Boy Abunda talks about Mariel-Robin "wedding" and Mariel-Toni rift

"She knows what she wants. At mula talaga sa puso ko, kung masaya siya doon, iginagalang ko 'yon," says Boy Abunda (main photo) about Mariel Rodriguez (inset, bottom), who recently "married" Robin Padilla in India. Mariel is also involved in a rift with friend and former co-host Toni Gonzaga (inset, top).


Hindi man direktang sangkot sa mga isyu, mahalaga ang statements mula sa TV host na si Boy Abunda hinggil sa mainit na pinag-uusapang relasyon ng "newlyweds" na sina Mariel Rodriguez at Robin Padilla. At sa nagsangang isyu tungkol sa naging hidwaan naman ng magkaibigang Mariel at Toni Gonzaga.

Kagabi, September 23, ay nagpa-interview si Boy Abunda sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng showbiz press, in between breaks ng programang SNN (Showbiz News Ngayon) sa ABS-CBN studios.

MARIEL-TONI RIFT. Bilang manager ni Mariel at kaibigan din ni Toni, concerned si Boy sa naging problema ng dalawang celebrities, but only up to a certain point.

"Ayoko ring panghimasukan [ang away nila]," simulang banggit niya. "Sabi ko nga sa The Buzz [last Sunday, September 19], ayoko nang sabihin: 'Ano ba ang totoo, Mariel? Ano ba ang totoo, Toni?' Hangga't maaari, ayoko na talaga, kasi ayoko nang lumala.

"Sabi nga ni Toni, 'Tama na sa akin na nasabi kong hindi ako okey para maka-move on.' Then, I spoke to Mariel, and she has another side of the story na salungat dun [sa sinabi ni Toni].

"Ayoko nang pagsabungin kung ano ang tama at mali. Sabi ko nga, ang baon ko lang dito, pagmamahal. 'I have enough love for both of you.' And what does it mean? I have enough love to beg.

'Sabi ko pareho sa kanila, 'Give it time... one month, two months... In two months, pag lumambot na and emotions are not running high, malay n'yo, kaya n'yo nang mag-usap, kaya n'yo nang mag-text, kaya n'yo nang magbulungan. O, kung hindi man, at least you tried. Pero you didn't burn bridges.'

"Kasi this, too, shall pass," paniwala ni Boy. "Pero sabi ko, that's the only thing I can offer."

Tulad sa karaniwang nangyayari kapag may mga kaibigang nagkakagalit, Boy chose to stay in the middle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, nag-aral ako ng diplomasya," sabi niya. "And I also said this in The Buzz: 'The best place in mediation is in the middle because you have the best view of both.'

"Papagitna ako hangga't maaari and I will do everything na maayos kung kakayanin. Kung hindi naman, at least, sumubok din ako. Pero hindi ako manggagatong.

"Ayoko na yung, 'Ikaw ang tama, ikaw ang mali.' Kasi nasa gitna ako. I will leave that to other people."

DYNAMICS OF FRIENDSHIP. Ayon kay Boy, hindi niya alam ang puno't dulo ng naging sigalot sa pagitan nina Mariel at Toni. Na nagkagalit ang dalawa sa gitna ng mainit na usap-usapan hinggil sa sinasabing "pagpapakasal sa India" nina Mariel at Robin Padilla. Bagay na nakarating din daw sa kaalaman ni Boy, pero hindi niya tuwirang masasabing ang ugnayang Robin-Mariel ang naging ugat ng away.

"Sabi ko nga," sabi ni Boy, "nung naging close sina Bianca [Gonzales], Toni, at Mariel dahil sa PBB (Pinoy Big Brother), they became extremely close to each other.

"May mga dynamics ang kanilang pagkakaibigan na hindi naman ako kasali. Bakit naman ako sasali ngayon na may problema, di ba?

"Hindi naman yata fair na ako ang mag-aayos, na hindi naman ako familiar. Kasi ang pagkakaibigan nila, pribado.

"Hindi naman sa ayokong makisali, lalo na kung makakatulong ako. Pero yun ang sinasabi ko: ang hirap makisali pag hindi ka kasali."

"WEDDING" IN INDIA. Ayon kay Boy, nagpaalam si Mariel sa Backroom upang mag-indefinite leave. Wala raw binanggit si Mariel hinggil sa ginawang pagpapakasal kay Robin sa India.

"Yung indefinite leave, sa akin 'yan nagpaalam at ako ang nagpaalam sa ABS. Yung kasal, she had intentions of telling me when she came back.

"Wala akong oras [that time]. Pero finally, when I had a meeting with her last Friday [September 17], of course, sinabi na niya sa akin ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But I promised not to say it, di ba? Sinabi naman niya," saad ni Boy.

Was Boy hurt that he was "the last person to know" tungkol sa pagpapakasal ng alaga niya?

"Sa totoo lang, from the bottom of my heart, hindi talaga," sagot ni Boy. "She's 26. And you're not talking about a 16-year-old girl.

"She knows what she wants. At mula talaga sa puso ko, kung masaya siya doon, iginagalang ko 'yon.

"Sabi ko nga, we do everything to be happy. We work, we study, we do everything. But if you find your happiness, go for it!"

Tiniyak ni Boy na totohanan ang naging pag-iibigan nina Mariel at Robin. As in, na-in love daw ang alaga niya sa aktor. As in, "whirlwind romance."

"Yun ang nakikita ko. And I'd like to respect that," aniya.

"Yung bilis naman [ng romance], hindi formula. Merong long engagements na nagwu-work. Meron namang love at first sight na nagwu-work.

"So, who are we to say, di ba? Natural 'yon."

BACKROOM'S STAND ON MARIEL. Kabilang sa mga mina-manage na talents ni Boy sa kanyang Backroom, Inc. si Mariel. Suddenly, the TV host-actress has become an hot item at si Boy ang kailangang magdesisyon sa mga bagay na may kinalaman sa takbo ng career nito.

"We'll take it a day at a time," sabi niya. "So, do we have time?

"They [Robin and Mariel] are doing a movie in India. After that, she wants to work, she wants to come back.

"So, may mga nakaplanong sitcom. She wants to do a daily [show]... I don't know. Ito yung tipong...

"Management is about flexibility. We'll have to be very flexible kung ano ang kaganapan. Titingnan natin kung ano ang kaya niya at kung ano ang kaya naming mahanap para sa kanya."

Mayroon ding usap-usapan na posibleng makasama pa siya sa bagong variety show ng dating Wowowee host na si Willie Revillame sa TV5. Isa si Mariel sa matagal na naging co-host ng naturang noontime show sa Dos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pinabulaanan ito ni Boy.

"A, hindi. She has a contract with ABS-CBN," sabi niya. "Mariel has a contract specifically with E-Live up to December of 2010.

"Now, I don't know the renewal clauses of that contract. I don't know kung kanino ang options. I have not reviewed that. But she has a contract up to the end of the year."

Tinukoy ni Boy ang shows ni Mariel na may kinalaman siya bilang manager.

"Yung napapag-usapang sitcom, kasama ako diyan. Pero hindi pa namin alam kung kailan mag-uumpisa. Yung E-Live, kasama ako diyan kasi [kay] Mariel 'yan.

"Kung anuman halimbawa, kung sa [Pilipinas] Win na Win!, makakasama ako sa usapan na 'yon dahil akin 'yon. Kami ni Mariel."

Hinggil sa latter noontime show, na isa si Robin sa main hosts with Kris Aquino, sabi pa ni Boy, "Palagay ko, meron talaga silang usapan."

May usap-usapan ding ang kasal nina Robin at Mariel ay kaugnay ng isa pang bagong show ng dalawa sa Dos. Totoo ba ito?

"Hindi ako pamilyar diyan," sabi ni Boy. "Ang narinig ko is what you guys know. That there's going to be a docu-drama, a reality program... Alam ko, nag-meeting sila with ABS-CBN kahapon [September 22].

"But that is Robin's part, not ours. Hindi kami active participant diyan. Kumbaga, kasali lang because Mariel is the wife," tahasang sabi ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN