Dennis Padilla says role as Erich Gonzales's dad in I Do is like his real life

"Ang dream ko lang, hindi ko lang alam kung matutuloy with them, gusto ko may maging lawyer. Frustration ko kasi yung maging lawyer. Frustration din ng tatay ko 'yon. Tapos, sana yung isa kong anak maging teacher. Yung iba bahala na kayo, basta meron," says Dennis Padilla about his wishes for his children when they grow up.


Ginagampanan ng veteran comedian na si Dennis Padilla ang papel ng tatay ni Erich Gonzales sa Star Cinema movie na I Do, na magsisimula nang ipalabas sa mga sinehan bukas, September 29. Katambal dito ni Erich ang kanyang love-team partner na si Enchong Dee.

Sa set visit ng I Do ay natanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dennis kung gaano kalapit ang character niya sa tunay na buhay, lalo pa't may mga nagdadalaga na rin siyang mga anak.

"Parang totoong buhay," sagot niya. "Ako, as a father, very protective ako sa anak ko. Unang-una, maganda siya. Pangalawa, very young din.

"Katulad sa isang eksena namin, yung first time ko nakita si Enchong Dee. Siyempre, suplado ako sa kanya dahil sinusundo niya ang anak ko. Tapos, ipapakilala niya sa akin na boyfriend niya sa Enchong.

"Natutuwa talaga ako sa role ko kasi may mga dalaga akong anak. 'Saka lagi ako nagdyo-joke sa mga anak ko na, 'Bawal kayo mag-boyfriend.'

"Pero actually, salita ko lang 'yon kasi hindi mo naman mapipigilan. That's why, sa totoo lang, makakapag-advise ka but you cannot stop them."

Kuwento pa ni Dennis, nakikita niya ang magandang development ng character ni Erich sa pelikula.

"May mga flashback na naglalakad si Erich na bata pa. Tapos, paglapit niya sa akin, makikita mo na dalaga na siya.

"Nandoon tuloy yung takot na baka mag-asawa na. Nandoon yung takot na mamaya na magka-syota siya, tapos lolokohin lang siya," sabi ni Dennis.

BEING A REAL-LIFE FATHER. Masaya naman nagkuwento si Dennis sa PEP tungkol sa kanyang mga anak.

May dalawa siyang anak mula sa kanyang unang asawa: sina Diane, 19, at Luis, 18. Hotel and Restaurant Management major si Diane sa St. Paul's College at Political Science major naman si Luis sa La Salle.

Kay Marjorie Barretto naman ay mayroon siyang tatlong anak (Julia, 13; Claudia, 11; and the youngest boy, who is 7 years old) at isang stepdaughter (Daniella, 16).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa magandang natutunan ni Dennis mula sa ama niya, ang yumaong aktor na si Dencio Padilla—na nakilala bilang paboritong sidekick ni Fernando Poe Jr.—ay ang tungkol sa kahalagahan ng edukasyon.

"Number one sa kanya 'yan. Kailangan nag-aaral ka. Importante yung nakapagtapos ka.

"Kaya noong nag-aartista ang tatay ko, walo kaming nag-aaral sabay-sabay. Kaya wala masyadong naipon ang tatay ko kasi ang dami namin.

"Biruin mo, apat kami noon na nagsabay-sabay sa kolehiyo. Tapos, dalawang nasa high school at dalawa na nasa elementary. You can just imagine.

"E, hindi naman bida ang tatay ko sa pelikula dati. Supporting actor lang. Talagang 80 percent ng kita ng tatay ko, e, napunta sa tuition namin."

Ganoon din ang pakiramdam ni Dennis ngayon na sinusuportahan niya ang pag-aaral ng kanyang mga anak.

"Kumbaga, eksakto lang ang kikitain ko ngayon. Napupunta sa tuition ng mga anak ko. Importante na basta maitawid ko ang tuition at baon nila.

"Kapag, naitawid ko na 'yon, happy na ako. Kumbaga, yung fulfillment ko sa isip ko, e, buo dahil nagawa ko iyon," sabi ni Dennis.

Pangarap ni Dennis na isa sa mga anak niya ay maging lawyer at ang isa ay maging teacher.

"Ang dream ko lang, hindi ko lang alam kung matutuloy with them, gusto ko may maging lawyer. Frustration ko kasi yung maging lawyer. Frustration din ng tatay ko 'yon.

"Tapos, sana yung isa kong anak, maging teacher. Yung iba, bahala na kayo, basta meron!" natawa niya pang biro.

ON DAUGHTER JULIA. Natanong din kung ano ginagawa ng anak niyang si Julia na nakikilala na bilang batang modelo at artista.

"Natanong ko siya noong isang araw. Sabi ko, 'Do you miss acting?' Huminto kasi siya dahil sa school niya na mula eight ng umaga hanggang four ng hapon. Sagot niya sa akin, 'Yeah.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tanong ko naman, 'Do you want to go back?' 'Yes, if I have the time I want to go back.' So, mukhang gusto niya pa rin mag-artista.

"Mas mabuti na muna na tapusin niya ang pag-aaral niya. 'Saka alanganin din ang age ngayon ni Julia, kasi she's 13. Parang hindi pa defined kung bata or dalaga. So, mas okay na din siguro kung makabalik siya na dalaga na, mga 16 or 17 na siya."

Handa rin daw siyang gumanap na ama ni Julia sa TV o pelikula.

Kuwento ni Dennis, "There was a time na napaginipan ko na nagte-taping kami para sa Maalala Mo Kaya. Kaya gusto ko gumawa ng isang drama-comedy na MMK na anak ko si Julia. Kayang-kaya kasi ni Julia na mag-drama."


Aminado naman si Dennis na wala siyang magagawa kung maisipang mag-boyfriend ng kanyang mga dalaga.

"'Hoy! Wala muna magbo-boyfriend. Mga bata pa kayo!'" biro raw niya sa mga anak niya.

"Pero sabi ko lang iyon. Wala ka din naman magagawa. You cannot be with them 24/7 ng buhay nila.

"Sinasabi ko lang is 'You're still young and enjoy life. Enjoy your studies. Huwag n'yo i-miss ang best part ng buhay n'yo. Maging maingat lang.' "

Nag-share si Dennis ng advice tungkol sa natutunan niya bilang ama.

"Iba yung napag-aaralan mo sa eskuwelahan. Iba rin yung napag-aaralan mo through experience.

"Huwag ka lang maging masyadong academics lang. Importante yung academics, pero importante rin yung kung paano ka makihalubilo sa tao. Kasi, mas marami kang matutunan sa life, sa tunay na nangyayari kaysa sa theoretical," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN