyon sina Jasmine at Justine pero pinaninindigan nila na "cool friends" lamang sila.

Nakilala si Jasmine ng mga Filipino dahil siya ang kumanta ng U.S. national anthem sa mga laban ni Manny Pacquiao kina Ricky Hatton, Juan Manuel Marquez, at David Diaz.

Nagkaroon ng brief showbiz career si Jasmine sa Pilipinas nang umuwi siya sa bansa noong 2008 at naging mainstay ng SOP. Si Manny ang tumayo bilang manager ni Jasmine sa Pilipinas at nag-guest siya noon sa SOP bilang suporta sa young Fil-Am singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN