Joy Cancio denies report that some ex-SexBomb Girls accuse her of squandering their money

"Wala namang ganung factor," paglilinaw niya. "Kumbaga, tsismis lang 'yon. Pero actually, I asked them naman. Walang ganung factor. Itsinismis lang sa diyaryo, pero wala namang ganun," says Joy Cancio about reports that some ex-SexBomb members accuse her of squandering their money.


Ang tatanghaling winner ng Danz Showdown ay magiging bagong miyembro ng SexBomb Girls.

Ito ang sinabi ni Joy Cancio, ang manager ng SexBomb Dancers, nang nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Huwebes, September 16, sa taping ng Danz Showdown, sa Semicon Building along Marcos Hi-way.

Ang Danz Showdown ay isang dance-reality TV show produced by Focus Entertainment at napapanood sa GMA-7. Hosted by Mark Herras, Izzy Trazona at Rochelle Pangilinan, with segment hosts Presley Bellini at ang SexBomb Girls, napapanood ito Monday to Friday at 10:30 a.m.

Sa October 1 ang grand finals ng Danz Showdown.

Ang pitong finalists ay sina Jane Albarracin, Emeliza Diesta, Yui Gutierrez, Trizia Ramis, Jean Roxas, Julie Ann Saptimo, at Dona Veliganio.

Liban sa pinakapremyong magiging miyembro ng SexBomb Dancers ang magwawagi, ang iba pang prizes ng winner, ayon kay Joy ay: "Mananalo po siya ng 500 thousand. May cash, may contract. Tapos meron po silang STI four-year course. Tapos magkakaroon siya ng isang Honda motorcycle."

Ano ang mangyayari sa anim na hindi magwawagi?

"Yung anim? Secret pa!" natatawang sinabi ni Joy.

AIRA ON SURVIVOR PHILIPPINES. Sumunod naming napag-usapan ang tungkol sa SexBomb member na si Aira Bermudez, isa sa castaways ng ipinapalabas ngayong Survivor Philippines Celebrity Showdown.

Si Joy ang nag-encourage kay Aira na sumali sa naturang reality show ng GMA-7.

"Opo, opo. Kasi, actually, dream ni Aira 'yon. Kaso, kailangan niya 'yong para mag-push sa kanya. Matapang si Aira, malakas, pero may takot din.

"Sabi ko, 'Kaya mo 'yan. I'm sure hindi naman kayo pababayaan na may mangyayari sa inyo.'

"Kasi sayang, e. Unang-una, the prize [three-million pesos, tax-free]. Second, iba yung dating pag sumali ka sa mga ganitong reality show, e. Alam ko dream niya yun kasi talaga namang palaban si Aira.

"Kaya I'm so thankful naman na may nakuha [sa SexBomb]. Kasi actually, ang pinush ko diyan si Sunshine [Garcia], Mia [Pangyarihan], at si Aira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Aira yung naaprubahan kasi may tests 'yan, e. Baka mamaya, nakita ng taga-Survivor na medyo mahihirapan si Mia at si Sunshine.

"E, alam ko si Aira, kasi nakita ko talaga 'yang batang 'yan. Talagang lumalaban kahit saang barangay. Yung mga ganung palaban, sumusugal. At saka ang sayaw niyan, talagang tinatapon sa ere! Wala siyang takot

"Iyon, kaya nakakatuwa naman na nakasama siya."

DAISY SIETE. Marami na ang nakaka-miss sa Daisy Siete, ang dating afternoon soap ng SexBomb na tumagal ng 26 seasons. May pag-asa bang bumalik ito sa ere?

"Hopefully, sana mabigyan ulit kami ng chance ng GMA," asam ni Joy. "Actually, may plan sila, pero ako mismo ang nag-ano sa kanila.

"Napagod kasi ako sa Danz Showdown, kasi hindi biro itong show na ito. Talagang every day, gumagalaw ka.

"Unlike sa Daisy Siete, pag pinag-usapan ninyo yung konsepto, yung istorya, kapag nabasa ko yung script, tira na sila. Dalaw-dalaw lang ako.

"Pero, hopefully siguro, sana mabigyan ulit kami ng pagkakataon na pumunta ulit sa drama."

Inamin ni Joy na sumama ang loob niya nang tinanggal ng GMA-7 sa ere ang Daisy Siete.

"Noong una, yes po. Siyempre, kumbaga... Kasi siyempre, 'yon nga, yung sinasabi ng mga tao na maganda naman ang rating, nagre-rate naman, tapos...

"Pero after that, dun ko na-realize na may purpose naman kung bakit nangyayari 'yon. Kasi hindi ko akalain na, 'yon nga, magpapaalam na yung mga seniors.

"Dun ko na-realize na kailangan pa ng mga bagong miyembro, di ba? Na maganda rin naman yung nangyari dahil nabigyan ako ng Danz Showdown."

Hindi na masama ang loob niya ngayon?

"Hindi naman sobrang masamang-masama. Kumbaga, nagulat ako. 'Ay bakit, bakit?'"

Ipinaglaban naman daw niya na huwag mawala sa ere ang Daisy Siete.

"Of course, ipinaglaban ko 'yon. Kaso, sila yung may alam kasi network sila. Hindi naman sila magiging network kung wala silang alam sa mga strategy ng businesses, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyon, at least natututo rin naman ako sa kalakaran ng show business. Ang dami ko pang bigas na kakainin, marami pa akong hindi alam," saad ng dancer turned talent manager.

SEXBOMB DANCERS. Sinagot naman ni Joy ang akusasyon sa kanya ng ilang SexBomb members na umalis na sa kanyang poder. Pinagbibintangan siya na naglulustay ng pera ng kanyang mga alaga.

"Wala namang ganung factor," paglilinaw niya. "Kumbaga, tsismis lang 'yon.

"Pero actually, I asked them naman. Walang ganung factor. Itsinismis lang sa diyaryo, pero wala namang ganun.

"Tinanong ko rin sila, kasi siyempre kailangang maging open kami sa isa't isa.

"Hindi nila alam na when I started Daisy Siete, from 90 days plus another one month ka pa lang makakakolekta. Pero sila, kahit papaano, unti-unti, binabayaran namin.

"Kumbaga, ang laki ng mga requirements, ng mga suppliers... Mga ilaw, kamera, director, ibang artista na para maka-support sa aming show.

"Hindi nila naiintindihan yung gastos ng producer. Di ba, nagpapaluwal pa ako? Kumbaga, at the end of the day, sila bayad, ako nagbabayad pa rin.

"Hindi nila naiintindihan iyon, e."

Ayon pa kay Joy, halos lahat naman ng members niya ay nagkaroon ng magandang buhay habang miyembro ng SexBomb.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN