Ogie Alcasid-Regine Velasquez wedding will push through in a different venue

"Nang mga panahong yun na ako'y nagmamaneho at narinig ko yung balitang 'yon, medyo na-stress ako because how could I tell this to my bride-to-be, di ba? How could I explain to her wala tayong venue?" says Ogie Alcasid when he found out that the original venue of their wedding was cancelled.


May matinding aberya sa preparations sa kasal nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez bago matapos ang 2010. Ito ay ang malaking pagbabago sa venue matapos mapurnada ang napili nilang venue for their wedding dahil sa hindi malinaw na dahilan.

Matutuloy ba ang target date na maikasal sila before the year ends sa kabila ng pagpapalit nila ng venue? O, mapo-postpone ito to a later date?

"Alam mo, yung concern ko sa isyung 'yan actually was really Regine, e," sabi ni Ogie sa live interview sa kanya ni Pia Guanio sa Showbiz Central kahapon, October 3.

"When I was told that the venue rejected us, and for no apparent reason, wala silang rason, na sinabi lang nila na 'Hindi na namin kayang idaos ang inyong selebrasyon dito sa lugar namin.' There was no specific reason told to me.

"Nang mga panahong yun na ako'y nagmamaneho at narinig ko yung balitang 'yon, medyo na-stress ako because how could I tell this to my bride-to-be, di ba? How could I explain to her wala tayong venue?

"We've had many, many talks with the venue already, marami na kaming naayos na mga detalye. Hanggang sa siyempre e-mail, e-mail, e-mail, e-mail. Na, 'O, ito, okay ito, okay ito.' Then they just called [and said] 'We can't do it.'"

Hindi raw niya agad sinabi kay Regine ang nangyari.

"No, no, hindi ko agad sinabi sa kanya," sabi ni Ogie. "Kasi naggo-golf ako nung araw na 'yon. So, sabi ko, 'Sige, maggo-golf muna ako, and then I'll just tell her in the afternoon.' Kasi siyempre, tulog pa 'yon.

"And then, actually, tumawag na siya. Sabi niya, 'Bakit hindi mo sinasabi sa akin?' Sabi ko, 'E, kasi ayokong...siyempre iniisip ko yung damdamin mo.'

"Pero siyempre, what do you do na pagka naunahan ka na? So, siyempre kinausap ko na siya. Sabi ko, 'Huwag ka nang mag-aalala, nagawan ko na ng paraan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, hindi ako, hindi ako. Ang Panginoon ang gumawa ng paraan. Within an hour, someone heaven sent helped us [with] the venue. Everything, e, inayos po. And I'm very, very thankful to this person."

So, tuloy ang kasal?

"Of course!" bulalas ni Ogie.

SPECIAL GUEST. May kinalaman ba ang very special guest nila sa kanilang kasal na si President Noynoy Aquino sa pagka-cancel ng una nilang napiling venue?

"I don't know, e. Kasi wala silang binigay na specific na reason," sagot ni Ogie. "Merong mga... Kasi alam ko may konting problema sa pagkain, baka kulang, ganito-ganyan. Maaaring nakatulong 'yon siguro."

Hindi kaya na-overwhelm ang naturang venue sa bonggang guest list nila?

"Pero alam mo, hindi naman kalakihang wedding ito, tayo-tayo lang to, e," sabi ni Ogie.

Nang ma-realize ni Ogie na nasa national TV siya, tumatawang binawi niya ito by saying "Ay, kami-kami lang pala!"

Sinabi ni Pia kay Ogie na malaking kawalan para sa venue ang pagka-cancel nila dahil "wedding of the year" ang tinanggihan nila.

"Wala, e, ang sa akin, the Lord works in mysterious ways. Perhaps this was not the venue meant for us, and let's move on, di ba? Tapos na yun.

"Kaya lang siguro ito lumabas dahil my fiancée, my bride-to-be, she was really, really upset because she already saw herself in that venue. She already saw herself walking down the aisle and meeting that handsome young man—and I stress young man—at the very end!" tawa niya.

"So, you know, she was very disappointed," pahabol ni Ogie.

MICHELLE'S PARTICIPATION. Ano naman ang pakiramdam ni Ogie na mismong ang ex-wife niyang si Michelle Van Eimeren ay nag-volunteer at may partisipasyon sa kasal nila ni Regine?

"Alam mo, sa pagkakaintindi ko kasi, usapan ito ni Regine at ni Michelle. I think the last time that we were together, I think this was Christmas of last year, she [Regine] just mentioned...asked Michelle. Sabi niya, 'Michelle, if at all matuloy kami...'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, hindi pa ako annulled nung mga panahon na yun. Kasi, that is Michelle's business, e, to do flowers, arrange for weddings.

"So, sabi ni Regine, 'Maybe you can do or fix our flower arrangement for our wedding, and of course we'll pay you.' And Michelle said, 'No! What are you...are you kidding? You don't have to pay, blah blah blah.' And then that started from there."

Ano ang feeling ni Ogie na everybody is happy and harmonious?

"You know, the way I see it, we're all one big family. Regine is an extension of our family, of our little family. And Michelle and her husband is an extension of our family.

"So, it's one compounded family. We're one big happy family," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN