Joshua Dionisio is open to other projects without screen partner Barbie Forteza

"Mahirap pong humanap ng leading lady na madaling katrabaho, at pagkatapos, may chemistry kayo. At saka, hindi ko alam kung bakit, mas madaling katrabaho si Barbie kesa sa ibang nakatrabaho ko," says Joshua Dionisio about screen partner Barbie Forteza.


Pang-limang show na ng tambalang Joshua Dionisio-Barbie Forteza ang upcoming youth-oriented series ng GMA-7 na Tween Hearts.

Una silang nagkasama sa Stairway to Heaven, kung saan gumanap sila bilang batang Dingdong Dantes at Rhian Ramos. Nasundan pa ito ng Dear Friend, First Time, at Pilyang Kerubin.

Ayon kay Joshua, 15, simula nang magkasama sila ni Barbie, 13, ay malaki at marami na siyang nakitang mga pagbabago sa kapareha.

"Kasi noong Stairway, yung isip pa niya talaga, hindi pa siya ganoon ka... Ngayon, yung kilos niya, kapag nakikipag-usap siya, mapapansin mo, prim and proper, dalaga na talaga. Pero ang maganda kay Barbie, masaya siyang kasama. Hindi siya makulit."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Joshua sa presscon ng Tween Hearts last September 20 sa 17th floor ng GMA Network Center.

Natuwa rin si Joshua na after ng Pilyang Kerubin ay nabigyan sila agad ng follow-up series ng GMA-7. Ang alam daw kasi niya ay sa movie muna sila magko-concentrate dahil kasama sila sa Agimat ni Enteng.

"Si Barbie po, nakapag-shoot na po siya. Ako po, magsu-shoot pa lang po," banggit pa niya.

How is it being paired with Barbie again?

"Masaya naman ako kahit sa Pilyang Kerubin. Okey lang din sa akin kahit ganoon lang para naman hindi magsawa sa akin ang tao na puro love team, love story.

"At least ngayon, parang na-miss nila siyempre yung team ng First Time. Yung Tween Hearts, parang flashback na rin ng First Time."

Nakikita ba niya ang sarili niya being paired with Barbie for a long time?

"Opo, kasi mahirap pong humanap ng leading lady na madaling katrabaho, at pagkatapos, may chemistry kayo. At saka, hindi ko alam kung bakit, mas madaling katrabaho si Barbie kesa sa ibang nakatrabaho ko.

"Ibang leading lady, okay rin po sa akin. Pero gusto ko po sana na huwag naman palaging love team. Makagawa rin po sana ako as an individual actor," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TWEEN HEARTS. Scheduled for eight weeks ang airing ng Tween Hearts. Pero posible raw na mag-extend sila kung maganda ang feedback ng viewers.

Naniniwala si Joshua na magandang vehicle para sa kanila ni Barbie ang bagong show dahil sa young kilig stories talaga sila nagugustuhan ng fans nila.

"Sa Pilyang Kerubin po kasi, parang ang audience namin from 6-11. Pero dito [sa Tween Hearts], audience namin 12 pataas, kahit sa matanda," sabi niya.

Positibo rin si Joshua na maaabot ng kanilang bagong show ang naitala na rating ng First Time.

"Malamang naman po. Kasi, halos lahat ng mga tweens ng GMA, sama-sama na. Kumbaga, kapag pinagsama ang lahat ng tweens ng GMA, kapag pinagsama-sama na, young Dingdong ng Stairway, tapos sila Jhake [Vargas], Barbie, Bea [Binene], mas okay talaga 'to."

So far, wala siyang alam na ka-love triangle nila ni Barbie sa Tween Hearts. Paano papasok ang conflict sa love team nila?

"Yun po ang maganda sa Tween Hearts, binigyan po kami ng kuwentong, lahat na magkakaroon kami ng problema tungkol sa ugali naming lahat.

"Pero after that conflict, doon po makikita kung paano kami nagkakaayos-ayos, paano kami nagkakabati. Kaya yun po ang aabangan talaga."

Mas masaya ba siya ngayon sa bago nilang show ni Barbie dahil marami silang bida at mukhang equal din ang exposure nila?

"Hindi naman po ako bumabase sa exposure," sabi ni Joshua. "Basta okay lang po ang role ko.

"Kasi, kunwari, palagi na lang parang kontrabida ang role ko, magagalit naman sa akin ang tao. Mawawalan naman ako ng mga viewers.

"Sana lang, huwag naman palaging bad boy. Sa First Time, masungit din ako sa umpisa. So, parang ganoon din dito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN