Pauleen Luna scolded by a Trudis Liit fan

"Minsang nagla-lunch kami roon, isang babae ang lumapit sa akin, sabi niya, 'Tantanan mo na si Trudis!' Siyempre, nabigla ako, pero napatawa na lang ako. Sabi ko sa kanya, 'Role lang yung ginagampanan ko, pero off-camera, love na love ko si Trudis.' Naintindihan naman niya kung ano ang ibig kong sabihin. Pero nakakatuwa, dahil ibig sabihin, effective ang ginagawa ko kaya nagagalit siya sa akin," relates Pauleen Luna about her experience with a Trudis Liit


Absent kahapon, September 30, si Pauleen Luna as one of the hosts ng Eat Bulaga! dahil second to the last taping day na ng Sine Novela nilang Trudis Liit na ginanap sa Lake View Hotel, Aguinaldo Highway, Tagaytay City.

Dalawang wedding scenes iyon, kaya all-star cast ang taping na dinirek ni Don Michael Perez. Bukod kay Pauleen, nandoon din sina Jillian Ward, Maxene Magalona, Mike Tan, Cris Villanueva, Mel Kimura, Dexter Doria, Ian Veneracion, and Ms. Bella Flores.

Si Pauleen ang unang nakausap ng bumisitang entertainment press at ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping. Bilang stepmom ni Trudis, played by Jillian, may mga pagkakataon ba na may nagagalit na sa kanya dahil sa pagmamalupit niya kay Trudis sa show?

"Nakakatawa, meron, at sa States pa!" natatawang wika ni Pauleen. "Nalaman ko noong nag-show kami ng Eat Bulaga! sa Heritage Forum in Anaheim, California, na ipinalalabas pala sa GMA PinoyTV roon, three times a day, ang Trudis Liit.

"Minsang nagla-lunch kami roon, isang babae ang lumapit sa akin, sabi niya, 'Tantanan mo na si Trudis!' Siyempre, nabigla ako, pero napatawa na lang ako. Sabi ko sa kanya, 'Role lang yung ginagampanan ko, pero off-camera, love na love ko si Trudis.' Naintindihan naman niya kung ano ang ibig kong sabihin. Pero nakakatuwa, dahil ibig sabihin, effective ang ginagawa ko kaya nagagalit siya sa akin," kuwento pa ni Pauleen.

Love niya raw talaga si Jillian. Biro pa ni Pauleen, marami nga raw siyang natututunan dito.

"Yes. I think she's so blessed, napaka-talented niya. Minsan nga, sa sobrang talino niya, na nasasagot at nasasabi niya what she feels, baka ma-misinterpret siya. Pero every time na kasama ko siya, lagi siyang may bagong punchline. Marami akong natututunan sa kanya.

"Minsan nga, nagpunta kami sa wash room, siya agad ang nagsabi sa akin na, 'Wash your hands.' Kaya masaya kami lagi sa taping, lalo na kung medyo mga pagod na. Pinatutulog siya kapag walang eksenang kinukunan sa kanya at kapag nagising na siya, kami naman ang sasabihan niya, wala raw matutulog. Hindi ka nga makakatulog dahil kukulitin niya kami," kuwento pa uli ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mami-miss daw ni Pauleen ang saya at bonding moments nila sa set ng Trudis Liit.

"Silang lahat, kasi nag-enjoy kami talaga sa pagti-taping ng Trudis Liit kaya mami-miss ko sila talaga. Sobrang saya kami lagi, at nagtabaan nga yata kami dahil kain kami nang kain sa set. Nasa isang lugar lamang kami, bonding.

"Hindi kami distracted, dahil pagdating namin sa set, naroon lang kami. Wala ring signal doon sa bahay na ginagamit namin, kaya walang istorbong mga tawag. If we need to call, maghahanap kami kung saan may signal."

OK WITH MAXENE. Kumusta naman sila ni Maxene? Matatandaang may naunang Sine Novela silang dapat na gagawin, pero dahil that time ay may konti silang di pagkakaunawaan ni Maxene, na-shelve iyon at ang Trudis Liit nga ang ipinalit.

"Nagkaayos na kami. Miscommunications lang ang nangyari talaga noon. 'Saka hindi naman kami ngayon lang nagkakilala ni Maxene. Noong araw pa, magkakilala na kami dahil ang papa niya [the late Francis Magalona] at ang daddy ko, schoolmates sa San Beda College. Madalas din kaming nagkakasama sa Eat Bulaga! kapag naggi-guest siya."

CHIA REPLACING PIA? Dahil taga-Eat Bulaga!, tinanong na rin ng PEP si Pauleen kung may katotohanan ang usap-usapan, na kapag pumasok na bilang bagong co-host sa Eat Bulaga! si Chia Hollman ay aalis na si Pia Guanio sa show.

Si Chia ay anak ng dating co-host din ng Eat Bulaga! na si Chiqui Hollman.

"Hindi po totoo iyan. Kami naman sa show, may kani-kanya na talagang ginagawa. 'Saka si Chia, singer siya, kaya iba rin ang gagawin niya.

"Wala pong ganoon sa mga hosts ng Eat Bulaga! kasi naturuan kaming maging flexible, naturuan kami to deal things with everybody. 'Saka hindi po lamang sa show natatapos ang araw namin. May mga times na after the show, kapag pare-pareho kaming free, we hang out together, nanonood kami ng sine, kumakain sa labas. Kapag medyo tinatamad na lumabas, nakatambay lang kami kina Ruby [Rodriguez], kina Allan K."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo naman ang sinabi ni Pauleen dahil kanina sa Eat Bulaga!, masaya ang pag-welcome na ginawa kay Chia ng dabarkads, kasama na si Pia.

TOO BUSY FOR LOVELIFE. Kumusta naman ang love life niya? Bakit nali-link siya kay Steven Silva, ultimate winner ng StarStruck V?

"Natatawa nga po ako sa issue na 'yan kay Steven, dahil daw nagtu-Twitter kami. Hello, lahat na yata ng tao, nagtu-Twitter, issue ba iyon kung nagtu-twit kami? Magkasama naman kami sa GMA-7.

"Wala po akong boyfriend. Last ko pa iyong kay Dennis [Trillo] at almost two years na yata iyon. I don't look for it naman. I'm always busy and I don't go out naman with anyone.

"As long as I'm busy, preoccupied with things, hindi ko iniisip iyon. Siguro darating na lamang iyon when the right time comes."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN