Lotlot de Leon: "Bahala na lang si Lord sa lahat ng nang-aapi."

The actress denies giving up custody of her children after her marriage to Ramon Christopher was dissolved. She said the very idea is "ang sakit sa puso, ang sakit sa heart ko."


Magiging busy muli si Lotlot de Leon sa paggawa ng soap opera. Ngayon naman sa Kapuso teleserye na Koreana, kunsaan siya ang gaganap na "nanay-nanayan" ng character ni Kris Bernal.

Sabi niya sa Startalk kahapon, October 2, "Magagaling na artista ang kasama ko rito, so I'm very honored and proud."

PARENTING WITH EX. Matagal nang hiwalay sina Lotlot at Ramon Christopher. Pero ayon kay Lotlot, walang pinagbago ang kanilang pamilya. May communication pa rin daw sila ni Monching at pareho silang gumagawa ng desisyon tungkol sa apat nilang anak, ages 10 to 21.

"One cannot make one without the other, so, it's there. As parents, I think, Monching and I are doing the best that we can for our kids and, awa ng Diyos, maayos naman."

Ayon sa anak nilang si Janine Gutierrez na nakausap din ng Startalk, her parents are both good and still talk to each other at maayos naman at happy daw silang lahat.

CUSTODY ISSUE. Nang hingan naman si Lotlot ng komento tungkol sa dating mother-in-law na si Pilita Corrales, sabi niya, "Meron pa bang sasabihin? May kailangan pa bang sabihin, di ba? Parang, wala na, e..."

Muhkang lalong lumaki ang gap sa pagitan ng dating magbiyenan nang sabihin daw ni Pilita sa Paparazzi ng TV5 noong September 19 na ipinaubaya na raw ni Lotlot kay Monching ang pagpapalaki sa mga bata.

Mula doon ay nanganak ang balita at ang kumalat ay isinuko na raw ni Lotlot ang custody ng mga bata sa dating asawa, bagay na pinabulaanan ng aktres sa Startalk.

"No, it's not true... hindi ko alam kung ano pa ang puwedeng sabihin, at saka, ang sakit sa puso, ang sakit sa heart ko."

Ayon sa column ni Ricky Lo sa Philippine Star noong September 24, na kino-quote ang isang kaibigan ng aktres, nang maghiwalay sina Lotlot and Monching, si Lotlot ang umalis ng bahay. Pero, naiwan man kay Monching ang mga bata, madalas naman daw niyang binibisita ang mga ito at nakakatulog din daw sila sa bahay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinatotohanan ni Janine ang ganitong arrangement: "Pareho po, palipat-lipat." Tungkol sa custody issue, "Wala naman pong usapang gano'n. Wala talaga, there's nothing like that," diin ng anak.

MISUNDERSTANDING. Kinausap din ng Startalk ang matalik na kaibigan ni Lotlot na si Nadia Montenegro, at ang sabi nito, "Walang pumirma tungkol sa custody ng mga bata. Walang pumirma. And I called Mon, I asked him. Wala rin... walang pinirmahan si Lotlot na ganoon dahil hindi gagawin ni Lotlot yun.

"Siguro, ang ibig sabihin ni Tita Pilita ro'n, si Lot ang umalis ng bahay. Pero hindi ibig sabihin... iba yung umalis ka ng bahay dahil siguro may problema kayong mag-asawa. Pero iba yung pumirma ka sa isang papel na ipinamimigay mo na yung kustodiya sa asawa mo. It's like saying, 'I don't want to take care of the kids.' Hindi ganoon si Lot and she will stand up for her right.

"Ang gusto ko lang malaman ng lahat, ng buong Pilipinas, ng mga sumusubaybay, na si Lotlot, isa sa pinakamagaling na ina, magaling na kapatid. Napakahusay at napakagaling sa pag-aalaga at pag-aaruga sa mga kapatid niya."

Sabi pa ni Nadia, ang pagdarasal na lang daw ang nagiging sandata ni Lotlot sa lahat ng pinagdadaanan nito.

"Ako pa mismo ang nagsasabi sa kanya na, 'Lot, lumaban ka naman.'"

Ayon naman kay Lotlot, "It's been eight years that this is going on. Bahala na lang si Lord sa lahat ng nang-aapi. Wala naman tayong magagawa. Sabi ko nga, ganoon talaga ang buhay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN