Eula Valdes not yet ready to settle down with boyfriend Rocky Salumbides

Actress Eula Valdes plays another villain role in the upcoming GMA-7 afternoon soap Koreana. But she plans to attack her role in a different way to veer away from her previous kontrabida roles.


Pinakaunang drama sa hapon ni Eula Valdes sa GMA-7 ang Koreana, na tinatampukan nina Kris Bernal, Steven Silva, at Rocco Nacino. Ngayon lang din siya ulit magiging salbahe o magkokontrabida sa isang teleserye.

"Yung sa All About Eve, salbahe din, pero iba. Sa The Last Prince, hindi ako salbahe," paglalarawan ni Eula sa mga naging role niya sa mga nauna niyang shows sa bakuran ng Kapuso network.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Eula sa presscon ng Koreana noong Martes, October 5, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Wala raw ginawang preparasyon si Eula sa role niya sa Koreana bilang si Violeta, ampon ni Chang Hee Jung na ginagampanan ni Mr. Eddie Garcia.

"Alam mo kasi, ayoko... Sinabi ko kay Direk [Gil Tejada Jr.] na ayoko yung physical. Kasi, in-analyze ko na yung role ko. Kasi ampon lang ako, galing ako sa mahirap na iniwan ng nanay. So, parang nag-vow ako na ayoko nang maging mahirap.

"Pero this time naman, nagkaroon ako... Sobra namang naghahanap ako ng atensiyon ng magulang, na nagiging selfish ako sa atensiyon ni Tito Eddie, na tatay ko dito, na nag-ampon sa akin.

"Tapos nung nagkaanak ako, alam mo yung gusto ko lang masiguro... Alam mo yung overprotective na nanay na gusto lang ma-secure ang future ng anak, na sisiguraduhin na hindi kami mauuwi sa wala," paglalarawan ni Eula sa kanyang karakter sa Koreana.

Sa mga nagawa na raw niya in the past, walang kapareha ang role niya dito sa Koreana, na mapapanood na simula sa Lunes, October 11, sa GMA Haponalo.

Kahit nga raw kahit kaunting touch ng pagiging Amor Powers niya sa ABS-CBN primetime series na Pangako Sa 'Yo ay wala si Violeta.

"Wala, wala... As in gusto ko siyang ibahin. As much as possible, kung pagbibigyan ako ni Direk, ayoko din yung tipikal na kontrabida na kitang-kita ng tao na masama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, pailalim ang kasamaan niya sa Koreana?

"Medyo. At saka marunong ding magmahal na ano..."

So, may malambot ding puso si Violeta?

"Gusto ko sanang ganun. Ayoko sana na, alam mo, yung tipikal na mataray na maingay na salbahe," sabi niya.

TWO-YEAR RELATIONSHIP. Kumusta naman ang lovelife niya?

"Masaya!" bulalas niya.

Two years na ang relasyon nila ng model turned actor na si Rocky Salumbides. May mga nadidiskubre pa ba siya kay Rocky na hindi niya alam dati?

"Marami, pero mga tipong nadidiskubre mo na lalo mong minamahal," sagot ni Eula.

Tulad ng?

"Sa amin na lang 'yon!" tawa nang tawang reaksiyon ng aktres.

May plano na ba silang magpakasal?

"Wala pa. Ayaw pa naming isipin 'yon kasi hindi pa naman ako annulled, e."

Ang tinutukoy ni Eula ay ang kasal nila ng nakahiwalayang asawa na si Richard Litonjua.

Ang pagkakaroon ng anak?

"Hindi namin pinaplano, although gusto niya," sabi ni Eula.

Gusto rin ba niyang magkaanak sila ni Rocky?

"Kung ano ang ibigay, kung ibigay. Kung ibibigay, e, di okay. Kung hindi, e, okay din. Masaya naman ako, e."

Tutal naman daw ay parang tunay na mag-ama raw ang turingan ni Rocky at ng mga anak niyang sina Miguel (anak ni Eula kay Ronnie Quizon) at Juliana (anak niya kay Richard Litonjua).

"Dyusko, grabe, para niyang anak si Yana [Juliana]!" sambit ni Eula. "Sobrang close sila. Kasi si Miguel, 16 na, e, so mabarkada na.

"Si Yana, laging nakabuntot [kay Rocky]. At saka yung ano, 'Saan ka pupunta?' Kunwari aalis [si Rocky], 'Saan ka pupunta? Hindi, hindi ka aalis!'"

Bagamat hiwalay na sila ni Richard, sinabi ni Eula na magkaibigan pa rin sila ng dating asawa.

"Oo naman, oo. Nagte-text pa rin kami, kung ano ang mga kailangan, kumustahan, ganyan-ganyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN