Kim Chiu on relationship with Gerald Anderson: "Hindi kami nag-aaway or nagkakatampuhan."

Gerald Anderson: "We're very happy and blessed na yung friendship namin, hindi naapektuhan sa lahat ng intriga na nangyayari sa amin sa showbiz."

Kim Chiu: "Super friends naman talaga kami ni Gerald. Parang lagi kaming nandiyan para sa isa't isa. 'Pag kailangan niya ako, nandiyan ako. 'Pag kailangan ko siya, nandiyan din siya."


Nagmistulang reunion ng Tayong Dalawa ang pagsasama nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at Jake Cuenca sa launching ng tatlong bagong scents ng Bench para sa tatlong young stars noong Sabado ng gabi, September 18, sa SM North Edsa, Quezon City.

Sabi nga ni Kim sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media matapos ang programa, masaya sila dahil ngayon lang uli sila nagsama-samang tatlo.

Aniya, "Medyo matagal din po bago kami nagsama ulit and ngayon, sa Bench, binigyan kami ng chance... Yun, masaya kami."

Na-miss ba nila na magsama-sama?

"Oo naman. Nagkukulitan nga kami sa backstage. Ang saya nga, e," nakangiting sabi ni Kim.

Ano yung mga naaalala nila noong nagsama-sama sila uli?

"Nagbibiruan sila, ako tagatawa lang!" natatawang sagot ni Kim.

THE PROGRAM. Sa launching ay nagkaroon ng mini-fashion show.

Unang lumabas si Jake na naghubad ng kanyang suot na t-shirt. Matapos ng part ni Jake, lumabas naman si Gerald na nagtanggal lang ng coat, pero hindi nagtanggal ng kanyang shirt. Sumayaw lang siya ng ilang steps. Ang pinakahuling lumabas ay si Kim na rumampa na parang modelo.

Sa finale ng program, una uling lumabas si Jake. Nang si Gerald naman ang lumabas, lumapit ito kay Jake at ibinangga ang kanyang katawan bilang gesture ng kanilang pagiging magkaibigan.

Paliwanag ni Gerald, "Gano'n talaga kami lagi pag magkasama kami, basta magkasama kami.

"Kasi siyempre, hindi kami madalas magkasama ngayon dahil magkahiwalay yung taping at shooting namin. Pero pag nagkikita kami, nag-e-enjoy kami talaga."

Napuna ang hindi paghuhubad ng damit ni Gerald sa show. Ayon sa kanya, nahiya siyang tanggalin ang kanyang suot.

Napansin din ang kakaibang aura at ganda ni Kim, na kahit payat pa rin ito ay hindi na masasabing buto't balat ang katawan niya.

"Nag-gym ako, kumain," sabi agad ni Kim.

Dagdag ni Gerald, "Kasi madalas kami sa States kaya napasobra yung kain namin. Sa kanya, bagay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Last September 15 dumating sina Kim at Gerald mula sa U.S. Nagbiro pa nga ang young actor na "jetsetters" sila.

"Ginagawa naming Quiapo ang States!" tawa ni Gerald. "Kasi pang-apat na naming States ito."

Kinabukasan, September 19, ay lumipad naman sina Kim at Gerald papuntang Japan para mag-show roon.

"WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET." Nausisa rin kina Kim at Gerald kung may nagbago ba sa samahan nilang dalawa dahil nagkaroon sila ng mas mahabang panahon para magsama uli sa isang bakasyon.

"Nagbago saan?" nagtatakang tanong ni Gerald.

"Kasi paulit-ulit na po naming sinasagot yung tanong na kung okey kami. Kayo na po ang magdi-decide niyan.

"Like what I said before, what you see is what you get. Siyempre, paulit-ulit na po, e, kaya..."

Kapansin-pansin na mas masaya at mas malapit sa isa't isa sina Kim at Gerald, malayo sa mga lumabas na balita noon na ilag sila sa isa't isa dahil sa kanilang tampuhan.

Sabi ni Gerald, "Yung tampuhan, wala namang tao na hindi nakaranas ng tampuhan 'ata.

"Lahat naman tayo, kahit saang relasyon—mag-asawa, mag-boyfriend-girlfriend, magkaibigan—natural yung ano. Hindi healthy yung samahan kung walang tampuhan.

"Pero hanggang doon pa lang yung nangyari sa amin. And we're very happy and blessed na yung friendship namin, hindi naapektuhan sa lahat ng intriga na nangyayari sa amin sa showbiz. Siyempre, marami pa ang mangyayari in the future...

"Ikaw naman ang magsalita," baling ni Gerald kay Kim nang mapansin niyang siya lang ang nagsasalita. Pero natawa lang si Kim.

Wala bang special friendship silang binalikan?

Si Kim naman ang sumagot. Aniya, "Hindi. Super friends naman talaga kami ni Gerald.

"Parang lagi kaming nandiyan para sa isa't isa. Pag kailangan niya ako, nandiyan ako. Pag kailangan ko siya, nandiyan din siya.

"Ayun, yun ang mahalaga sa amin ngayon. At least masaya kami!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapansin-pansin ang pagiging masaya ni Kim kaya nausisa kung naayos na ba nila ni Gerald sa U.S. ang naging mga problema nila.

"Lagi naman akong masaya," mabilis na sagot ng young actress. "Minsan malungkot. Pero may gano'n talaga sa buhay.

"Pero gusto kong maging masaya. Gusto ko kung may problema man, sandali lang and dapat maging positive lagi sa buhay para positive lahat ng nangyayari sa iyo."

BEA ALONZO. "Nay!" ang malakas na sagot ni Kim kasunod ang malakas na tawa nito sa tanong kung friends ba sila ni Bea Alonzo, na nali-link ngayon kay Gerald.

Nabibiro ba ni Kim si Gerald tungkol kay Bea?

"Ay, ano ba 'yan? Tsismisan?" natatawang sabi ni Kim, na hindi na nakapagsalita dahil gumitna na si Gerald.

Ani Gerald, "Yun nga, uulitin ko na naman, paulit-ulit na po... Hindi po.

"Eto na po yun, kasi na-clear ko na po yun no'ng presscon ko ng Century Tuna. Tulad na rin po intriga namin ni Kim, paulit-ulit na rin po. Sinabi ko na po ang dapat sabihin.

"Kung ano po ang sasabihin ko, lagi ko pong mali, lagi pong may kulang, lagi pong may nasasaktan. Kaya mas mabuti nang hindi na pag-usapan.

"Sinabi ko na ang dapat kong sabihin at yun na yun. Ayoko pong may nadadamay. Yung ibang nandiyan, yung nali-link or nadadamay sa intriga namin.

"Kawawa din kasi kaya 'eto na po yung huli. Ayoko na pong pag-usapan," deklara ng young actor.

Hindi ba naapektuhan si Kim sa mga isyu tungkol kina Gerald at Bea?

Tumawa muna si Kim bago siya nagsalita.

"A...ano ba? Ano...magkakaibigan kaming tatlo," sabi niya.

"Magkakasama kami sa trabaho namin and no'ng Heartthrobs [concert], doon kami nagkakilala lahat. And, desisyon kasi ng tao 'yan, e.

"Kung sa amin ni Gerald, maayos naman kami ngayon. Okey kami. Sila lang naman yung nag-iisip ng masama, ng kung anuman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung hindi kami magsasalita, mananatiling haka-haka para sa kanila na kung ano ba talaga yung nararamdaman nila, ano ba talaga yung ganyan. Minsan..." may sasabihin pa sana si Kim, pero sumingit na si Gerald ng kanyang komento.

Sabi ng young actor, "Minsan nagti-take advantage na yung mga tao sa silence namin at minsan sa sinasabi namin."

"Oo," pagsang-ayon naman ni Kim.

"Kaya mas mabuti pong hindi na pag-usapan," dugtong ni Gerald.

Sabi naman ni Kim, "At least, maayos kami ngayon. Maayos yung kung anuman kami ngayon. Wala namang problema. Hindi kami nag-aaway or nagkakatampuhan, ganyan."

KIMERALD FANS. Nagbigay rin ng pahayag sina Gerald at Kim tungkol sa pagkalas ng ilang miyembro ng Kimerald fans club at nagtayo ng kanilang sariling grupo.

Ani Gerald, "Siyempre, kumbaga, sobrang thankful kami sa lahat ng support na ibinibigay... Nakita naman ninyo kung gaano sila ka-supportive. Sobra kaming okay sa lahat ng support na ibinigay nila sa amin and we're thankful.

"Kumbaga, kung may nagbago man ho, sa part namin o sa part ko, wala pong nagbago. Yun pa rin po ang tingin namin sa kanila.

"Sobra po kaming thankful sa lahat-lahat ng support na ibinigay nila sa amin kasi po, wala po kami dito kung hindi sa support na ibinigay nila. Basta, thankful po kami doon."

Sabi naman ni Kim, "Nagpapasalamat kami kasi four years nandiyan sila at parami sila nang parami ngayon. Nandiyan sila lagi para sa amin, para suportahan kami lagi, kahit anong ginagawa namin, ganyan.

"And, nagpapasalamat kami sa sobrang suporta. Kahit may mga issues, nandiyan pa rin sila.

"Hindi namin control kung anuman ang gusto nilang isipin. Basta, gusto lang naming malaman nila na okey kami ni Gerald and sana nandiyan pa rin sila para suportahan pa rin nila kami."

Bagamat may nagsasabing nakapag-usap nang masinsinan sina Gerald at Kim para ayusin ang problema nila dati, sinabi ng young actor na wala silang pinag-usapang promises para sa ikatatatag ng kanilang samahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Gerald, "Well, alam ninyo, kung anuman meron kami ni Kim ngayon, kung gaano kami ka-close, hindi na ho kailangan ng promises-promises dahil salita lang ho 'yan.

"Basta sa amin, we care for each other. Nandito kami para suportahan ang isa't isa. Sa harapan at likod ng kamera, lagi kaming nandito para sa isa't isa."

Nang mabanggit kay Gerald ang isa sa recent interviews ni Kim kung saan naging emotional ito at naiyak habang pinag-uusapan ang kapareha, tila walang kaalam-alam ang young actor.

Tinanong pa ni Gerald kay Kim kung ano ang interview na yun.

"Hindi ko alam..." nangingiting sabi ni Kim sabay iling.

Paliwanag naman ni Gerald, "Mas marami pa po kaming interview na mas emotional si Kim kaysa sa normal kami. Gano'n. Hahaha!

"Hindi. Sanay ako. You know, it's...hindi lang... Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?" baling nito kay Kim.

"Hindi ko alam!" kinikilig na tugon ni Kim.

"Gano'n talaga ang type ko, uy!" birong-lambing naman ni Gerald.

"Babae po kasi ako, e," rason naman ni Kim sa pagiging emosyunal niya.

KIMERALD MOVIE. Sigurado na ang movie na pagsasamahan nina Kim at Gerald.

"Next week na po kami mag-i-start ng movie under Star Cinema kaya ayun, excited kami," banggit ni Gerald.

"It's a feel-good movie. Hindi siya masyadong mabigat, hindi rin naman siya masyadong magaan.

"Kumbaga, paglabas ng sinehan, magaan yung pakiramdam... Excited kami."

Kinorek nina Kim at Gerald ang balitang pang-New Year presentation ng Star Cinema ang nasabing movie nila na posibleng idirek ni Jose Javier Reyes. Ilalabas daw ito bago matapos ang taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN