Rhian Ramos not yet allowed to move out of home

"Ako, sa tingin ko, may part sa life yata ng girls, lalo na yung parang may part talaga na hindi sila magkasundo ng mom niya kasi nagkakaroon siya ng sarili niyang life, ganun," says Rhian Ramos.


Si Rhian Ramos ang sumalang sa "Behind The Wall" segment ng Showbiz Central kahapon, October 3, na nagkataong mismong araw ng kanyang 20th birthday.

Ang unang special informant na nagtanong kay Rhian ay isa sa mga lalaking na-link sa kanya and eyebrows were raised daw nang sabihing may relationship na silang dalawa.

Ang description naman ng co-host na si Raymond Gutierrez sa pangalawang secret informant ay ito: "Kung controversial si Rhian, controversial rin ito and she kinda looks like you."

Ang ikatlong informant naman daw ay ang "nagpapatiklop sa palaban at bihirang umurong sa anumang laban" na si Rhian.

SINGLE KA NGA BA? Ang tanong ng Special Informant No. 1 kay Rhian: "Maraming nakakakita sa set ng Ilumina na lagi kayong nagkukulitan ni Aljur [Abrenica]. How do you feel na lagi ka niyang tinatanong kung single ka na talaga ngayon?"

Sagot ni Rhian: "Pagka tinatanong ako ni Aljur... Hindi naman siya paulit-ulit na magtanong, grabe naman!

"Pero natanong na niya ako once at saka wala. Sabi ko, oo. At saka 'yon nga lang, ayun na nga, work talaga ang focus ko."

WALA SA MOOD. Ang tanong ng Special Informant No. 2: "Hindi siguro napansin ng ibang tao pero ako na-witness ko na nagdadabog ka at hindi ka nag-enjoy sa concert ni Timbaland [Justin Timberlake]. Bakit?"

Paliwanag ni Rhian, "Hindi, nung time na yun, wala ako sa mood pumunta ng concert. Pero ako yung hatid-sundo ng isa kong friend so I stayed na din.

"E, nung time na yun, may problema ako, kaya nga wala ako sa mood na manood ng concert. Pero ayun, dahil nga nag-promise ako sa friend ko na ako yung maghahatid sa kanya at ako yung magsusundo, kinulit na din nila ako na mag-stay.

"And nag-stay na din ako. And in the end, pina-enjoy din niya ako.

OBEDIENT DAUGHTER? Tanong ng Special Informant No. 3: "May lumabas na isyu na meron daw kayong rocky relationship ng mom mo. Sa tingin mo ba, have you been an obedient daughter?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Rhian, "Ako, sa tingin ko, may part sa life yata ng girls, lalo na yung parang may part talaga na hindi sila magkasundo ng mom niya kasi nagkakaroon siya ng sarili niyang life, ganun.

"So, nung pumasok ako sa pagiging artista, actually choice niya 'yon... Hindi naman choice, pero siya yung may gusto na mag-audition ako, na gawin ko 'yon. Tapos ayun, ginawa ko.

"So, sa part na yun, I don't think naman naging disobedient ako. Very obedient nga ako dun, e.

"Pero may mga times na kunwari ayaw niyang may kissing scene ako, na minsan, sa totoo lang, hindi ako nakikinig. Tapos, hahayaan kong gawin ko kasi feeling ko, parang hindi kumpleto yung kuwento, or parang alam mo yun?

"Kasi kung hinihingan ako ng kunwari, 'O Rhian, sasampalin ka dito!' E, kung hindi ako pumayag, pareho lang yun sa hindi ka pumayag mag-kissing scene.

"Parang kahit ano dapat ipagawa sa iyo bilang artista, dapat handa ka. So, may mga time na, ayun...

"Tapos papanoorin niya ako sa TV, tapos tatawagan niya ako. 'Bakit na naman? Kailangan ba 'yon?' So ako, 'Ma, kasi oo, e. Nasa script, e.'"

Tama lahat ang hula ni Rhian ng tatlong special informants: sina Aljur Abrenica, Bianca King, at ang mommy niya na si Mrs. Clara Howell.

MISS INDEPENDENT. Dahil nahulaan niya kung sino ang tatlong special informants, choice ni Rhian kung ire-reveal niya at sasagutin ang Ultimate Question o hindi.

Pagkabasa ni Rhian ng Ultimate Question, nagdesisyon siyang sagutin ito.

Ang tanong: "You already expressed your desire to move out na sa bahay at mag-solo na sa isang condo pero ayaw ka raw payagan ng parents mo. Bakit ayaw kang payagang bumukod?"

Sagot ni Rhian: "Kasi, actually, hindi pa lang 'yan yung ayaw nila, e. Dati, nung gusto ko pa lang matutong mag-drive, ayaw pa ng mommy ko kasi feeling niya, lalabas ako every day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi mahilig nga ako yung mag-explore. Gusto ko yung mga out-of-town na 'yan, kaya enjoy na enjoy ako sa taping.

"Kaya yung nangyayari ngayon, seven days a week na akong nagtatrabaho, na hindi na nga nila ako nakikita, tapos magmu-move out pa ako.

"If ever nakikita nila ako, ito na yung parang pa-collapse na ako, patulog na. Tapos papasok ang mommy ko [sa kuwarto ko], 'My baby!' Gaganunin niya ako!" natatawang kuwento ni Rhian.

Dagdag niya, "And then, ayun, parang 'yon na lang yung natitira sa kanya, tapos kukunin ko pa. Parang ganun, kung umalis ako.

"Na one night, pumasok nga siya sa room ko na wala siyang sinasabi, bigla na lang umiyak. So, alam ko na 'yon ay dahil nami-miss niya ako."

OVERPROTECTIVE MOM? Overprotective ba ang mommy niya?

"Ay, hindi, hindi naman," sagot ni Rhian. "Para sa akin, awkward naman para sa... Ako minsan, kunwari pag may mga napapanood ako na kaibigan ko na nasa TV, kahit sumasayaw lang, minsan talagang ako, 'Ay, yung suot niya, naku, baka masyadong...'

"Friend ko pa lang yun, ha! E, kung anak mo pa kaya? So, siguro naman, di ba, may dahilan naman siyang gumanun."

May say ba ang mommy niya kung sino ang manliligaw sa kanya?

"May extent, may extent," sagot ng young actress. "Kasi ako kapag may manliligaw, gusto ko pumupunta sa bahay at ipinapakita niya sa nanay ko na yung interest...

"Kasi ayoko yung nanliligaw siya sa akin, tapos walang alam ang mommy ko. Tapos nagde-date na pala kami, naging kami, tapos hindi alam ng mommy ko. Parang ganun.

"Tapos nagpakasal na kami!" natatawa pang sabi ni Rhian. "Tapos hindi alam ng mommy ko.

"So, gusto ko sa harap ng mommy ko, yung konting... Type niya pa lang [ako], nagkaka-type pa lang, ipakita niya agad para hindi nabibigla ang nanay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil nasa loob din ng studio ang ina ni Rhian ay tinanong na rin ito ni Raymond kung bakit hindi nito pinayagan ang anak na bumukod na ng tirahan. Is it because of Rhian's work, na hindi na nga niya masyadong nakikita ang anak, tapos aalis pa ito?

"Well, actually that's part of it and also there's always a right time for everything," sagot ni Mrs. Howell.

"Rhian just turned 20 today and I feel that I haven't had enough time, you know, with... She started working so early and I feel that there's so much more that she has to grow into as a woman before she actually goes out on her own."

MO TWISTER. Hindi rin pinalampas ni Raymond ang pagkakataon na tanungin si Rhian tungkol sa hindi mamatay-matay na issue sa kanila ni Mo Twister. Tanong niya: "Is this friendship brewing into something or hanggang ngayon matalik na magkaibigan lang kayo?"

"Kasi alam ko namang matagal na din kaming iniintriga, pero hindi kasi ako yung tipo ng taong lalayuan kita dahil sa intriga. Siyempre, may extent na alam mo yun, yung hindi ka masyadong... yung garapalang,'O, eto, kami na naman!'

"Pero masasabi ko talaga na sa kabuuan yata ng showbiz, siya na yung pinaka-close kong friend at pinaka-pinagkakatiwalaan ko. Kasi nakita ko din kung paano niya ako depensahan.

"Pagka iniintriga pa lang ako, makikita ko yung, wala... Napakatotoo niya lang na friend, na alam kong trabaho naman din niyang mang-intriga ng tao, pero kung maipapagtanggol niya ako, kung may alam siya tungkol dun, sasabihin niya kaagad," pahayag ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN