FIRST READ ON PEP Queenie Padilla on dad Robin Padilla's wedding to Mariel Rodriguez: "I'm just happy that he is happy."

Queenie Padilla (in photo) is the eldest daughter of Robin Padilla with Liezl Sicangco. When asked how she feels about her parents' failed marriage, the 18-year-old Kapamilya newbie says, "Wala po akong kinakampihan sa kanila."


Masaya raw si Queenie Padilla kahit pa "four days ago" lang niya nalaman ang tungkol sa pagpapakasal ng kanyang ama na si Robin Padilla sa Pilipinas Win na Win! co-host nitong si Mariel Rodriguez.

Sa joint birthday party ng tabloid editors na sina Dondon Sermino (Abante) at Jerry Olea (Abante Tonite) sa Imperial Palace Suites ngayong gabi, September 22, nagsalita sa unang pagkakataon ang panganay na anak ng action star kay Liezl Sicangco.

Ayon ka Queenie, "I'm happy for them. I'm happy for my dad kasi hindi na siya lonely at nagmahal siya ulit."

Taong 2007 noong nag-divorce ang mga magulang ng 18-year-old Kapamilya newbie. Ang kanyang ina, na ngayon ay nakabase sa Australia, ay nakapangasawa ng isang New Zealander na nagngangalang Craig Murphy.

Pero wala raw lungkot sa puso ni Queenie kahit pati ang kanyang ama ay nag-asawa na rin. Aniya, "Wala po akong kinakampihan sa kanila. Si mom, matagal na niyang gusto talaga ito. At si papa naman, I'm just happy that he is happy."

Aminado siyang nakakagulat ang mga pangyayari, pero ang mahalaga, mahal na mahal daw ng kanyang 26-year-old stepmom ang kanyang ama base sa naobserbahan niya.

"That's what matters," ang sabi ni Queenie, na kahit twice na niya napanood ang Resident Evil ay sinamahan pa rin sina Robin at Mariel sa Rockwell three days ago, September 20.

Dagdag pa niya, "I just love action movies."

Ano naman ang masasabi niya sa paglipad na bunsong kapatid na si Ali sa poder ng kanilang ina?

"I'm happy kasi together na sila [ni Mom] and maitutuloy na ni Ali ang pag-aaral niya doon," sagot niya.

Matatandaang hiniling ni Liezl kay Robin nitong nakaraang buwan na ibalik na sa kanya si Ali, na hindi raw gaanong naaasikaso ng ama dahil sa kakulangan sa oras. (CLICK HERE to read related article.)

Kaya, pagdating daw ng kapatid sa Australia, "Nagpaluto si Ali ng mga pagkaing na-miss niya, gaya ng steak at spaghetti," kuwento ni Queenie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN