Janus del Prado feels awkward being the oldest among the young cast members of I Do

"Happy ako mapansin. Happy ako kahit hindi mapansin yung character ko. As long as alam kong ginawa ko yung trabaho ko. Happy ako. Kuntento ako," says former child star Janus del Prado.


Kasama sa cast ng pelikulang I Do ang young actor na si Janus del Prado. Tampok sa Star Cinema movie na ito ang tambalan nina Erich Gonzales at Enchong Dee.

Nagmarka nang husto ang role ni Janus sa pelikula dahil bawat linya niya ay bumibigkas ng tungkol sa pag-ibig at ikinukumpara sa kung saan-saang bagay.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Janus pagkatapos ng premiere ng I Do last Tuesday night, September 28, sa SM Megamall ay inamin niyang na-pressure siya nang mabasa niya ang script ng pelikula.

"Medyo pressured nga ako noong una kasi ine-expect nila na mabigyan ko ng truth siyempre yung isinulat nila. Mukhang nabigyan ko naman ng justice. Mukhang naarte ko naman nang matino.

"Actually, medyo awkward noong una, kasi lahat sila bata [his co-stars]. Ako na ang pinakamatanda," sabi ng dating child actor.

Siya naman daw kasi ang tipo ng artista na basta nagagampanan niya nang tama ang character na ibinibigay sa kanya, kahit support ito, ay masaya na raw siya.

"Happy ako mapansin. Happy ako kahit hindi mapansin yung character ko. As long as alam kong ginawa ko yung trabaho ko. Happy ako. Kuntento ako.

"Actually," patuloy ni Janus, "yung role ko, noong una kong binasa yung script, kinabahan ako kasi hindi ako sanay sa mga lovey-dovey na istorya.

"More on character roles kasi ako, e. Tapos, ako pa nga yung pinakamatanda sa cast, so medyo akward. Twenty-six na kasi ako, so ako na talaga ang pinakamatanda sa grupo ng barkada do'n sa movie."

Ang I Do ay isinulat at idinirek ni Veronica Velasco.

THE FIRST ENCHONG & ERICH. After niyang mapanood ang movie, natuwa raw si Janus dahil nakita niyang maganda ang pagkakagawa at ramdam niyang potential hit ito.

"Oo naman!" sambit niya. "Sina Enchong at Erich, hindi ko puwedeng sabihin na next John Lloyd Cruz and Bea Alonzo sila or next Piolo Pascual and Judy Ann Santos, but they are the first Erich and Enchong. Yun lang ang masasabi ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And sana, dumating sila sa point na may magsabi na yung successor nila, e, next Enchong and Erich, di ba? Mabubuti naman silang tao at kung anuman ang natatanggap nilang blessing at papuri, deserving sila do'n."

Marami nang nasuportahang love team si Janus, lalo na sa Star Cinema. Ano ang nakikita niya ngayon sa love team nina Erich at Enchong, na sinusugalan na rin talaga ng Star Cinema at ABS-CBN?

"Sila yung ano...ibang atake," sabi niya. "Iba rin kasi ang atake ng iba. Iba ang atake ni John Lloyd. Iba ang atake ni Bea.

"Ito, mas more on the teen side ang makukuha niyo. Kami kasi, noong nag-One More Chance kami, more on the yuppie side. Young professional ang nakuha namin.

"Ito kasi, feeling ko, mas makaka-relate ang mga teens sa mga pinagdadaanan. Kahit gaano pa maging kaseryoso ang buhay, there's always a brighter side and a lighter side ng problema."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN