Jillian Ward moves to new home, receives flat-screen TV from her manager

Jillian Ward will say goodbye to her Trudis Liit character this month. She will next be seen in the movie Agimat ni Enteng and the upcoming fantasy series Captain Barbell.


Binisita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ni Jillian Ward ng wedding scene sa afternoon Sine Novela niyang Trudis Liit, sa Lake View Hotel, overlooking Taal Lake sa Tagaytay, kahapon, September 30.

Umuulan, foggy at malamig, pero hindi 'yon ininda ni Jillian, dahil lakad pa rin siya nang lakad kahit nakasuot ng long gown.

Nakausap ng mga entertainment press ang bibong-bibo na si Jillian during lunch break.

Naroon man ang parents niya, hinayaan nilang si Jillian ang sumagot sa mga tanong ng entertainment press na dumalaw sa taping.

Alam ba niyang sikat na siya? May nagpapapirma na ba ng autograph sa kanya?

"Opo," diretso niyang sagot. "Kasi po nagtu-Trudis Liit ako kaya nakikilala na po ako. May nagpapapirma na po ng autograph sa akin, pero madalas po nagdo-drawing lang ako. Mahilig po akong mag-drawing."

Pinasulat namin ang child star ng pangalan niya. "Jhylliane" na correct spelling ng name niya ang isinulat. Ginawa na lamang itong "Jillian" noong nasa GMA-7 na siya.

May bago na raw silang bahay?

"Opo, sa New York Mansion po sa Cubao, nasa 16th floor kami," sabi niya. "Mamayang hapon po, ide-deliver na ang flat screen TV na gift po sa akin ni Tito Joebar [Joe Barrameda, her manager]."

Ayon sa mommy ni Jillian na si Jennifer Ward, nahihiya nga raw sila kay Joebar dahil may TV naman sila, pero binigyan pa ng TV ang kanyang anak. Sagot daw ni Joebar, para may sariling TV sa room niya si Jillian.

NOT A STAGE MOTHER. Binanggit namin ang intriga kay Mommy Jennifer na stage mother na raw siya at nakikialam sa career ni Jillian. Pero mariin niya itong pinabulaanan.

"Hindi po totoo 'yon, sinasamahan lang po namin si Jillian sa taping at iba pa niyang commitments, pero pagdating po sa career niya, si Tito Joebar na ang bahala. Hindi po kami nakikialam," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya po kami kumuha ng manager para kay Jillian, dahil bago sa amin ito, kaya lang mahilig talagang mag-artista ang anak namin. Kung ano lang ang sabihin ni Tito Joebar, 'yon po ang sinusunod namin."

Tinanong naman namin si Jillian kung napapalo rin ba siya ng Mommy niya, at bakit?

"Opo, pinapalo rin po niya ako sa puwet. Minsan kapag nagkulit ako. Kaya po nagsasabi ako sa kanya ng 'sorry po!'" sabi niya.

LAST TAPING DAY. Sa Martes, October 5, na ang last taping day ng Trudis Liit.

Sino ang mami-miss ni Jillian sa mga kasama niya? Ang Papa Nick (Cris Villanueva) niya, si Tita Ched (Maxene Magalona), Tito Migs (Mike Tan), Tita Honey (Pauleen Luna), Lola Polly (Gina Alajar), o si Granny Hershey (Bella Flores)?

"Mami-miss ko po silang lahat, kasi po ang bait-bait nila sa akin," sagot ni Jillian. "Pero hanggang October 15 pa po kami mapapanood sa TV after ng Yaman ni Lola."

Ang song na "Tomorrow" na kinanta niya sa Trudis Liit ang favorite song ni Jillian.

"Ni-record ko na po 'yon at lagi kong kinakanta kapag kasama po ako sa out-of-town shows ng mga Kapuso," sabi niya.

FIRST MOVIE. Hindi mababakante si Jillian kahit tapos na ang taping ng Trudis Liit dahil nag-start na rin siyang mag-shooting ng first movie niya, ang Agimat ni Enteng kasama ang lead stars na sina Vic Sotto at Senator Bong Revilla.

Sino ang mas gusto niya kina Senator Bong at Tito Vic?

"Hindi ko pa po nakakasama si Tito Vic. Si Senator Bong pa lang [po ang nakasama ko sa shooting]. Ako po si Bebeng sa movie, iyakin pero mabait," paglalarawan niya sa kanyang role.

Bukod sa pelikulang Agimat ni Enteng, ang next TV series ni Jillian ay ang Captain Barbell, kunsaan siya ang magiging makulit na sidekick ni Richard Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN