Barbie Forteza has kissing scene with Joshua Dionisio in new show — joke!

Nasorpresa si Barbie na pagkatapos ng Pilyang Kerubin ay nabigyan sila agad ng follow-up show ni Joshua. "Sobrang saya po!" bulalas niya. "Siyempre, may ilalagay na ako sa Facebook na update. At may aabangan na rin po ang mga fans."


Nanlaki ang mga mata ng tween star na si Barbie Forteza nang biruin na may kissing scene na raw sila ng ka-love team na si Joshua Dionisio sa bago nilang show, ang Reel Love Presents Tween Hearts.

"Hindi po! Sobra naman! Ang bilis naman po!" nagulat na sabi ng 13-year-old actress, at natawa nang ma-realize na binibiro lang naman siya ng entertainment press.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Barbie at ang cast ng Tween Hearts sa presscon nung September 20, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Masaya si Barbie na muli silang nagkaroon ng youth-oriented show. Bukod sa kanila ni Joshua ay makakasama rin nila sa Tween Hearts ang dati nilang kasama sa First Time na sina Jhake Vargas at Bea Binea, at ang mga baguhang sina Louise delos Reyes, Kristoffer Martin, Lexi Fernandez, Derrick Monasterio, at Joyce Ching.

Kuwento ni Barbie, "Tulad noong dati, sa mga bago naming kasama, itinuturo namin ang mga gawain namin sa First Time. Yung mga nagdi-dare-dare kami. Walang matutulog kahit madaling-araw na.

"O kaya naman, sa isang table lang kami, sabay-sabay kaming iinom. Basta, maraming kakulitan."

Pero nilinaw nito na natatawa na "iced tea"ang iniinom nila at hindi alcoholic drinks.

Nasorpresa raw si Barbie na pagkatapos ng Pilyang Kerubin ay nabigyan sila agad ng follow-up show ni Joshua. Buong akala raw niya ay magpufocus movie muna sila sa pelikulang Agimat ni Enteng.

"Sobrang saya po!" bulalas niya. "Siyempre, may ilalagay na ako sa Facebook na update. At may aabangan na rin po ang mga fans."

Ayon kay Joshua, tuwing Sunday raw ay nakakalabas sila ni Barbie kasama ang pamilya nito at pamilya rin ni Joshua. So, may bonding time na pala silang pamilya?

"After ng Party Pilipinas po yun," pagkumpirma ni Barbie. "Yun lang po kasi ang oras namin para makapasyal. Usually po sa SM North lang din po kami nagpupunta."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parang may mutual understanding na nga between the two of them?

"Hindi naman, siguro po, sobrang close namin. Marami na rin ang nagdadalawang-isip. E, kasi po, marami na rin po kaming napagsamahan ni Joshua. Marami na rin po kaming naging shows na kami yung magkasama. So, siguro, nakakapagtaka lang sa iba yung closeness namin."

Pero kung ganoong malapit naman na pala ang pamilya nila sa isa't isa, kung sakali, boto ba ang mommy at daddy niya kay Joshua para sa kanya?

"Wala naman po silang problema kay Joshua. Makulit po si Joshua. Hindi siya mayabang. Maalaga naman po siya," sabi niya.

Inamin ni Joshua na kung may chance, or kung puwede na, si Barbie raw ang gusto nitong maging girlfriend. Ano ang reaction niya rito?

"Wala naman po kasi hindi naman po natin masasabi kung ano ang darating. Basta open po kami ni Joshua kung anuman."

Mutual din ba ang feeling on her part?

"Sa ngayon po, basta special po siya sa akin," nakangiti niyang sabi.

Sweet ba si Joshua sa kanya?

"Opo, sinusundot po niya ang ilong ko. Sweet na po yun!" natatawa niyang sabi.

"Minsan kapag puyat, yun ang ginagawa namin. Or, nag-o-offer siya ng upuan. O kaya, hihintayin niya akong kumain para sabay kaming kumain."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN