Survivor castaway Solenn Heussaff: "I don't ride on issues. I don't want to use people."

"I don't ride on issues. I don't want to use people. I don't want to preempt the future. Maybe may ibang babae na gusto si Richard," says Solenn Heussaff about being linked to the Survivor Philippines Celebrity Showdown host.


Walang duda na isa sa paboritong castaways sa Survivor Philippines Celebrity Showdown ang socialite model na si Solenn Heussaff. Sa ngayon, siya ang may pinakamaraming twits mula sa fans na sumusubaybay sa reality show ng GMA-7.

Tahimik, walang reklamo, at kinakaya raw kasi ni Solenn ang lahat ng ipinapagawang challenges sa kanila.

In-expect ba niyang magiging ganoon ang paghanga sa kanya ng publiko?

"No, I did not expect. But I'm thankful," nakangiting sabi ni Solenn nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa 17th floor ng GMA Network Center kahapon, September 22.

Walang scheduled presscon si Solenn kahapon. Dumaan lang sila ng kanyang best friend na si Raymond Gutierrez sa pocket presscon ng kakambal ng huli na si Richard Gutierrez para sa docu-series nitong Anatomy of A Disaster. Kaibigan din kasi ni Solenn si Richard, na host din ng Survivor Philippines Celebrity Showdown.

Pero nang hilingin na ma-interview siya ng press ay hindi naman tumanggi si Solenn.

FAVORITE CASTAWAY. Ano ang masasabi niya sa ibang castaways na mas pasosyal pa ang dating kaysa sa kanya?

"I don't complain about anything dahil hindi ako ganoon pinalaki ng parents ko, kaya I want to thank my parents. Basta ginagawa ko lang kung anong sabihin sa amin ni Richard," sabi niya.

Walang nakuhang information ang PEP kay Solenn kung ano pa ang mangyayari sa Survivor Philippines. Bawal daw kasi silang magsalita dahil kasama ito sa pinirmahan nilang kontrata for the show.

"Puwede lang kaming magsalita kung naipalabas na," sabi niya. "Like, 'yong naawa talaga kami kay Aki [Akihiro Sato] kasi paborito siyang kagatin ng lamok. Allergic pa naman siya sa kagat ng lamok."

Kuwento pa niya, "Nag-lose ako ng five kilos while we were on the island. Before I joined the reality show, I ate rice only once a month. Pero doon, I ate rice every day. Ang sarap naman ng rice nila doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I ate anything, except oyster. I don't like oysters."

Kung mayroon pa ulit celebrity edition ang Survivor Philippines, sasali ba siya ulit?

"After bumalik kami rito from the island, they asked me if I will still join the reality show, if there's another one. Sabi ko, 'I don't like na.' But now that you ask me, I want to try it again," sagot ni Solenn

JOINING SHOWBIZ. Tuluyan nang pinasok ni Solenn ang showbiz. Bagamat mas gusto raw niyang kumanta, gusto rin niyang subukan ang pag-arte.

May balita nga na isa siya sa posibleng maging leading lady ni Richard sa Captain Barbell. Tatanggapin ba niya ito kung sakali?

"Hindi ako mahusay sa acting, but I can try," sagot niya.

"I can't speak straight Tagalog, Taglish lang. That's why I'm taking Tagalog lessons now."

Natawa siya nang sabihing puwede namang deaf-mute ang role niya if ever makuha nga siya sa show.

Pinayuhan din siya ng press na lagi siyang magsalita ng Tagalog para ma-practice siya nang husto. Ganoon nga raw ang ginagawa sa kanya ni Richard kapag magkasama sila. Tagalog daw sila kung mag-usap.

Si Raymond, hindi ba siya tinuturuan nito?

"No, he taught me bad words!" nagtatawang sabi ni Solenn.

BEING LINKED TO RICHARD. Aware ba si Solenn na nali-link siya ngayon kay Richard?

"I don't know why we are being linked to each other, baka dahil we're closer now," sabi niya.

"Si Raymond talaga ang best friend ko. We always hang out at lagi na rin naming kasama ngayon si Richard, that's why we're becoming close.

"Magkasama kami lagi ngayon sa gym. He's preparing for his role in Captain Barbell and I'm back with my exercises."

Totoo bang binawalan siya ng kaibigan niyang si Georgina Wilson, na huwag siyang magpaligaw kay Richard? Si Georgina ay ex-girlfriend ng matinee idol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, wala naman ganoong sinabi si Georgina sa akin. Sabi lang niya, huwag akong maging serious. She's happy now with Borgy [Manotoc, Georgina's boyfriend].

"But I don't ride on issues. I don't want to use people. I don't want to preempt the future. Maybe may ibang babae na gusto si Richard."

Hindi sumagot si Solenn nang sabihin sa kanyang single na ulit si Richard ngayon.

Pero bakit madalas siyang pumupunta sa bahay nina Richard?

"Kahit noon pa naman, madalas na akong pumunta sa bahay nila because they are all my friends. I also help Ruffa [Gutierrez, Richard's sister] on her makeup," paliwanag niya.

Kahit ang nanay at manager ni Richard na si Annabelle Rama ay sinasabing gusto siya para sa anak nito. Nanghinayang din daw si Annabelle na hindi siya ang naging manager ni Solenn.

Ano ang reaksiyon dito ni Solenn?

"Yes, because I'm normal!" birong sagot niya.

Ang manager ni Solenn ay si Leo Dominguez, na siya ring manager nina Ogie Alcasid at Lovi Poe.

"I really want to sing, that's why I got Leo as my manager," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN